Skip to main content

Workers picket Congress, call for a stop to Cha-cha

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filetXYWx6 could not be copied.

In time for a committee meeting on the proposed changes in the 1987 Constitution, workers led by labor center Kilusang Mayo Uno held a picket in front of the House of Representatives today to call for a stop to the Cha-cha, condemning the premise and process of the latter.

“We oppose the Cha-cha being pushed by the Aquino government. Its premise and process are both incorrect. We oppose it vehemently,” said Roger Soluta, KMU secretary-general.

“The Cha-cha’s basic premise is that attracting more foreign investors will bring about the country’s development. We have been trying to do that for the longest time and we are not anywhere near being a developed country,” he added.

“Workers, for one, have not been benefitting from the government’s drive to attract foreign investors. This drive has meant pressing down our wages, promoting contractualization, imposing inhumane workloads and repressing our rights,” Soluta said.

Carrying placards that read “The Philippines is not for sale” and “Stop Cha-cha,” workers staged a play where Uncle Sam and Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III are dancing cha-cha over the country’s Constitution.

The HOR Committee on Constitutional Amendments is set to meet today to deliberate on House Concurrent Resolution No. 10 which seeks to amend the economic provisions of the Constitution.

On the agenda are the following amendments: (1) removal of the 60%-40% equity limitations on foreign investors, (2) removal of the exclusive control and management by Filipinos in companies with foreign equities, (3) expansion of foreign investors’ role in exploring, developing and utilizing the country’s natural resources, (4) allowing foreign ownership of industrial lands, (5) allowing foreign investment in the media industry, (6) liberalizing the practice of profession, (7) allowing foreign investments in tertiary education, and (8) expansion of the 25 years plus 25 years land lease agreement.

“The process being proposed for amending the basic law of the land is the same as the process being followed in passing an ordinary law. This does not strike us as the right thing to do,” Soluta said.

“These are major amendments to the Constitution and will deeply affect the lives and livelihood of ordinary Filipinos. These should be subjected to public and government deliberations that are more rigorous than those being undergone by ordinary pieces of legislation,” he added.

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU secretary-general
Contact information: 
0928-7215313

Comments

#1 CHA-CHA 2011, GAWING BEHIKULO

CHA-CHA 2011, GAWING BEHIKULO AT ENTABLADO NG PAGLALANTAD SA MGA KONTRA-MAMAMAYAN, MAKA-DAYUHAN, MAKA-IMPERYALISTA, MGA KAAWAY NG BAYAN, AT PAPET NA HACIENDERONG REHIMENG AQUINO

Ang pamahalaan ng Papet na Hacienderong Rehimeng Aquino ay mga tinipon na labi ng mga nakaraang rehimen. Kumakatawan ito ngayon sa mga labi ng mga nakaraang rehimen mula sa panahon ng Pasistang Diktadurang US-Marcos hanggang sa panahon ng Pasistang Rehimeng Arroyo. Sa kaibuturan, ang pamahalaang ito ay rekonsolidasyon o muling pag-oorganisa ng mga nagkawatak-watak na hanay ng uring Panginoong Maylupa at Burgesya Komprador mula noong panahon ng Pasistang Diktadura ni Marcos. Walang nagbago, walang mga bago, at wala itong babaguhin, bagkus, palalalain pa nito ang talamak at kronikong krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunang Pilipino.

Ang muling pagbuhay sa pagbabago o pag-amyenda sa Saligang Batas o ang Cha-Cha 2011 ay magiging mainam na behikulo at entablado ng paglalantad laban sa mga maka-dayuhan, maka-imperyalista at kontra-mamamayang mga patakaran, indibidwal, grupo, organisasyon at mismong Papet na Hacienderong Rehimeng Aquino. Magiging isang malinaw na distinskyon at dibisyon ito sa pagitan ng mga makabayan at maka-dayuhan, maka-imperyalista at kontra-mamamayang mga lider, indibidwal, grupo, organisasyon at mismong pamahalaan.

Hindi kinakailangang maging bihasa ang masa ng sambayanan sa ekonomyang pampulitika upang mamulat sa imperyalistang dominasyon at rekolonisasyon ng ating bansa. Tulad sa mga nangyayari ngayon sa Estados Unidos, pinuputakte ng kilos-protesta ng mga manggagawa at mamamayang Amerikano ang Wall Street na punong-himpilan ng mga Imperyalista at Monopolyo Kapitalista at patuloy na lumalaganap ang ganitong kilos-protesta sa iba't-ibang panig ng Estados Unidos hanggang sa buong mundo. Itinutulak ng papatinding krisis sa kanilang kabuhayan ang mga manggagawa at mamamayang Amerikano upang mamulat at maunawaan ang ugat ng krisis ng Kapitalismo. Ang Cha-Cha 2011 ay mainam na pagkakataon, upang mamulat at maunawaan ng masa ng sambayanan ang ugat ng kronikong krisis ng mala-pyudal at mala-kolonyal na lipunang Pilipino.

Limang bersyon na ng Saligang Batas ang umiral at naipatupad mula nang ideklara ng taksil na Ilustradong si Emilio Aguinaldo ang “Malolos Republic” na tutungo lamang pala sa pagkakanulo nito ng ating bansa sa Imperyalismong US.

Limang Naitalang Republika sa Kasaysayan na may Saligang Batas;

Unang Republika: (1898-1901) Malolos Republic
: President - Emilio Aguinaldo
: Vice President - Mariano C. Trias (elected during Tejeros Assembly)

Pamahalaang Komonwelt : (1935-1944) Kolonyal na Pamahalaang Amerikano
: President - Manuel L. Quezon (namatay habang nasa US)
: Vice President - Sergio S. Osmena Sr. ( humalili kay Quezon)

Ikalawang Republika : (1943-1945) Japanese Occupation
: President - Jose P. Laurel
: Vice President - Benigno Aquino Sr./ Ramon Avancena

Ikatlong Republika : (1946-1948) Bogus Declaration of Independence
: President - Manuel L. Roxas (died of heart attack)
: Vice President - Elpidio R. Quirino (pumalit kay Roxas)

Ikaapat na Republika: (1972-1986) The New Republic (Martial Law)
: President - Ferdinand E. Marcos
: Prime Minister- Cezar A. Virata

Ikalimang Republika: (1986-1992) “People's Power Constitution”
: President - Corazon (Cory) C. Aquino
: Vice President - Salvador (Doy) H. Laurel

Sa unang naitalang dayaan sa halalan, nang manipulahin ng Magdalo Faction ni Emilio Aguinaldo ang resulta ng halalan sa Tejeros Assembly noong Ika-22 ng Marso 1897 at initsa-pwera ang Punong Tagapagtatag at Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio na kinatawan ng Magdiwang Faction. Batid ni Bonifacio ang garapalang pandaraya at manipulasyon ni Aguinaldo sa nasabing Unity Assembly o ang binansagang Tejeros Convention, kaya idiniklara n'ya ang resulta nitong walang bisa (null & void). Sa utos ni Aguinaldo, tinambangan at naaresto ng kanang kamay nito na si Heneral Mariano Noriel ang tropa ni Bonifacio na noo'y pabalik na sa kamaynilaan. At dito ipinatupad ni Aguinaldo ang unang extra-judicial killings, at ipinatumba ang grupo ni Bonifacio kabilang na ang kapatid nitong si Procorpio, sa paanan ng Mount Buntis sa Marigondon, Cavite noong Ika-10 ng Mayo 1897, sa pangunguna ng isang matapat na tinyente ni Aguinaldo na si Major Lazaro Macapagal.

Mula nang paslangin si Bonifacio, dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo ang Rebolusyong Pilipino, bagay na naging dahilan upang mapwersang makipagkasundo si Aguinaldo sa kolonyal na Pamahalaang Kastila. Sa pamamagitan ng Pact of Biak na Bato, pumayag si Aguinaldo na magpatapon sa Hongkong kapalit ng PhP 800,000.00. Ang kalahati ( PhP 400,000.00) ay paunang bayad (initial payment), at ang susunod na kalahati ay, kung magbababa na ng armas ang mga rebolusyonaryong Pilipino. At matapos ang tatlong taon, ang isa pang pangako na magbubuo ng isang pamahalaan na pamumunuan ni Aguinaldo na nasa ilalim ng Kolonyalistang Kastila.

