Skip to main content

Kontra-magsasaka ang desisyon ng Korte Suprema! Sumama sa protesta sa Hulyo 22!

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file9IHdQX could not be copied.

Mariing kinokondena ng Kilusang Mayo Uno ang maka-panginoong maylupa, maka-Cojuangco at anti-magsasakang desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita!

Lubhang nakakagalit ang desisyon ng kataas-taasang hukuman na muling papiliin ang mga manggagawang bukid kung lupa o stocks ang gusto nilang pag-arian. Wala na dapat tanong-tanong! Wala na dapat refe-referendum! Matagal nang dapat ipinamahagi ang Luisita sa mga magsasaka at manggagawang bukid!

Utang sa gobyerno ang ipinambili ng mga Cojuangco sa hacienda noong 1957. Ang kondisyon sa pautang: ipapamahagi sa mga magsasaka ang lupa matapos ang 10 taon. Animnapung taon na, pagmamay-ari pa rin ng mga Cojuangco ang lupa!

Binalewala ng Korte Suprema ang pawis at dugo ng mga magsasaka na napakaraming dekada nang nagbungkal at nagpaunlad sa lupa. Binalewala ang pitong napatay at maraming nasugatan sa pagmasaker sa welga sa Luisita noong 2004 na nananawagan ng lupa. Sa tagal ng pagtatrabaho ng magbubukid ng Luisita sa lupa, sa laki ng yamang iniakyat nila sa mga Cojuangco, matagal na silang bayad sa lupa!

Pilit mang itanggi ni Noynoy, ginagamit niya ang pagiging pangulo – tulad ng ginawa ng ina niyang si Cory – para panatilihing pag-aari ng mga Cojuangco ang Luisita, para hadlangan ang pagpapatupad ng reporma sa lupa sa hacienda.

Talagang walang maaasahan ang maralita sa pangulong ito! Buhay na buhay ang Kamag-anak Incorporated! Sila ang nakikinabang sa baluktot na daan ng gobyernong Aquino!

Ang Hacienda Luisita ay hindi lang isyu ng mga magsasaka. Isyu ito ng lahat ng mamamayan. Patunay ito ng patuloy na pagsasamantala ng rehimeng Aquino at ng iilan sa mga naghihirap na lumilikha ng yaman ng bansa, ang mga manggagawa at magsasaka.

Hindi namin ito hahayaan! Lalaban ang mga magsasaka, kasama ang mga manggagawa at mamamayan, para sa tunay na reporma sa lupa at hustisyang panlipunan.

Simula pa lang ang protesta sa Hulyo 22. Ipapakita ng aping mamamayan ang pagkakaisa namin laban sa panloloko at pagsasamantala ng rehimeng Aquino at sa kontra-magsasakang desisyon ng Korte Suprema. Kami ang hahawan ng daan patungo sa pagkakamit ng lupa at katarungan!

Reference Person: 
Lito Ustarez, KMU vice-chairperson
Contact information: 
0908-6491992

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments