KMU to Aquino: Ease inflation, stop local oil overpricing
Related posts
- KMU slams meager oil price rollback, calls for protests
- Proposed P2 rollback, too little, shows Aquino-Big 3 connivance – KMU
- [Meager rollback last week, yet another price hike] KMU calls on workers, people to protest oil overpricing
- Workers march to Mendiola, slam Aquino-cartel collusion
- Workers picket Danding Cojuangco office, hit oil overpricing
Most discussed
Amidst news that inflation rose to 4.6 percent from a year ealier in July, following a 26-month high last June, labor center Kilusang Mayo Uno called on the Aquino government to stop the local overpricing of oil to ease inflation, saying the move will give immediate relief to workers and poor people.
Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco cited the prices of gas and other fuels, the liquefied petroleum gas in particular, as some of the main drivers of inflation, as oil remains the country’s top commodity import.
According to research from the Bagong Alyansang Makabayan or Bayan, local oil companies have overpriced their products by about P9.00 per liter, accumulated since January 2008. The figure was arrived at by comparing oil price movements in the world market, deciphering what should be the price movement in the country, and comparing these with the actual price movements here.
“Stopping the local overpricing of P9.00 per liter in oil will definitely ease high inflation and give immediate relief to the Filipino workers and people. Because oil is a crucial commodity in the country’s economy, a significant rollback in the prices of petroleum products will hopefully reduce the prices of other basic commodities,” said Roger Soluta, KMU secretary-general.
“Aside from removing the E-VAT on oil, the Aquino government must immediately investigate the overpricing of local oil companies and order a significant rollback. In fact, the Big 3 of Petron, Caltex and Shell should be punished for sucking the people dry through overpricing, something that smacks of nothing less than a sabotage of the country’s economy,” he said.
“The Aquino government’s excuse, that it can do nothing to reduce the prices of a commodity as crucial as oil, is an insult to the intelligence of the people,” he added.
KMU said the Filipino people stand to benefit from a significant reduction in oil prices.
“It is simply revolting that the Aquino government has not stood on the side of the Filipino people on the issue of oil prices despite the fact that Petron, Shell and Caltex are the Top 1, 2 and 5 corporations in the country in terms of profits. Poor people are suffering from extreme hunger and poverty while these corporations are having a grand time raking in huge profits,” Soluta said.
“From farmers and fisherfolks who use oil in earning a living, to drivers of public utility vehicles, to commuters and consumers burdened by high fares and prices, to small businessmen suffering from high energy costs – the Filipino people stands to benefit from a P9.00 per liter rollback in oil prices,” he added.
Add comment
Recent comments
- ANG SYENSYA NG MATIMATIKA ANG
3 hours 3 min ago - How come these companies
5 hours 45 min ago - Sometimes I am for this
5 hours 45 min ago - He is always like that. That
6 hours 8 min ago - They are always flawed. They
6 hours 8 min ago - I think it is the call of the
6 hours 36 min ago - This land has been on the
6 hours 36 min ago - Oil overpricing seems to be
7 hours 21 min ago - Contractualization is a thing
7 hours 22 min ago - The corruption is really
7 hours 49 min ago
#1 CHARTER CHANGE 2011 - MAS
CHARTER CHANGE 2011 - MAS MASAHOL AT MAS GARAPAL.
Nagkasundo nitong nakaraang Biyernes (05 Agosto 2011) ang Pangulo ng Senado na si Senador Juan Ponce Enrile at ang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongrseso na si Kong. Feliciano Belmonte. Magpupulong sila sa susunod na Linggo para talakayin ang muling pag-amyenda sa Konstitusyon (Charter Change). May nakasalang na isang Draft Resolution hinggil dito si Misamis Occindental Rep. Loreto Leo Ocampos, tagapangulo ng House Committee on Constitutional Amendments at nakatakdang lagdaan ni Rep. Belmonte para simulan ang debate sa Mababang Kapulungan hinggil dito. Ito ang nakatakdang pag-usapan ng dalawang pinuno ng Kongreso sa susunod na Linggo.
Layunin ng kanilang pag-uusap na padaanin na lamang sa natural na lehislasyon ang pag-amyenda sa Konstitusyon at hiwalay na magbobotohan ang dalawang kapulungan ng kongreso. Hindi na ito dadaan sa tatlong batayan ng pagpapalit o pag-amyenda ng Saligang Batas, tulad ng Constitutional Convention, Constituent Assembly (magsasanib ang dalawang kapulungan), at ang People's Initiative. Dagdag pa ni Rep. Loreto Leo Ocampos, “mas matipid at hindi magastos ang prosesong ito kumpara sa tatlong natural na batayan ng pag-amyenda o pagpapalit ng Saligang Batas”, na wari bang gusto n'yang magpasalamat pa ang mamamayan.
Sabi naman ni Speaker Belmonte, “hindi namin layunin na i-overhaul ang Saligang Batas, kung di, amyendahan lamang ang mga economic provisions dito”. Dagdag naman ni Sen Enrile, Agosto ngayon, kapag nagkataon magandang pamasko ito sa ating mamamayan”.
Ano Nga Ba ang Target Amyendahan ng mga Huklubang Pinuno ng Kongreso?
Tulad ng kanilang mga edad, hukluban na ang kaisipan o konsepto ng pagiging palaasa o totally dependent sa dayuhang mamumuhunan para paunlarin daw ang ating ekonomya (Export Oriented – Import at Debt Dependent Economic Policy) tulad ng Investment Incentive Act ni Marcos. Deregulation, Trade Liberalization, at Privatization na pinasimulan ng Nanay ni Noynoy at todo-todong inilarga ni Fidel Ramos hanggang kay Estrada, at epektibong pinagkakitaan ng nakaraang Pasistang Rehimeng Arroyo. Ito ang nilalaman ng Globalisasyon o ang Neo-Liberal na patakarang dikta ng Imperyalismong US. Binigyan ngayon ng bagong pangalan ang hukluban at gasgas na kaisipang ito sa bongga nitong pangalan na Public-Private Partnership(PPP) ng Hacienderong Papet na Rehimeng Aquino.
Sa malalim na implikasyon sa ating ekonomya at pulitika ng PPP ni P”Noy na tuluyang wawasak sa kabuhayang ng mga mamamayan hanggang sa paglabag sa demokratiko at karapatang pang-tao ng mga mamamayan. Hindi pa nakuntento ang dalawang huklubang pinuno ng kongreso at ipagpipilitang muli ang mas masahol at mas garapal na hukluban at gasgas na kaisipan para mas akitin pa ang mga dayuhang mamumuhunan na pinatunayan na ng kasaysayan na lalong magsasadlak sa mga mamamayan sa kumunoy ng kahirapan, karalitaan at pang-aapi ng mga dayuhan.
Di raw nila layunin na i-overhaul ang Saligang Batas, ngunit ang mga pang-ekonomyang probisyon na gusto nilang amyendahan ay lantarang lalabag sa mga pampulitika at demokratikong karapatan ng mamamayan at halos pinalitan na nila ang Saligang Batas sa pamamagitan lamang ng lehislasyon, ayon sa anim na mayor na probisyon na kanilang balak amyendahan, tulad ng mga sumsunod;
1. Pag-aalis sa Probisyon ng Equity Rules na 60-40. Bibigyan ng ng karapatan ang mga Dayuhang Mamumuhunan na mag-ari ng 100% sa larangan ng Public Utilities tulad ng, Telecommunication, Transportation, Power o Enerhiya at iba pang sektor.
2. Bibigyan ng karapatan ang mga Dayuhang Mamumuhunan na mag-ari ng 100% ng mga Residential Houses at Land.
3. Bibigyan ng karapatan ang mga Dayuhang Mamumuhunan na mag-ari ng 100% ng mga Commercial at Industrial Lands.
4. Bubuksan ang ating bansa sa mga Dayuhang Professional para mag-practice ng kanilang Propesyon tulad ng mga Doktor, Engineers, Architects at maging mga Abogado ayon sa tinatawag nila “reprocity rule”.
5. Bubuksan sa mga Dayuhang Mamumuhunan ang Media Entities.
6. At bubuksan din ang ating Educational Instutution para sa Dayuhang Mamumuhunan.
Mas disente pa di hamak ang Pasistang Rehimeng Arroyo kumpara sa dalawang huklubang pinuno ng Kongreso na halatang-halata namang binasbasan ng Hacienderong Papet na Rehimen Aquino. Dahil ang maka-ilang pagtatangka ng nakaraang Rehimen na palitan ang Saligang Batas ay pilit pa rin nilang iniaayon sa itinatakda nito tulad ng, Constituent Assembly, People's Initiative at Constitutional Convention. Nguni't sa panahon ngayon ni P'Noy, sa pamamagitan lamang ng natural na lehislayon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Mas masahol at mas garapal ang Hacienderong Papet na Rehimeng Aquino sa loob pa lamang ng isang taong termino nito, kumpara sa siyam na taon ng ligalig at pagdurusa ng mamamayan sa ilalim ng Pasistang Rehimeng Arroyo. Hindi lang nito isinasangla ang ating bansa sa mga Dayuhan kung di ipare-remata na ito.
Sa Pagtindi ng Krisis ng Imperyalismong US, Maaliwalas ang Hinaharap ng Pakikibaka ng Sambayanang Pilipino:
Hindi lang nasa tuktok at talamak ang nararanasang krisis ng Imperyalismong US sa kasalukuyan. Hinahatak na ito pababa tungo sa kanilang tuluyang pagkabangkarote at panghihina bilang Superpower. Bago pa ang masalimuot na balitaktakan ng mga Republikano at ng Democrats ni Obama hinggil sa pagtataas ng “Debt Ceiling”, inilabas na ng kanilang Department of Commerce sa pamamagitan ng Bureau of Economic Analysis ang isang rebisyon sa pagtantya ng kanilang ekonomya. Noong 2007-2009 Financial Crunch, hindi 4.1% kung di 5.1% ang paglubog o pag-atras ng kanilang ekonomya. Noong 4th Quarter ng 2010, hindi 3.1% kung di 2.3% lamang ang pag-angat nito, tanda ng bumabagal na paglago ng kanilang ekonomya. At nitong Unang Kwarto ng taong 2011, umangat lamang ito ng 0.1% at sa ikalawang kwarto ay 0.3%. Kaya ang target na !.9% para sa ikatlong kwarto ay bumaba sa 0.4%. At ito ang dahilan sa kabila ng naitaas ang kanilang debt ceiling ng $ 2.1T at may kaakibat na $ 2.4T Budget Cut na parehong dalawang bagsakan sa loob ng sampung taon, ibanaba pa rin ng Standard & Poor Credit Rating Agency(S&P) sa AA mula sa AAA ang kanilang Credit Rating, dahil sa pananaw nito, $ 4.0T ang dapat itinaas ng kanilang Debt Ceiling at tutumbasan din ng ganitong halaga ang Budget Cut.
Bukod dito, dati nang inirekomenda ng Simpson-Boyles Commission na binuo ng National Commission on Fiscal Responsibility & Reform(NCFRR), na tapyasan ang Defense Budget ng $ 1.0T sa loob ng sampung taon mula 2012-2021. Dahilan mula noong Sept. 11, 2001, gumastos na sila sa Iraq ng $ 708B, bukod pa dito sa kasalukuyang Fiscal Year hanggang Sept. 2011 na $ 64.5B. At sa Afghanistan, gumastos na sila ng $ 345B bukod pa ang $ 22B para sa Afghanistan War related activities. Sa kasalukuyang Fiscal Year hanggang Sept. 2011, tinatayang aabot pa sa $ 72.3B ang kanilang gastos, bukod pa ang $ 25B para sa Training & Equipping ng mga papet na sundalong Afghans. Tinatayang aabot sa $ 500,000 hanggang sa $ 1milyon ang gastos nila sa bawat isang sundalo sa bawat taon sa Afghanistan, kaya lumalabas na mas magastos dito kumpara sa gastos nila sa Iraq.
Lumalabas sa mga datos, na mas malaki ang gastos ng Imperyalismong US sa digmang agresyon nito sa bansang Iraq at Afghanistan kumpara noong WW II at sa digmang agresyon nito sa bansang Vietnam. Ito ang dahilan kaya pinigilan ng Mababang Kaapulungan ng kanilang Kongreso na patuntungin sa Libya ang kanilang mga sundalo at ipinasa nito sa NATO ang pamumuno.
Tulad ng naranasan ng Axis Power (Germany, Japan at Italy) noong WW II, sa lawak ng pinasok nitong digmang agresyon, hindi na kayang tustusan ng kanilang War Economy ang kanilang digmang agresyon na isa sa mahalagang dahilan ng kanilang pagkatalo, bukod siyempre sa determinadong digmang bayan ng mga mamamayan. Ito ngayon ang kinasasadlakan ng Imperyalismong US. Pinakamalakas at dominante pa rin sa buong mundo ang kanilang sandatahang-lakas, nguni't, patuloy na humihina ang ekonomya ng Burges na Estado para tustusan ang kanilang digmang agresyon.
May malaking pagkakaiba sa kasalukuyan kumpara noong sumusulong sa tugatog ng kanilang pagiging Imperyalista ang Imperyalismong US. Kailangang sumabay sa Monopolyong katangian ng kanilang ekonomya ang kanilang sandatahang-lakas para maglunsad ng digmang agresyon at sakupin ang mga palengke ng daigdig. Nguni't nang matapos ang WW II, nagkonsentra ito sa pagpapalakas ng kanyang War Economy bilang pakikitunggali na noo'y Sosyalistang Unyong Sobyet. Pinabayaan nito ang mga sibilyang industriya at umasa na lamang ito sa kanyang military industrial complex bilang pinakamalaking industriya at tuluyang napagiwanan ang sibilyang ekonomya hanggang sa kasalukuyan.
Hindi palengke ang problema ng Imperyalismong US sa kasalukuyan dahil bagsak na o bumabagsak na ang produksyon ng kanilang mga industriya para sa sibilyang produksyon, kung di ang patuloy na panghihina ng kanilang ekonomya at estado para tustusan ang patuloy nilang dominasyon o paghahari sa daigdig sa pamamagitan ng kanilang lakas-militar.
Lagpas na sa leeg at di na ito makahinga sa kanilang pagkakautang. Ang kabuuan nilang utang na $ 14.3T ay 130% na na kanilang GDP. Sa bawat buwan, kailangan nilang mangutang $ 125.0B para tustusan ang mga gastos ng kanilang pamahalaan. Kaya para sa S&P Credit Rating Agency, naitaas man nila ang Credit Ceiling, patuloy na hihina ang kanilang ekonomya at tuluyan itong hindi na makakabayad sa kanilang mga pagkakautang. Ayon naman sa isang Credit Analyst ng nasabing ahensya, ang pagtaas ng Debt Ceiling ng US ay simula ng wakas ng isang kinikilalang pinakamalaking ekonomya sa daigdig.
Kaya ang panggagatong o pang-uudyok nito ng ligalig, kaguluhan at banta ng digmaan sa daigdig partikular sa Timog Karagatang Tsina ay, bahagi ng pagtatangka nito na paandaring muli ang kanyang “military industrial complex” na nakikita n'yang sasalba sa nababangkarote nilang ekonomya. Nguni't para seryosong sagupain nito ang bansang Tsina sa isang Digmaan, maituturing itong isang “Political Suicide” para sa Imperyalismong US. Ang bansang Tsina ay hindi Iraq, Afghanistan o Libya. May depensibong kakayahan ito mula sa ekonomya, pulitika at militar, maging sa sandatang nukleyar. Pabibilisin lamang ng Imperyalismomg US ang kanyang pagwawakas bilang nag-iisang Superpower kung ilulunsad nito ang digmang agresyon sa bansang Tsina.
Ang krisis na ito ng Imperyalismong US ang dahilan ng muling pagbuhay sa Cha-Cha. Inaasahan ng Hacienderong Papet na Rehimen ang pagtakas ng mga Investor na ligalig na sa sitwasyon ng Estados Unidos at mga bansa sa Europa, at nagbabakasakaling dadagsa at aakitin nito ang mga Portfolio Investment o Speculative Capital. Nguni't ayon mismo sa Central Bank, nakakabahala ang mabilis na paglaki ng Portfolio Investment. Mula sa taong 2010, $ 725.55M ang pumasok na pamumuhunang ito at naging $ 2.08B o 300% pagtaas nito lamang hanggang 06 May 2011. Ang mabilis na pagpasok nito ay magdudulot daw ng paglaki ng pera sa sirkulasyon, na magpapataas sa inflation rate. Tataas ang mga bilihin at hihina ang kakayang mamili ng mga mamamayan, na magbubunga sa pagbagsak ng mga lokal na industriya. Kapag nangyari ito, mabilis na lolobo ang bilang ng mga walang hanap-buhay dahil sa pagsasara ng mga pagawaan o industriya.
Sa halip palang solusyon, inihahanda ng Hacienderong Papet na Rehimeng Aquino ang napipintong gera laban sa mga manggagawa at mamamayan sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa usapin ng Charter Change. Nguni't isang pagkakamali kung itutuloy n'ya ito, dahilan sa lalong magiging makatotohanan, makatarungan, katanggap-tanggap at buong pusong yayakapin ng mga maanggagawa at mamamayan ang ating mga kagyat at pang-mahabaang mga kahilingan. Magkukusang humugos sa mga lansangan ang milyon-milyong mga manggagawa at mamamayan para kanila itong ipaglaban at ipagtagumpay at maaring ito pa ang maging simula sa tuluyang pagsipa sa kanya ng buong sambayanan.
Ang pagpostura ngayon ng Hacienderong Papet na Rehimen na singilin ang nakaraang rehimen ni Arroyo sa mga kasalanan nito sa sambayanan ay pwersado n'yang isinasagawa dahilan sa bunga ng matatagumpay na pagkilos ng mga manggagawa at mamamayan at pagtaas ng antas ng kanilang pakikibaka. Kaya maaliwalas ang hinaharap ng pakikibaka ng mga manggagawa at mamamayan habang pursigido at nagpupunyagi sila sa paglawak, paglakas at pagtaas ng antas ng kanilang pakikibaka.
CHA-CHA 2011, NAGBABANTANG GERA LABAN SA MAMAMAYAN !!!
PATULOY NA MAGPUNYAGI SA PAGTATAAS NG ANTAS NG PAKIKIBAKA NG MGA MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN !!!
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA AT SAMBAYANANG PILIPINO !!!