President sitting on the job responsible for rise in unemployment
Related posts
- [ Workers Assess Noynoy Series ] Aquino’s only employment-related promise in 2010 SONA, unfulfilled – KMU
- [SWS survey shows] Aquino gov’t lying about unemployment – KMU
- Independence Day job fair, a failure – KMU
- [Amidst higher self-rated poverty] Significant wage hike, most urgent –KMU
- Beyond OFW deployment ban, decent employment plan needed
Most discussed
Labor center Kilusang Mayo Uno condemned the Aquino government for the massive 1.4 million rise in adult unemployment in just four months as revealed in the latest Social Weather Stations (SWS) survey, saying the survey highlighted the president’s lack of a comprehensive employment policy while implementing anti-worker and anti-people policies.
The latest SWS survey conducted on March 4-7 revealed that unemployment rose to 27.2 percent (11.3 million) in March this year from 23.5 percent (9.9 million) in November 2010.
“We condemn this President who just sits on the job and enjoys riding his Porsche, playing the PSP, collecting guns and dating women while millions of Filipinos are losing jobs and add to the already huge ranks of hungry stomachs. He is living the rich bachelor’s life while allowing big foreign and local capitalists attack employment opportunities in the country,” said Roger Soluta, KMU secretary-general.
“This president not only refused to implement a significant wage hike to give immediate relief to the Filipino workers and people amidst skyrocketing prices, he is proving unable to provide decent employment to Filipinos. All he has, judging from his government policies, are employment opportunities in the government’s infrastructure programs,” Soluta added.
KMU also said the survey highlighted the sorry state of employment in the country, revealing that the unemployed consisted of 10 percent who resigned or voluntarily left their jobs while nine percent were retrenched, seven percent of which consists of those whose previous contracts were not renewed.
“Despite the widespread lack of job opportunities, workers were leaving their work which means there is a widespread discontent over existing employment opportunities in the country – in particular, starvation wages that do not match with the heavy burden of work that they carry,” Soluta said.
“Besides promoting low wages, the Aquino government systematically attacks workers’ job security and trade-union rights by promoting contractualization to satisfy big foreign and local capitalists’ greed for huge profits. Contractualization is a bane not only to individual workers but to the Filipino workforce as a whole,” Soluta added.
“If Pres. Aquino continues to play deaf towards workers’ and people’s calls for stable and decent employment, while conniving with big foreign and local capitalists in exploiting the people, the Filipino workers and people will sooner or later call for his removal from his present job,” Soluta concluded.
Add comment
Recent comments
- High electricity rates are
11 hours 22 min ago - He is insensitive to what the
11 hours 22 min ago - Hacienda Luisita is the
13 hours 32 min ago - The business owners should
13 hours 33 min ago - I couldn't agree more. It's
15 hours 38 min ago - I think there were a lot of
15 hours 43 min ago - Fair justice should be given
15 hours 43 min ago - While these signs bode well,
15 hours 46 min ago - There must be further
15 hours 51 min ago - I agree of this. I can't
15 hours 57 min ago
#1 MATRIKULA, SAHOD,
MATRIKULA, SAHOD, UNEMPLOYMENT, AT ANG PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP
Pasukan na naman. Milyon-milyong estudyante ang huhugos sa mga paaralan para sa kanilang pag-aaral. Para sa mga magulang, dagdag na responsibilidad o pasanin ito dahil sa dagdag gastos sa kanilang pangaraw-araw na gastusin mula sa mga gamit at baon sa eskwela hanggang sa matrikula.
Sa datos mismo ng Commission On Higher Education (CHED), dalawa(2) sa limang(5) nagtatapos ng Hayskul o 40% sa mga ito ang hindi makakatuntong ng Kolehiyo. Ayon naman sa Department of Labor and Employment(DOLE), 49% ng mga kabataang nasa edad 15 hanggang 19 ang aktibong naghahanap ng mapapasukan, hindi ng paaralan kung di trabaho. Ito ang edad na kung saan, sila ay dapat nasa kolehiyo. Ngunit, papaunti naman ang mga kabataang nasa edad 20 hanggang 24 na nasa “labor market” bunga ng kakulangan ng kapasidad o kakayahan (non-qualified) nilang makapag-trabaho.
