Ilitaw sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan! Parusahan sina Palparan, Esperon at Arroyo!
Related posts
- KMU sa presidentiables: Katarungan para sa biktima ng martial law ni Gloria
- KMU sa European Union: Huwag pondohan ang kriminal
- [Six years after Empeño-Cadapan abduction] Workers call for justice over Arroyo’s rights violations
- Hinggil sa kampanya ng gobyernong Aquino na i-impeach si Corona
- KMU kay Noy: Palayain ang 43 health workers, detenidong pulitikal sa Day 1
Sa ika-limang anibersaryo ng pagdukot kina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, patuloy naming isinisigaw ang aming mga panawagan: Ilitaw sina Karen at Sherlyn! Katarungan para sa kanila at kanilang pamilya! Parusahan ang mga maysala sa pagdukot sa kanila at sa napakarami pang aktibista!
Sa isang banda, tagumpay ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at ng sambayanang Pilipino ang utos ng Korte Suprema kay Hen. Jovito Palparan at sa kanyang mga galamay na ilitaw sina Karen at Sherlyn. Malinaw na itinuturo ng nasabing kautusan ang mga nabanggit na pasista at berdugong opisyal ng Armed Forces of the Philippines bilang responsable sa pagdukot sa dalawa. Isang tagumpay ang desisyon ng Korte Suprema ng mga nakikibaka para sa karapatang pantao at ng buong sambayanang Pilipino.
Sa kabilang banda, hindi katanggap-tanggap ang pag-abswelto ng mataas na hukuman kay dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at AFP Chief-0f-Staff Hermogenes Esperon sa pagdukot sa dalawa. Malinaw na pambansang patakaran ng gobyerno ni Arroyo, at masugid na ipinatupad ni Esperon, ang pagdukot sa mga aktibista at pagpaslang sa mga ito. Ang hindi pagdidiin at pagpaparusa sa kanila ay nagpapakita ng kawalang-pagpapahalaga sa buhay at karapatang pantao.
Nagpoprotesta kami sa ikalimang taon ng pagdukot kina Karen at Sherlyn ilang araw bago ang isang-taong panunumpa ni Noynoy Aquino bilang pangulo. Hindi pa nagpapakita ang gobyernong Aquino ng kahit anong mapagpasyang hakbang para itigil ang pagdukot at pampulitikang pagpaslang sa mga aktibista – kaya naman nagpapatuloy ang mga ito. Malaking hakbang sana ang pagsasampa man lang nito ng kaso laban kay Arroyo pero hindi ito ginagawa.
Ang patuloy na pagkawala nina Karen at Sherlyn ay sugat na hindi humihilom para sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino – na lalo pa ngang lumalaki at humahapdi sa pagtagal ng panahon. Patuloy na magpoprotesta ang mga manggagawa at mamamayang Pilipino para ipaglaban ang paglutang kina Karen at Sherlyn at sa marami pang desaperacido, gayundin ang katarungan para sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Add comment
Recent comments
- Farmers are truly the most
1 hour 2 min ago - It really is an issue they
8 hours 42 min ago - Aquino is still mum on what
8 hours 42 min ago - Even if they are not calling
9 hours 38 min ago - A 10 year strike? That is a
9 hours 38 min ago - Nestle is one of the biggest
10 hours 29 min ago - Everybody is watching the
10 hours 30 min ago - This is contrary to what they
10 hours 58 min ago - Adding insult to injury, the
10 hours 58 min ago - The group is doing the right
1 day 5 hours ago
Most discussed