Lalong naghirap ang Pinoy sa isang taon ni Noynoy
Related posts
Bagsak! Iyan ang gradong ibinibigay ng mga manggagawa at mamamayan kay Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang unang taon sa pwesto. Tulad sa estudyanteng bumabagsak, kaunti na lang at ikakampanya na naming sipain na siya.
Sa loob ng isang taon, malinaw niyang ipinakita ang kanyang tunay na kulay. Kumbaga sa lenggwahe ng kilusang paggawa, tunay siyang dilawang lider. Pahirap sa manggagawa at mamamayan, boss ang Kano at malalaking kapitalistang gahaman. Mas naghirap ang Pinoy sa ilalim ni Noynoy.
Ang hiling namin: makabuluhang dagdag-sahod. Ang tugon niya: barya-baryang Cost of Living Allowance. At walang kahihiyang ipinagmalaki pa ang kapurit na halagang P22. Ang totoo: gusto lang niyang pahupain ang galit ng mga manggagawa at mamamayan sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo, lalo na ng langis. Ngayon, ang minimum na sahod ay 44% lang ng kailangan ng isang karaniwang pamilya, ayon sa datos ng gobyerno. Bumagsak ito kumpara sa 52% noong 2001.
Kunsintidor si Noynoy ng kontraktwalisasyon. Pinayagan niya ang iskemang kontraktwalisasyon via outsourcing ni Lucio Tan sa Philippine Airlines, na magtatanggal sa 2,600 manggagawa. Hindi niya maipatupad ang kautusan ng DOLE pabor sa mga kontraktwal na manggagawa ng ABS-CBN. Hindi niya kinakanti ang kontraktwalisasyon sa sektor ng serbisyo at mga export-processing zones.
Walang pagbabago sa mga numero ng empleyo. Wala siyang matagalan at maka-mamamayang plano para lumikha ng trabaho sa bansa. Ang patakaran niya: mang-akit ng dayuhang pamumuhunan at ibugaw ang mga Pilipino para maging migrante sa ibang bansa. Napatunayan nang bigo ang mga ito sa paglikha ng trabaho. Sarado ang isip niya sa pagpapaunlad ng gobyerno sa mga industriya at agrikultura ng bansa.
Pagdating sa karapatan, nagpapatuloy ang batas militar ni Gloria. Apat na lider at organisador na ng kilusang paggawa ang pinaslang. Binuhay ang gawa-gawang kaso laban sa Southern Tagalog 72. Siya mismo, gumamit ng Assumption of Jurisdiction para manabotahe ng welga. Malawakang binubuwag ang kabahayan ng mga maralita. Kapag lumaban sila, trak-trak na pulisya at militar ang ginagamit para dahasin sila.
Malinaw kung sino ang pinagsisilbihan ni Noynoy: ang malalaking kapitalista, lalo na’t mula sa US, at mga asyenderong tulad niya. Sila ang lumolobo ang tubo sa pagbarat sa sahod, kontraktwalisasyon, pagdami ng walang trabaho, at pagsupil sa karapatan ng mga manggagawa. Inutil man siya pagdating sa kahilingan ng mga manggagawa at mamamayan, napakasipag naman niya sa paglilingkod sa mga amo niya.
Matapat na taguyod ng bangkaroteng iskemang neo-liberal ang gobyerno ni Aquino, na lalo pang nagsasadlak sa manggagawa’t mamamayan sa higit na kahirapan at pagsasamantala.
Kaya ang panawagan namin sa mga manggagawa at mamamayan: Lumabas tayo sa ating mga pabrika, opisina at komunidad at sumama sa protesta sa Hunyo 30 at sa State of the Nation Address sa Hulyo 25! Labanan natin ang pagpapahirap sa atin ni Noynoy!
Add comment
Recent comments
- Yep, completely false prepper
9 hours 32 min ago - Are there updated stats?
9 hours 33 min ago - Nurses should have been
9 hours 52 min ago - The janitors should not be
9 hours 53 min ago - The women should be treated
10 hours 33 min ago - Herrera law was supposed to
10 hours 34 min ago - PUP will feel the brunt of
1 day 6 hours ago - Of course the investors
1 day 6 hours ago - The prosecution panel were
1 day 7 hours ago - It is very obvious that the
1 day 7 hours ago
Most discussed