Ayon sa Section 46 ng Batas Pambansa 232 o ang Education Act o 1982, may kalayaan ang mga kolehiyo o unibersidad na idetermina ang pagtaas ng matrikula at miscellaneous na gastusin, kung may konsultasyon sa mga magulang, guro, mag-aaral, at iba pang kawani ng paaralan. Dagdag pa ng CHED sa pamamagitan ng kanyang Memorandum, anumang pagtaas sa matrikula o miscellaneous na bayarin. ay dapat tumungo sa mga sumusunod; 70% - sahod ng mga guro at kawani, 20% - operasyon, at ang 10% ay return of investment(tubo).
Napakaganda sana kung nasusunod ito. Sa realidad, nananatiling mababa ang sahod ng mga guro at kawani ng mga paaralan, mababa ang kalidad at bulok pa rin ang mga pasilidad ng mga paaralan lalo na sa mga tinatawag na State College at Universities. Sa kabaligtaran, maaring ang 70% pa nga ang napupunta sa return of investment (tubo), kaya hindi kataka-taka na ang ilang kolehiyo o unibersidad ay laging nasa Top 1000 Corporation, at lalong bumababa ang kalidad ng ating edukasyon. Sabi nga ni Rep. Raymond Palatino ng Kabataan Partylist, “ang Edukasyon ay hindi dapat na isang negosyo, dahil ito ay isang batayang serbisyo ng isang pamahalaan”.
Ang Mababang Sahod o ang “Cheap Labor Policy”;
Walang dapat ipagtaka sa mga datos na inilabas ng CHED at DOLE. Nananatiling may bisa ang Education Act of 1982 ng Pasistang Rehimeng Marcos hanggang sa kasalukuyang Papet na Rehimen ni Benigno Aquino III. Deregulated ang Tuition Fee Increase at iba pang regulasyon na sangkot ang interes ng malalaking Lokal at Dayuhang Kapitalista. Ang tanging Regulated lamang ay ang sahod ng mga manggagawa at iba pang empleyado hindi para proteksunan ito, kung di, para tiyaking nakapako at bumababa ito bilang patakaran sa “Cheap Labor” na pang-akit sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan.
Ang mga magulang ng milyon-milyong estudyanteng ito na pinagkakaitan ng karapatan sa edukasyon ay mga manggagawa at karaniwang empleyado, ang mga magsasakang walang mabungkal o walang sariling lupa, at mismong mga guro at kawani ng mga paaralan hanggang sa mga karaniwang kawani ng pamahalaan na pinagkakaitan ng makatao at makatarungang pasahod. Ang kanilang mga anak o ang milyong-milyong estudyante na naalisan ng karapatan sa edukasyon maging ang mga estudyanteng mapalad na nakatuntong sa kolehiyo o nakapagtapos sa kanilang pag-aaral, ay ang mga susunod na henerasyon na papasok sa papalaking reserbang hukbo ng walang hanap-buhay (reserved army of unemployed). Ito ang nagtitiyak ng “Cheap Labor Policy” ng mga nakaraang Papet na Pamahalaan hanggang sa kasalukuyang Bolero at Papet na Pamahalaan ni Benigno Aquino III.
Habang tumataas o lumalaki ang bilang ng reserbang hukbo ng mga walang hanap-buhay, malayang naididikta ng mga ganid na Kapitalista ang murang lakas-pagawa. Idinisenyo ito ng Imperyalistang Estados Unidos para tiyaking, di-matutuyong balon ng murang lakas-paggawa ang ating bansa. At para magpatuloy ito, kailangan din nilang panatilihing atrasado ang ating ekonomya, walang sariling industriya, atrasadong agrikultura, at bulok na sistema ng edukasyon.
Ang bulok at mababang kalidad ng edukasyon, ang pagtiyak na patuloy na paglaki ng reserbang hukbo ng mga walang hanap-buhay at cheap labor policy, at ang di-industriyalisadong ekonomya at atrasadong agrikultura ay magkakaugnay na pampulitikang manipulasyon ng Imperyalistang Estados Unidos para manatiling mala-kolonyal at mala-pyudal ang ating bansa, na batayang sosyal sa kanilang patuloy na paghahari. At bilang pagpapatuloy nito, ipinatutupad ngayon ng papet na Rehimeng Benigno Aquino III ang pinakabagong lokal na bersyon ng Neo-Liberal na patakarang dikta ng Imperyalistang US, ito ang Public-Private Partnership (PPP).
Malalim at malawak ang pang-ekonomya at pampulitikang implikasyon ng sentrong programa ito ng papet na Rehimen ni P'Noy. Tuluyan at ganap nitong isusuko at ipagkakanulo ang interes ng sambayang Pilipino sa mga dambuhalang pribadong lokal at dayuhang korporasyon. Tuluyan at ganap nitong isusuko ang pagpapatakbo ng ekonomya ng ating bansa sa mga korporasyong ito, mula sa mga batayang serbisyo at industriya, transportasyon at komunikasyon, pagawaing bayan (Public Works), pagbabangko at pinansya, minahan at agrikultura, at maging sa edukasyon at kalusugan. Tuluyang masasadlak sa kumunoy ng kahirapan at karalitaan ang mamamayang Pilipino, dahilan sa titindi ang Monopolyo sa ekonomya ng iilang pamilya at mga dayuhang korporasyon, lolobo ang depisit sa kalakalan at bayaran (trade deficit & balance of payment), ang budget deficit at magkakasya na lamang ang papet na pamahalaan sa eksportasyon ng ating mga manggagawa (Labor Export Policy) para matugunan ang patuloy na lumolobong mga depisit, at mabilis na paglaki ng bilang ng mga walang hanap-buhay, na ayon sa pinakabagong surbey ng SWS, tumaas na naman ng 1.4M, mula sa dating 9.9M noong 2010 tungo sa 11.3M ngayong Marso 2011.
Isyu ng Pagtaas ng Matrikula, Isang Isyung Pambayan at Pampulitika;
Sabi nga ni Rep. Raymond Palatino, “ang isyu ng patuloy na pagtaas ng matrikula ay isang pampulitikang usapin”. Sa mas malalim na pakahulugan, hindi lang dahil ito sa ang milyon-milyong estudyante na pinagkakaitan ng karapatan sa edukasyon ay mga anak ng milyon-milyong sahod aliping manggagawa, o ng milyon-milyong magsasaka na walang lupa, o ng mga karaniwang empleyado ng pamahalaan o pribado at mismong kanilang mga guro. Kung di, ang patuloy na pagtaas ng matrikula ay bunga ng bulok at mababang kalidad ng edukasyon na bahagi ng pampulitikang manipulasyon ng Imperyalistang Estados Unidos, upang tiyakin na di-matutuyong balon ng murang lakas-paggawa, at manatiling atrasado at palaasang ekonomya ang ating bansa. Kaya ang isyu ng kabataang estudyante at ang isyu ng tuloy-tuloy na pagtaas ng matrikula ay isang isyung pambayan at isang isyung pampulitika na nararapat ding sagutin at tugunan ng pambansang pagkilos.
Kakaiba sa mga nakaraang pagkilos, nararapat lamang na itaas ng kabataang estudyante ang antas at anyo ng kanilang pagkilos. Nararapat lamang na tumungo ito sa isang pang-rehiyon hanggang sa pambansang koordinadong militanteng pagkilos. Bilang namumunong uri, nararapat lamang na pangunahan ng Kilusang Manggagawa ang pag-akit ng suporta ng iba pang sektor sa militanteng pagkilos ng mga kabataang estudyante at tumungo ito sa multi-sektoral na suportang pakikibaka para sa kabataang estudyante.
Bahagi ng pagtataas ng antas ng pakikibakang manggagawa ang militante at aktibong suporta nito sa pakikibaka ng iba pang sektor at uri. Hindi dapat akitin lamang ng pakikibakang estudyante ang pakikibakang manggagawa, kung di, dapat maging bahagi ng pakikibakang manggagawa ang pakikibaka hindi lang ng kabataang estudyante, kung di ng iba pang sektor o uri. Dito masusukat ang namumunong papel at pagtaas ng pakikibaka at pampulitikang kamalayan ng Kilusang Manggagawa.
PALAWAKIN AT PALAKASIN ANG SUPORTA SA PAKIKIBAKA NG KABATAANG ESTUDYANTE !!!
PALAKASIN ANG PAMUMUNO SA PAKIKIBAKANG MASA SA KALUNSURAN !!!