Tumutol ang ilang magigiting na Heneral ng Rebolusyon sa kasunduang ito. Sa pangunguna ni Heneral Antonio Luna, ipinagpatuloy nila ang Rebolusyon laban sa Kolonyal na Pamahalaang Kastila kahit nagpatapon na sa Hongkong si Aguinaldo. Hanggang sa panahong halos magagapi na nila ito at pinaiikutan na lamang ang balwarte ng kapangyarihang pampulitika nito sa Fort Intramuros sa Maynila. Lingid sa kaalaman nila Heneral Antonio Luna, muling nakipagkasundo si Emilio Aguinaldo sa mga sugo ng Imperyalismong Estados Unidos habang nasa Hongkong, upang tanggapin ang alok na tulong nito sa pagpapatalsik sa Kolonyal na Pamahalaang Espanyol kapalit ang muli n'yang pag-upo bilang pinuno ng Rebolusyonaryong Pamahalaan.

Sakay ng barko de gerang USS Olympia ni Commodore George Dewey, bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo. Nguni't, kahit batid ni Aguinaldo na may nauna nang kasunduan ang Imperyalismong Estados Unidos at ang pamahalaan ng Kolonyalistang Espanyol sa pamamagitan ng “Treaty of Paris”, nakipagkasundo pa rin siya sa mga sugo nito. Isinasaad ng kasunduang ito ang pagtatapos ng Spanish-American War at kabilang na ang pagsasalin ng kapangyarihan ng Kolonyalistang Espanyol sa Pilipinas tungo sa kamay ng Imperyalismong Estados Unidos at tatanggap ito ng kabayaran sa halagang $ 20, 000.000.00.

Mahigpit ang pagtutol ng ilang Heneral ng Rebolusyon sa pangunguna ni Antonio Luna sa pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa mga sugo ng Imperyalismong Estados Unidos. Ganu'npaman, nangibabaw ang kapangyarihan ni Aguinaldo at inatasan nito ang mga tropa ng mga Rebolusyonaryong Pilipino na lumayo sa paligid ng Fort Intramuros. Isang hakbang ito ng sabwatang Aguinaldo-Commodore George Dewey, upang isakatuparan ang isang “Script”, na kung saan palalabasing ang tropang Amerikano ang nagpasuko sa mga Kolonyalistang Espanyol at dumating na sa Pilipinas ang “Mapagpalang Pagkupkop”(Benevolent Assimilation) ng US.

At ang kasunod nito, naganap noong Ika-1 ng Mayo 1898 ang pinakamaiksing labanan sa kasaysayan ng mga digmaan na tumagal lamang ng halos anim na oras, mula 5:41 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Ito ang tinaguriang “Bogus Battle of Manila Bay”, na kung saan pormal na sumuko ang Kolonyal na Pamahalaang Espanyol sa bagong mananakop na Imperyalismong Estados Unidos.

Nguni't dahil sa malakas na pagtutol ng mga Heneral ng Rebolusyong Pilpino sa pangunguna ni Heneral Antonio Luna sa pakikipagkasundo sa bagong mananakop, napilitan si Aguinaldo na mag-deklara ng isang Republika noong Ika-18 ng Hulyo 1898 para hindi lubusang mahiwalay sa paparaming Heneral ng Rebolusyon na tumututol sa pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa Imperyalismong Estados Unidos. Ito ang tinaguriang “Malolos Republic”, na kung saan kasama sa deklarasyong ito ang deklarasyon ng pakikidigma sa Imperyalismong Estados Unidos.

