K-12: dagdag-bayarin, dagdag-pasanin – KMU
Error
Related posts
- Lagay ng empleyo, madilim pa rin kay Noynoy
- Mas masahol na krisis, nakaamba sa obrero dahil sa patuloy na kawalan ng disenteng trabaho – KMU
- Patatagin ang sistemang pangkalusugan para isalba ang mga nars – KMU
- Kakayahang bumili ng Pinoy, nabawasan ng sangkatlo sa ilalim ni Gloria
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
Tinuligsa ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang programang K-12 ng gobyernong Aquino na nagdadagdag ng dalawang taon sa primaryang edukasyon, bukod pa sa mandatory kindergarten na nagsimula ngayong taon, bilang dagdag-bayarin at dagdag-pasanin lalo na sa harap ng kawalan ng makabuluhang dagdag-sahod.
“Dahil walang makabuluhang dagdag-sahod at nagtataasan ang presyo ng mga bilihin, mabigat na pasanin sa mga manggagawa ang mandatory kindergarten na nagsimula ngayong taon – at susunod pa ang dalawang taong dagdag sa primaryang edukasyon dahil sa K-12. Kahit nga wala pa ang K-12, napakahirap na para sa mga manggagawa ng pasukan ngayong taon,” ani Roger Soluta, secretary-general ng KMU.
“Ipinatupad din ang mandatory kindergarten, at pinaplanong dagdagan ng dalawang taon ang primaryang edukasyon, sa harap ng mga balita ng paglaganap ng kawalang-trabaho sa bansa. Mahirap na nga ang pagpapaaral para sa mga manggagawa, lalong mahirap pa para sa dumaraming mamamayang walang trabaho,” dagdag ni Soluta.
Ayon pa sa KMU, peke ang pangakong trabaho ng programang K-12 program sa harap ng kasalukuyang mga patakaran ng gobyernong Aquino sa patrabaho.
“Bukod sa dagdag-bayarin ang K-12, peke pa ang pangako nitong magkakaroon ng trabaho ang mga gradweyt. Hindi dadami ang trabaho sa bansa kahit pa patagalin ang pag-aaral ng mga estudyante, hangga’t walang ginawa ang gobyerno kundi manikluhod sa mga kapitalista na mamuhunan at pagtrabahuin sa ibang bansa ang mga mamamayan,” ani Soluta.
“Hindi K-12 ang kailangang ipatupad ng gobyerno para magkaroon ng trabaho sa bansa, kundi ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Hindi K-12 ang kailangan, kundi patakarang pang-ekonomiya na nakaasa sa sarili, naglilingkod sa mga manggagawa at mamamayan at hindi nakaasa sa malalaking kapitalista at mga dayuhan,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa KMU, sa maka-dayuhang patakarang pang-ekonomiya ng gobyernong Aquino naglilingkod ang K-12.
“Hindi makakapagparami ng trabaho ang K-12 dahil kakambal nito ang patakarang pang-ekonomiya na palaasa sa mga dayuhan, na siyang dahilan kung bakit kulang na kulang ang trabaho sa bansa. Itutugma lang nito ang kakayahan ng mga kabataan at manggagawa sa pangangailangan ng malalaking kapitalista – na hindi pa rin mangangahulugang darami ang mabibigyan ng trabaho,” ani Soluta.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 12 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 16 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed