[Labanan ang Kontraktwalisasyon!] Mensahe ng pakikiisa ng Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawa sa ilalim ng ABS-CBN Internal Job Market
Related posts
- Iligal na pagsasara at tanggalan, labanan!
- Noynoy-Lucio Tan: kundenahin sa planong kontraktwalisasyon sa PAL
- mula sa grupong STK (Samahan Laban sa Tanggalan at Kontraktwalisasyon):
- Sahod, trabaho at karapatan – ipaglaban! Iboto ang tunay na unyon ng mga manggagawa!
- KMU kay Noy: Imbestigahan ang mga anti-manggagawang patakaran ni Lucio Tan
Nakikiisa ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa paggunita sa unang taon ng pagkakatindig ng piketlayn ng mga manggagawa ng ABS-CBN Internal Job Market Workers’ Union para igiit ang karapatan na magbuo ng unyon at maging mga regular na empleyado ng ABS-CBN.
Nakikiisa kami sa laban ng 114 manggagawa na iligal na tinanggal ng ABS-CBN Management dahil sa kanilang partisipasyon sa pagbubuo ng ABS-CBN Internal Job Market Workers’ Union.
Nagpupugay kami sa inyo sa pagpapatuloy ng laban hindi lang para sa inyong mga karapatan kundi sampu ng mga manggagawang kontraktwal ng ABS-CBN at ng mga manggagawang Pilipino na patuloy na pinagkakaitan ng karapatang mag-unyon at magtamasa ng seguridad sa trabaho.
Matingkad na halimbawa ang isyu ng mga manggagawa ng ABS-CBN IJM kung paanong inaatake ng iskemang kontraktwalisasyon ang kabuhayan at batayang karapatan ng mga manggagawa. Inaalisan tayo ng seguridad sa trabaho, binabarat ang sahod, inaalisan ng benepisyo, at tinatanggalan ng karapatang mag-organisa at sama-samang ipaglaban ang ating mga lehitimong kahilingan.
Malinaw sa atin kung paanong pinagtutubuan ng malalaking dayuhan at lokal na kumpanya tulad ng pamilyang Lopez ang pagpapatupad ng kontraktwalisasyon.
Matingkad na halimbawa rin ang isyu ng mga manggagawa ng ABS-CBN IJM kung paanong nakakapapangibabaw sa batas ang malalaking kumpanyang ito, bukod pa sa pangkalahatang pagpanig sa kanila nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ipinapatupad ng ABS-CBN Management ang dalawang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong nakaraang taon na pumapabor sa mga manggagawa.
Malinaw na kasabwat mismo ng malalaking kumpanya ang rehimeng Aquino. Ang rehimen mismo ang nagpapalaganap ng kontraktwalisasyon sa bansa. Pinayagan nito ang malawakang tanggalan at kontraktwalisasyon ng pamilyang Lopez, na mahigpit na kaalyado ng pangulo, sa ABS-CBN. Ang kanyang paulit-ulit na pagkatig kay Lucio Tan at pagpayag na ipatupad ang malawakang tanggalan at kontraktwalisasyon via outsourcing sa Philippine Airlines ay hudyat din ng mas malawakang kontraktwalisasyon sa bansa.
Kung kaya, mariin nating hinihikayat ang mga manggagawa ng ABS-CBN IJM Workers’ Union na patuloy na lumaban at manindigan para sa mga karapatan at interes ninyo at ng buong manggagawang Pilipino. Lalo pang palakasin ang unyon, mag-aral hinggil sa kalagayan ng mga manggagawa, gayundin ng mamamayang Pilipino.
Ibalik ang mga manggagawang tinanggal sa ABS-CBN!
Labanan ang kontraktwalisasyon!
Manggagawang kontraktwal, gawing regular!
Ipaglaban ang karapatang mag-unyon!
Ipaglaban ang sahod, trabaho at karapatan!
Add comment
Recent comments
- The women should be treated
27 min 35 sec ago - Herrera law was supposed to
28 min 23 sec ago - PUP will feel the brunt of
20 hours 14 min ago - Of course the investors
20 hours 15 min ago - The prosecution panel were
21 hours 28 min ago - It is very obvious that the
21 hours 29 min ago - I agree of this. Kudos to all
23 hours 36 min ago - It is good to know that we
23 hours 39 min ago - Though it seems like they
23 hours 41 min ago - A proper strategy that will
23 hours 45 min ago
Most discussed