Nguni't sa kabila ng deklarasyong ito, may maitim na balak pala si Aguinaldo sa grupo ni Heneral Antonio Luna dahil sa pagiging balakid nito sa kasunduang pinasok ni Aguinaldo sa Imperyalismong Estados Unidos. Tulad ng sinapit ni Bonifacio na isang balakid sa kanya sa pag-agaw ng pamununo sa Rebolusyon, pinaligpit din nito si Heneral Antonio Luna noong Ika-5 ng Hunyo 1899 sa Cabanatuan, Nueva Ecija, na isinakatuparan ng mga tropa mula sa Kawit, Cavite sa pamumuno ng isa pang matapat na Tinyente ni Aguinaldo na si Kapitan Pedro Janolino.

Sa pagkakapaslang kay Heneral Antonio Luna, na kinikilalang pinuno at mahusay na “military tactician” ng rebolusyong Pilipino, sunod-sunod na pagkatalo ang sinapit ng mga rebolusyanaryo sa kamay ng mga tropang Amerikano. Sa kalaunan, isinuko ni Aguinaldo ang Rebolusyong Pilipino at nanumpa ito ng katapatan sa Kolonyal na Pamahalaan at mismong pamahalaan ng Estados Unidos noong Ika-19 ng Abril 1901 sa Malacanang, sa harap ni Governor-General Arthur MacArthur Jr., tatay ni Heneral Douglas MacArthur.

Mahalagang bagtasin ang maikling kasaysayang ito, dahilan sa dito mauunawaan ng mga bagong henerasyon at ng mamamayang Pilipino kung paano sa kongkreto ang simula mula sa pagiging Kolonya, inilatag ng Imperyalismong Estados Unidos ang mala-kolonyal at mala-pyudal na kaayusan ng lipunang Pilipino sa pakikipagsabawatan ng mga taksil sa rebolusyong Pilipino. Dito rin matatalakay ang pagdidikta ng Imperyalismong Estados Unidos sa mga nakaraang Papet na Pamahalaan sa pagbubuo ng Saligang Batas na umaayon sa kanilang interes.
Mula sa pormal na pagsasalin ng kapangyarihan ng Kolonyal na Pamahalaang Kastila noong Ika-13 ng Agosto 1898, kaagad itinayo ang isang “Military Goverment” ng Imperyalismong Estados Unidos sa pamumuno ni Heneral Wesley Merritt. Sa kalaunan, itinalaga ang mga sibilyang pinuno ng gobyernong militar tulad ng Schurman Commission at Taft Commission upang sanayin ang mga lokal na naghaharing uri sa pagpapatakbo sa mga lokal na pamahalaan mula sa antas probinsiya hanggang munisipalidad.

Sa kalaunan, sa pamamagitan ng ipinasa ng US Congress na Philippine Bill of 1902 o ang Cooper Act na aprubado ng Presidente ng US na si Theodore Roosevelt, binuo ang Philippine Assembly na siyang maghahalal ng Upper at Lower House ngunit nasa ilalim pa rin ng Kolonyal na Pamahalaang US. Binubuo ang kapulungang ito ng mga ilustrado at mga lokal na naghaharing uri mula pa sa panahon ng Kolonyal na Pamahalang Kastila. Ang kapangyarihan ng Korte Suprema at mga nakakababang Hukuman na binuo ng Kolonyal na pamahalaan ay pinanatili. Sa kapulungang ito unang sinanay ang mga grupong ilustrado nina Manuel L. Quezon, Sergio Osmena, Benito Legarda, Manuel Roxas, Pablo Ocampo, Cayetano Arellano at iba pang lokal na nahaharing uri.

Hindi nagtagal, ipinasa uli ng US Congress ang Jones Law noong Ika- 29 ng Agosto 1916. Isang hakbang uli ito para lubusang sanayin naman ang mga hinaharap na pambansang lider ng itatayong Papet na Republika ng Pilipinas tulad ni Manuel L. Quezon at Sergio Osmena sa pamamagitan ng isang Commonwealth Government. Inisyal na nagkahugis dito ang tatlong sangay ng papet na pamahalaan tulad ng Executive, Legislative at Judiciary nguni't nasa ilalim pa rin ng Kolonyal na Pamahalaan ni Governor-General Francis Burton Harrison.

Ang Commonwealt Government ay sampung taong (10 taon) preparasyon o transisyon mula 1935 hanggang 1945, upang ihanda ang bansa sa pagtatayo ng isang Papet na Republika na nasa mahigpit na impluwensya o kontrol ng Imperyalismong Estados Unidos. At di nagtagal, pinalitan ang Hares-Hawes-Cutting Bill ng mas pinaunlad na bersyon nito na tinawag na Tydings-McDuffie Law na inaprubahan ng bagong US President na si Franklin Delano Roosevelt. Ito ay kilala rin sa tawag na Philippine Independence Act of US Congress, na magbubuo ng Philippine Commonwealth Government. Bahagi ng kompromisong pinasok ni Quezon at Osmena para matuloy ang Commonwealth Government ay, ang pagkilala sa mga ari-arian ng mga Prayle o Simbahang Katoliko at ng Kolonyal na Pamahalaang Kastila, at ang mga aria-arian at negosyo na naipundar mula nang pumasok ang Imperyalismong Estados Unidos sa ating bansa.
Isang pinakamahalagang bahagi ng Gobyernong Komonwelt ay ang susundin at ipatutupad nitong Saligang Batas na halos kinopya sa Saligang Batas ng Imperyalismong Estados Unidos na inaprubahan ng US Congress at Pangulo ng Estados Unidos. Susundin at ipatutupad na ito sa panahon ng sampung taong transisyon ng Gobyernong Komonwelt at magiging permanente na ito hanggang maitayo ang kauna-unahang papet na Republika sa ilalim ng Imperyalismong US.

Naudlot ang pagkukumpleto ng proseso sa transisyon ng Gobyernong Komonwelt, dahil pumasok sa eksena ang pananakop ng Pasistang Imperyalistang Hapon noong Ika- 8 ng Disyembre 1941. Sa pakikipagsabwatan o kolaburasyon ng Partidong KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas), na pinamumunuan ni Benigno Aquino Sr. (Lolo ni P'Noy), idinaos nila ang isang National Assembly at inihalal si Jose P. Laurel bilang Presidente at kapwa Bise-Presidente sina Benigno Aquino Sr. at Ramon Avancena (kamag-anak ni Quezon), at kanilang itinayo ang Papet na Republika sa ilalim ng Japanese Imperial Army at bumuo ng Saligang Batas ayon sa kagustuhan ng bagong mananakop.

Tumagal lamang ng halos apat na taon ang Papet na Republika (1943-1945) na itinayo ng mananakop na Hapon, dahil na rin sa inilunsad na armadong pakikibaka ng mamamayang Pilipino at determinasyon nilang makalaya sa kalupitan nito. Nguni't dahilan sa internal na kahinaan at kamalian ng HUKBALAHAP, sinalubong sa halip na labanan ang muling nagbabalik na Imperyalismong US, na ang ultimong layunin ay sakupin muli ang ating bansa.

Sa pangamba ng muling nagbabalik na Imperyalismong US na muling sumiklab at lumakas ang armadong rebolusyon ng mamamayang Pilipino, tinapos na nito ang proseso o transisyon ng Gobyernong Komonwelt. Ibinigay nito ang huwad na kalayaan (Bogus Independence) noong July 4, 1946. At dito ganap na nagkahugis ang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunang Pilipino at ang Papet na Republika sa pangangalaga ng Imperyalismong Estados Unidos.. Ang Saligang Batas na susundin at ipatutupad nito ay walang gaanong kaibahan sa Saligang Batas na binuo at inaprubahan ng US Congress at US President noong panahon ng transisyunal na Gobyernong Komonwelt.

Sa papet na Republika, tungkulin lamang ng Ehekutibong Sangay na sundin at ipatupad ang mga patakaran na umaayon sa 1935 na Saligang Batas. Ang ugnayang panlabas ay kailangan dumaan at aprubahan pa ng US Congress at Pangulo ng Estados Unidos, ganoon din ang mga ipinasang batas ng lehislatura. Ang hudikatura ay nasa mahigpit pa ring kontrol ng US High Commissioner.
Ang mga obligasyon ng Estados Unidos sa pakikipagkasundo nito sa Pamahalaang Espanyol hinggil sa Pilipinas ay lubos na igagalang at aakuin ng Papet na Republika. Sa mas simple, kahit ang $ 20, 000.000.00 na kabayaran nito sa ilalim ng Treaty of Paris ay inako din mismo ng Papet na Republika.

Ang “New Republic” ng Pasistang Diktadurang US-Marcos (1972-1986):

Ang mga sumunod na Rehimen matapos ang unang Papet na Republika ni Manuel Roxas ay pawang mga Papet na Pamahalaang tagapagpatupad lamang ng Saligang Batas na binuo ng Imperyalimong Estados Unidos noong 1935 para sa Gobyernong Komonwelt. Mula kay Roxas hanggang sa unang termino ni Marcos ay nagkakaiba lamang ng mga palabok kung paano ipatutupad ang 1935 na Saligang Batas na binuo ng Imperyalismong Estados Unidos.

Sa unang terminong ito ni Marcos, nalantad muli ang pagkakahati ng mga naghaharing uri dahilan sa kagustuhan nito na i-monopolyo ang pang-ekonomya at pampulitikang kapangyarihan. Kung nahati noon sila sa maka-hapon at maka-Amerikano, nahati naman sila sa panahong ito sa pagitan ng maka-Marcos at anti-Marcos, nguni't parehong nagnanais na makopo ang suporta ng Imperyalismong Estados Unidos.

Idiniklara ni Marcos ang Batas-Militar at ipinataw ang Pasistang Diktadura, sa layuning i-monopolyo ng kampo nito ang kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomya na binasbasan naman ng Imperyalismong Estados Unidos, dahil pabor ito sa pagdidikta ng kanilang interes sa ating bansa. Di kalaunan, gumawa ito ng sariling Saligang Batas (1973 Constitution) at binago ang istruktura mula Presidential tungo sa Parlyamentaryo para madulas na maipatupad ang pasistang pamamahala. Hindi nawawala ang diwang mapanlaban at rebolusyonaryong adhikain ng masa ng sambayan, at hindi rin nagtagal pinatalsik ng mamamayan ang kinamumuhiang rehimen.

Ang “People's Power Constitution” ng Pasistang Rehimeng US-Cory:

Nang mapatalsik ng mamamayan ang Pasistang Diktadurang US-Marcos, agad na bumuo ng sariling Saligang Batas ang Rehimeng US-Cory sa pamamagitang Constitutional Commission. Ito ang 1987 People's Power Constitution. Walang substansyal na pagbabago o binago ito mula sa 1935 na Saligang Batas.

Ibinalik lamang nito ang Presidensyal na pamamahala para wasakin ang pundasyon ng monopolyo sa kapangyarihang pampulitika na itinayo ng Rehimeng Marcos. Ngunit ang kaibuturan ng mala-kolonyal at mala-pyudal na kaayusan na isinilang ng 1935 na Saligang Batas, ay lalo pang pinatatag dahil sa programa nitong Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at sinimulan ang Liberalisasyon at Deregulasyon sa patakarang pang-ekonomya bilang pagtalima sa mga imposisyon ng IMF-World Bank na lalo pang nagbuyangyang ng ating bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Aktibo pa nga itong nangampanya upang panatilihin ang Base- Militar ng Imperyalismong Estados Unidos, nguni't matagumpay na nakapanaig pa rin ang malawak at malakas na pagtutol ng sambayanan upang patalsikin ito.

Matapos ang Rehimeng Cory Aquino, bigo ang ang sambayanan sa inaasahan nitong paglaya sa tanikala ng mala-kolonyal at mala-pyudal na kaayusan na pinasidhi pa noong panahon ng Pasistang Diktadura ni Marcos. Nabigyan lamang ng bagong anyo at palabok ng 1987 na Saligang Batas ni Cory ang 1973 na Saligang Batas ni Marcos, dahil kapwa pa ring umaalinsunod ito sa 1935 na Saligang Batas na binuo ng US Congress para sa Gobyernong Komonwelt. Gano'n pa man, kahit malinaw na probisyon sa 1983 Cory Constitution ang pagbabawal sa pananatili ng mga dayuhang tropa at sandatang nukleyar sa loob ng bansa, garapal at lantarang nilalabag pa rin ito ng Imperyalismong Estados Unidos. Pinaikutan nito (circumvent) ang 1987 na Cory Constitution, at ipinalit ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa ilalim ng inaamag nang Mutual Defense Treaty (1953) upang patuloy na mamayagpag sa loob ng bansa ang mga tropang Amerikano at ang mga barko de gera nitong may sandatang nukleyar kahit wala na ang kanilang mga base militar.

Maliban sa Rehimeng Estrada na umupo lamang ng dalawang taon, tinangka rin ng Rehimeng Ramos at lalo na ng Pasistang Rehimeng Arroyo na baguhin ang 1987 Cory Constitution, hindi upang wasakin ang mala-kolonyal at mala-pyudal na kaayusan, kung di para solohin ang kapangyarihang pampulitika at organisahin ang sariling kampo ng mga naghaharing uri tulad ng ginawa ng Rehimeng Marcos, upang manatiling pangunahin at namumunong papet ng Imeryalismong US.

Sa mga naipalit at mga tangkang pagpapalit o pag-amyenda ng Saligang Batas laging may nakatagong kamay ang Imperyalismong US. Kailangan nitong tiyakin na hindi matitinag ang mahahalagang probisyon na nakasaad sa 1935 Constitution ng Gobyernong Komonwelt na sila rin ang umakda upang bigyang proteksyon ang kanilang pang-ekonomya at pampulitikang interes sa bansa.
Batay sa pangkasaysayang pagsusuri, mula sa 1935 na Saligang Batas ng Gobyernong Komonwelt, napalitan o na-amyendahan man ito hanggang sa kasalukuyan, laging nagmamaniobra ang nakatagong kamay ng Imperyalismong Estados Unidos. Laging ring may sulsol at nakatagong kamay ito sa pag-amyenda at pagpapalit ng Saligang Batas ng ating bansa upang tiyakin din na mababago ang mahahahalang probisyon nito na di na angkop sa kanilang kasalukuyang pangangailangan.

Ang Cha-Cha 2011 ay panibagong sulsol ng Imperyalismong Estados Unidos mula sa organisasyon ng kanilang mga dambuhalang korporasyon tulad ng American Chamber of Commerce at iba pang organisasyon ng mga dayuhang korporasyon. Sa di maampat na pagkabangkarote ng kanilang ekonomya, nais nilang alisin ang mga balakid at ipasa ng todo-todo ang krisis na nararanasan nila sa kasalukuyan sa mga bansa sa ikatlong daigdig tulad ng Pilipinas. Kulimbatin ang mga natitirang likas na yaman ng ating bansa, lalong pigain at pagsamantalahan ang murang lakas-paggawa at ibuhos ang sobrang produksyon at serbisyo, at sobrang pinansyang kapital na ugat ng krisis ng kanilang Kapitalistang ekonomya.

Ang mga promotor ng Cha-Cha 2011 ay mga lahi ni Aguinaldo at ikalawang henerasyon ng mga lokal na naghaharing uri na sinanay ng Imperyalsmon US upang maging taksil at pagtaksilan ang sambayanan. Ang pamahalaan ni P'Noy ay mga tinipon na taksil at labi ng mga nakaraang rehimen at kasalukuyang tagapamandila ng isang Papet na Republika na sinusuhayan ng Imperyalismong Estados Unidos.

Ang isyu ng Cha-Cha 2011 ay magbibigay at maglalantad ng malinaw na distinksyon at dibisyon sa pagitan ng mga makabayan at maka-dayuhan, mga patriyotiko at mga taksil sa sambayanan, mga tunay na lider at huwad na lider, at higit sa lahat ang paglalantad sa isang papet na rehimen at republika na kumakandili sa mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunang Pilipino.

Ang Cha-Cha 2011 ay magiging mahusay na behikulo at entablado ng paglalantad upang imulat at pakilusin ang milyon-milyong mamamayan laban sa Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo.

#####

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments