P22 COLA – napakaliit, nakakagalit!
Error
Related posts
- Baryang P22 dagdag-sahod, magpapalakas sa laban para sa P125 dagdag-sahod
- Mumong dagdag-sahod, major-major insulto sa obrero – KMU
- Kontra sa anunsyong walang dagdag-sahod: Manggagawa, nagpiket sa DOLE
- ECOP, AmCham: sinungaling, ganid sa tubo –KMU
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
Most discussed
Mariin naming kinokondena ang pag-apruba ng regional wage board ng National Capital Region sa kakarampot na P22.00 na dagdag sa Cost of Living Allowance (COLA) ng mga manggagawa. Hindi na ito nakakagulat, pero nakakangitngit pa rin.
Malayung-malayo ito sa makabuluhan o P125 across-the-board na dagdag-sahod sa buong bansa na matagal nang hinihiling ng mga manggagawa. Hindi ito magbibigay ng tunay na kagyat na ginhawa sa gitna ng pagtataasan ng presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo, lalo na ng langis. Kung tutuusin napakalayo pa nito sa nakabubuhay na sahod.
Kinokondena namin ang rehimeng Aquino, ang Department of Labor and Employment at ang regional wage boards para sa napakaliit na dagdag na ito sa COLA. Sa harap ng malawak na panawagan para sa dagdag-sahod sa gitna ng nagtataasang presyo, halos isang buwang pinalabas ng rehimeng Aquino na magtataas ito ng sahod – para lamang mag-apruba ng kakarampot na dagdag sa COLA.
Kahit sa harap ng matinding kahirapan at pambubusabos na dinaranas ng mga manggagawa, kakarampot na dagdag lang sa COLA ang inaprubahan ng rehimeng Aquino. Malinaw na patunay ito na tuta ang rehimeng Aquino ng malalaking kapitalistang lokal at dayuhan sa bansa. Malinaw na puro pakitang-tao, pantawid at pa-pogi lang ang kaya nitong gawin – hindi ang magpatupad ng maka-manggagawang reporma.
Kinokondena rin namin ang malalaking kapitalistang dayuhan at lokal sa bansa, na kung makapagsalita’y tila pagguho ng mundo ang magaganap kapag inaprubahan ang makabuluhang dagdag-sahod. Nagpapanggap silang umaaray gayung 15% kabawasan lang sa kanilang tubo ang P125 across-the-board na dagdag-sahod sa buong bansa kapag ipinatupad.
Muling pinapatunayan ng pasyang ito ng regional wage board na maka-kapitalistang instrumento ito para baratin ang sahod ng mga manggagawa. Hindi ito magbibigay ng makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa at dapat nang buwagin.
Kinokondena rin namin ang Trade Union Congress of the Philippines sa pakikipagsabwatan nito sa rehimen at mga kapitalista sa pagbubuslo ng panawagan ng mga manggagawa para sa makabuluhang dagdag-sahod sa mga regional wage board. Kasabwat ang TUCP ng rehimen at mga kapitalista sa pagbibigay ng walang-batayang pag-asa sa mga manggagawa at mamamayan na magkakaroon ng makabuluhang dagdag-sahod sa instrumentong ito ng mga kapitalista.
Sa huli, hindi dito magtatapos ang paglaban ng mga manggagawa at mamamayan para sa makabuluhang dagdag-sahod. Nagsisimula pa lamang kami. Sa mga susunod na araw, linggo at buwan, tuluy-tuloy kaming maglulunsad ng mga kilos-protesta para igiit sa rehimeng Aquino ang makabuluhang dagdag-sahod.
Sa partikular, igigiit namin sa Kongreso at Senado ang pagpasa sa House Bill 375 para sa P125 across-the-board na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa buong bansa. Hindi kami titigil hangga’t hindi namin nakakamit ang ipinaglalaban naming makabuluhang dagdag-sahod. Ginagatungan lang ng P22 dagdag sa COLA ang nagbabagang galit ng mga manggagawa at mamamayan sa rehimeng Aquino.
Comments
#2 PHP 22.00 NA ECOLA, HINDI
PHP 22.00 NA ECOLA, HINDI LANG INSULTO AT PANLILINLANG, KUNG DI, SIKAD SA PAGLAKI NG IMPLASYON AT KAWALAN NG HANAP-BUHAY?
Hindi sahod ang nadagdagan sa nagngangalit na panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod, kung di, ang mga batayan para masabing maka-kapitalista at maka-dayuhan ang Rehimeng Aquino.
Bago pa ang araw ng Mayo Uno, parang nagko-korus at iisa na ang tono ng Rehimeng Aquino, ECOP at TUCP. Sa kabila ng bolerong pahayag ni Aquino na kailangang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa, nguni't, pinalabo agad ito ng kanyang sumunod na pahayag, na di siya sang-ayon sa "legislated wage increase", at ipinasa sa mga Regional Wage Board ang responsibilidad para sa dagdag-sahod. Bukod pa dito ang pahayag ng kanyang tagapag-salita na "inflationary" ang dagdag-sahod. Segunda tono, at naglabas ng Blackmail na pahayag ang ECOP batay sa kanilang sariling komputasyon na hanggang PHP 13.35 lang ang dapat idagdag sa sahod ng mga manggagawa, dahil kung tataas pa dito, magdudulot daw lalo ito ng maramihang tanggalan sa trabaho dahilan sa mapipilitang magsara ang maraming kumpanya. Tersera tono
naman ang TUCP, at lumantad ang pagiging Dilawan at Kolaboreytor nito. Sa kabila ng alam nilang kulang sa dalawang dekada na ang panawagang PHP 125.00, at nilamon na ng debalwasyon at implasyon ang kakarampot na itinakda ng mga Regional Wage Board ng mga nakaraan. Intensyon talaga nilang isabotahe, ilihis at biguin ang resonableng kahilingang dagdag-sahod, ibinaba pa nila ito sa PHP 75.00 at ipinagsiksikan uli ito sa inutil at maka-kapitalistang Regional Wage Board. Ngayon ay ipinag-iingay na naman nila na iaapela nila ang PHP 22.00 na dagdag sa ECOLA sa mismong kasabwat nilang RWB para isabotahe ang resonableng dagdag-sahod.
Sa datos at masusing pag-aaral ng Ecumenical Institute for Labor and Research (EILER), Ang PHP 426.00 na magiging minimum wage kasama
na ang PhP 22.00 na dagdag sa ECOLA simula ngayong May 26, 2011, ay may tunay na halaga na PHP 203.00 na katumbas lamang ng halaga ng minimum wage noong 1989 na kung saan binuo ni Cory Aquino na Nanay ni Noynoy, ang mga Regional Wage Board. Bunga ito ng paglamon ng debalwasyon at implasyon sa mumo at kakarampot na dagdag-sahod na ipinatupad ng RWB at sa tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa.
Insulto ang PhP 22.00 dahil malayung-malayo ito sa resonableng PhP 125.00 na kahilingan ng mga manggagawa para makaagapay lamang sa lumalalang krisis. At lalo namang milya-milya ang layo nito sa tinatawag na Living Wage na PhP 957.00. Panlilinlang ito dahil idinagdag ito hindi pa sa batayang sahod kung di sa ECOLA, na hindi masasakop ng komputasyon ng obertaym at taunang bonus. Lalong dagdag na panlilinlang ito, dahil ipinamumukha ng Rehimeng Aquino sa mga manggagawa na ang mga RWB ang may kapangyarihan para dagdagan ang kanilang sahod, at tinatakasan n'ya ang kanyang responsibilidad bilang Pangulo ng bansa.
Pambabarat sa Dagdag-Sahod ng mga Manggagawa, lalong magdudulot ng Implasyon at Paglobo ng Bilang ng Walang Hanap-Buhay?
Sa naitalang datos ng mismong DOLE noong 2009, may kabuuang 39.39 milyon ang pwersang paggawa (Labor Force). Mula dito, 64.4% hanggang 82.2% ang walang hanap-buhay at mababang antas ng trabaho (Poor Quality Works) o walang permanenteng trabaho. May katumbas itong 25.37 milyon hanggang 32.41 milyon ng pwersang paggawa. Sa madaling salita, maituturing na mahigit kumulang 6 milyon lamang ay may permanenteng trabaho o di kaya'y, permanente man, wala namang kasiguruhan sa trabaho tulad ng mga manggagawa sa Philippine Airlines(PAL). Ito ay datos dalawang taon na ang nakaraan.
Kung gagamitan ng simpleng matimatika, 'wag na nating ikunsidera kung may asawa o wala, o kaya'y may anak o wala. Ikunsidera na lamang nating na may binubuhay itong pinakamalapit na kaanak, at gawin nating doble ang bilang na ito dahil sa responsibilidad. Humigit kumulang 80 milyong mamamayan ang walang kakayahang makaagapay sa lumalalang krisis sa kabuhayan. Ito ang mga mamimili (consumer), ang mismong mga mamamayan. Ito ay noong taon pa lamang ng 2009.
Pinakamahalagang bahagi ng tagumpay o pagsulong ng Negosyo o Kapital ang kanilang pamilihan (market) o ang mga mamimili (consumer). Kaya napakahalaga na laging masigla ito at magkaroon ng kakayahang mamili (buying power) ang mga mamimili at ito ang mga manggagawa at mamamayan. Habang binabarat at pinabababa ang sahod ng mga manggagawa, humihina rin ang kakayahan nito sa pagbili ng mga produkto at serbisyong sila rin ang gumagawa. Ang resulta, humihina at tumutumal rin ang pamilihan (market), kakambal ang paghina at pagtumal din ng Negosyo at Kapital, hanggang sa bumagsak at magsara ang mga ito. Dito pumapasok ang malawakang tanggalan(mass lay-off) o kawalan ng hanap-buhay.
Ngunit, sa pagpapatuloy ng ganitong batas at proseso ng Kapitalistang Ekonomya mas pinasasahol pa ito ng pagtindi ng kompetisyon sa pagitan ng mga Kapitalista, at nilalamon ng malalaking Negosyo o Kapital ang maliliit na Negosyante o Kapitalista o di kaya'y tuluyan na silang bumagsak, at iiral na ang Monopolyo Kapital sa ekonomiya.
Halos ganito rin ang larawan sa isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan tulad ng Pilipinas. Ang mga batayang industriya (Vital Industries) tulad ng transpotasyon, komyunikasyon, pinansya at pagbabangko, agrikultura at pagmimina, pagawaing bayan (Public Works), hanggang sa edukasyon at kalusugan ay kinontrol na ng ilang pamilya na wala pa sa isang porsyento(1%) ng kasalukuyang 98 milyong Pilipino. Sila ay tulad ng mga angkan ni P'Noy na Cojuangco-Aquino, Lucio Tan, Pangilinan, Ayala-Zobel, Lopez, Gokongwei at ilan pa na kasalukuyang kumokontrol sa pambansang ekonomya na kasabwat o kasosyo ng mga dambuhalang Dayuhang Korporasyon, na pangunahing kinakatawan ng Rehimeng Aquino at pinatutunayan ng kanyang Public-Private Partnership (PPP) at patakarang "Cheap Labor Policy".
Sa yugtong ito ng Monopolyo Kapital sa ating ekonomya, tinitiyak nilang patuloy na lolobo rin ang reserbang hukbo ng mga walang hanap-buhay (Reserved Army of Unemployed) para patuloy ding maidikta ang murang lakas-paggawa o pwersahang isubo sa mga manggagawa ang isang sahod-aliping patakaran. Hindi nila interes ang lumikha ng hanap-buhay, ang interes nila ay palakihin pa ang kanilang tubo at maidikta ang murang lakas-paggawa. Pinauunlad nila ang mga kagamitan sa produksyon para mabawasan ang pangangailangan sa lakas paggawa. Ngunit habang ginagamit ng mga manggagawa ang makabagong kagamitan sa produksyon (modern technology) lalong tumataas ang tantos ng pagsasamantala (rate of exlpoitation) sa kanila, dahilan sa lalong tumataas ang kanilang produktibidad nguni't nakapako at bumababa pa nga ang kanilang sahod. Sa kabilang banda, ang makabagong makinarya at teknolohiya ay nagiging karagdagang dahilan para lalong bumilis hindi lang ang produksyon kung di ang paglobo ng bilang mga walang hanap-buhay (automation), dahilan sa binabawasan nito ang pangangailangan sa lakas-paggawa. Dahil dito, nagiging kaaway pa nga ng mga manggagawa ang makabagong makinarya at teknolohiya sa halip na maging kakampi para gumaang ang kanyang pagtatrabaho.
Kaya sa pinakadulo, ang pambabarat sa dagdag-sahod o pagpapatuloy ng "Cheap Labor Policy", ang mismong ugat at nagpapahina sa lokal na pamilihan ng ating bansa, dahilan sa lalo pa nitong tinatapyasan o binabawasan ang kakayahang bumili ng mga manggagawa at mamamayan na tunay na kahulugan ng "Implasyon". At sa patuloy na paghina ng lokal na pamilihan, magbabagsakan o tuluyang magsasara ang maliliit na negosyo, iiral ang monopolyo, at lalong lolobo ang bilang ng walang hanap-buhay. At lalong sa pinakadulo pa, dahil babagsak ang lokal na produksyon, lalo tayong aasa sa importasyon at mananatiling atrasado ang ating ekonomya.
Sa iba pang aspeto ng Kapitalistang Ekonomya, ang sobrang pinansyang kapital ay hindi na pinupuhunan para itayo ang panibagong permanenteng kapital (permanent investment) tulad ng pabrika o industriya para makalikha ng iba pang trabaho, kung di, pinaiikot ang sobrang pinansyang kapital para tumubo pa ng sobrang pinansyang kapital, tulad sa pagbabangko at pampinasyang instutusyon. Nililikha naman nito ang isang bulang ekonomya (bubble ekonomy), na laging napipintong sumabog.
Alam at pinakamahalagang disenyo ito ng mga Imperyalista sa ekonomya ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig (Third World Countries) tulad ng Pilipinas. Ang pagiging atrasado ng ekonomya ng mga bansang ito ang magtitiyak na magiging mahusay at reserbang palengke ng kanilang sobrang produkto at sobrang pinansyang Kapital.
Ito ang katotohanan at batas ng Kapitalismo na gustong pagtakpan ng mga Kapitalista. Inililihis lamang nila ang katotohanang ang pagkaganid nila sa tubo at ang pagpako at pagpapababa ng sahod ang pinakaugat ng Implasyon at kawalan ng hanap-buhay.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 11 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 16 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
#1 PHP 22.00 NA ECOLA, HINDI
PHP 22.00 NA ECOLA, HINDI LANG INSULTO AT PANLILINLANG, KUNG DI, SIKAD SA PAGLAKI NG IMPLASYON AT KAWALAN NG HANAP-BUHAY?
Hindi sahod ang nadagdagan sa nagngangalit na panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod, kung di, ang mga batayan para
masabing maka-kapitalista at maka-dayuhan ang Rehimeng Aquino.
Bago pa ang araw ng Mayo Uno, parang nagko-korus at iisa na ang tono ng Rehimeng Aquino, ECOP at TUCP. Sa kabila ng bolerong pahayag
ni Aquino na kailangang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa, nguni't, pinalabo agad ito ng kanyang sumunod na pahayag, na di siya
sang-ayon sa "legislated wage increase", at ipinasa sa mga Regional Wage Board ang responsibilidad para sa dagdag-sahod. Bukod pa dito
ang pahayag ng kanyang tagapag-salita na "inflationary" ang dagdag-sahod. Segunda tono, at naglabas ng Blackmail na pahayag ang ECOP
batay sa kanilang sariling komputasyon na hanggang PHP 13.35 lang ang dapat idagdag sa sahod ng mga manggagawa, dahil kung tataas pa
dito, magdudulot daw lalo ito ng maramihang tanggalan sa trabaho dahilan sa mapipilitang magsara ang maraming kumpanya. Tersera tono
naman ang TUCP, at lumantad ang pagiging Dilawan at Kolaboreytor nito. Sa kabila ng alam nilang kulang sa dalawang dekada na ang
panawagang PHP 125.00, at nilamon na ng debalwasyon at implasyon ang kakarampot na itinakda ng mga Regional Wage Board ng mga
nakaraan. Intensyon talaga nilang isabotahe, ilihis at biguin ang resonableng kahilingang dagdag-sahod, ibinaba pa nila ito sa PHP 75.00 at
ipinagsiksikan uli ito sa inutil at maka-kapitalistang Regional Wage Board. Ngayon ay ipinag-iingay na naman nila na iaapela nila ang PHP
22.00 na dagdag sa ECOLA sa mismong kasabwat nilang RWB para isabotahe ang resonableng dagdag-sahod.
Sa datos at masusing pag-aaral ng Ecumenical Institute for Labor and Research (EILER), Ang PHP 426.00 na magiging minimum wage kasama
na ang PhP 22.00 na dagdag sa ECOLA simula ngayong May 26, 2011, ay may tunay na halaga na PHP 203.00 na katumbas lamang ng halaga
ng minimum wage noong 1989 na kung saan binuo ni Cory Aquino na Nanay ni Noynoy, ang mga Regional Wage Board. Bunga ito ng paglamon
ng debalwasyon at implasyon sa mumo at kakarampot na dagdag-sahod na ipinatupad ng RWB at sa tunay na halaga ng sahod ng mga
manggagawa.
Insulto ang PhP 22.00 dahil malayung-malayo ito sa resonableng PhP 125.00 na kahilingan ng mga manggagawa para makaagapay lamang sa
lumalalang krisis. At lalo namang milya-milya ang layo nito sa tinatawag na Living Wage na PhP 957.00. Panlilinlang ito dahil idinagdag ito
hindi pa sa batayang sahod kung di sa ECOLA, na hindi masasakop ng komputasyon ng obertaym at taunang bonus. Lalong dagdag na
panlilinlang ito, dahil ipinamumukha ng Rehimeng Aquino sa mga manggagawa na ang mga RWB ang may kapangyarihan para dagdagan ang
kanilang sahod, at tinatakasan n'ya ang kanyang responsibilidad bilang Pangulo ng bansa.
Pambabarat sa Dagdag-Sahod ng mga Manggagawa, lalong magdudulot ng Implasyon at Paglobo ng Bilang ng Walang Hanap-Buhay?
Sa naitalang datos ng mismong DOLE noong 2009, may kabuuang 39.39 milyon ang pwersang paggawa (Labor Force). Mula dito, 64.4%
hanggang 82.2% ang walang hanap-buhay at mababang antas ng trabaho (Poor Quality Works) o walang permanenteng trabaho. May katumbas
itong 25.37 milyon hanggang 32.41 milyon ng pwersang paggawa. Sa madaling salita, maituturing na mahigit kumulang 6 milyon lamang ay
may permanenteng trabaho o di kaya'y, permanente man, wala namang kasiguruhan sa trabaho tulad ng mga manggagawa sa Philippine
Airlines(PAL). Ito ay datos dalawang taon na ang nakaraan.
Kung gagamitan ng simpleng matimatika, 'wag na nating ikunsidera kung may asawa o wala, o kaya'y may anak o wala. Ikunsidera na lamang
nating na may binubuhay itong pinakamalapit na kaanak, at gawin nating doble ang bilang na ito dahil sa responsibilidad. Humigit kumulang
80 milyong mamamayan ang walang kakayahang makaagapay sa lumalalang krisis sa kabuhayan. Ito ang mga mamimili (consumer), ang
mismong mga mamamayan. Ito ay noong taon pa lamang ng 2009.
Pinakamahalagang bahagi ng tagumpay o pagsulong ng Negosyo o Kapital ang kanilang pamilihan (market) o ang mga mamimili (consumer).
Kaya napakahalaga na laging masigla ito at magkaroon ng kakayahang mamili (buying power) ang mga mamimili at ito ang mga manggagawa
at mamamayan. Habang binabarat at pinabababa ang sahod ng mga manggagawa, humihina rin ang kakayahan nito sa pagbili ng mga
produkto at serbisyong sila rin ang gumagawa. Ang resulta, humihina at tumutumal rin ang pamilihan (market), kakambal ang paghina at
pagtumal din ng Negosyo at Kapital, hanggang sa bumagsak at magsara ang mga ito. Dito pumapasok ang malawakang tanggalan(mass
lay-off) o kawalan ng hanap-buhay.
Ngunit, sa pagpapatuloy ng ganitong batas at proseso ng Kapitalistang Ekonomya mas pinasasahol pa ito ng pagtindi ng kompetisyon sa
pagitan ng mga Kapitalista, at nilalamon ng malalaking Negosyo o Kapital ang maliliit na Negosyante o Kapitalista o di kaya'y tuluyan na
silang bumagsak, at iiral na ang Monopolyo Kapital sa ekonomya.
Halos ganito rin ang larawan sa isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan tulad ng Pilipinas. Ang mga batayang industriya (Vital
Industries) tulad ng transpotasyon, komyunikasyon, pinansya at pagbabangko, agrikultura at pagmimina, pagawaing bayan (Public Works),
hanggang sa edukasyon at kalusugan ay kinontrol na ng ilang pamilya na wala pa sa isang porsyento(1%) ng kasalukuyang 98 milyong Pilipino.
Sila ay tulad ng mga angkan ni P'Noy na Cojuangco-Aquino, Lucio Tan, Pangilinan, Ayala-Zobel, Lopez, Gokongwei at ilan pa na kasalukuyang
kumokontrol sa pambansang ekonomya na kasabwat o kasosyo ng mga dambuhalang Dayuhang Korporasyon, na pangunahing kinakatawan ng
Rehimeng Aquino at pinatutunayan ng kanyang Public-Private Partnership (PPP) at patakarang "Cheap Labor Policy".
Sa yugtong ito ng Monopolyo Kapital sa ating ekonomya, tinitiyak nilang patuloy na lolobo rin ang reserbang hukbo ng mga walang
hanap-buhay (Reserved Army of Unemployed) para patuloy ding maidikta ang murang lakas-paggawa o pwersahang isubo sa mga manggagawa
ang isang sahod-aliping patakaran. Hindi nila interes ang lumikha ng hanap-buhay, ang interes nila ay palakihin pa ang kanilang tubo at
maidikta ang murang lakas-paggawa. Pinauunlad nila ang mga kagamitan sa produksyon para mabawasan ang pangangailangan sa lakas
paggawa. Ngunit habang ginagamit ng mga manggagawa ang makabagong kagamitan sa produksyon (modern technology) lalong tumataas ang
tantos ng pagsasamantala (rate of exlpoitation) sa kanila, dahilan sa lalong tumataas ang kanilang produktibidad nguni't nakapako at
bumababa pa nga ang kanilang sahod. Sa kabilang banda, ang makabagong makinarya at teknolohiya ay nagiging karagdagang dahilan para
lalong bumilis hindi lang ang produksyon kung di ang paglobo ng bilang mga walang hanap-buhay (automation), dahilan sa binabawasan nito
ang pangangailangan sa lakas-paggawa. Dahil dito, nagiging kaaway pa nga ng mga manggagawa ang makabagong makinarya at teknolohiya
sa halip na maging kakampi para gumaang ang kanyang pagtatrabaho.
Kaya sa pinakadulo, ang pambabarat sa dagdag-sahod o pagpapatuloy ng "Cheap Labor Policy", ang mismong ugat at nagpapahina sa lokal
na pamilihan ng ating bansa, dahilan sa lalo pa nitong tinatapyasan o binabawasan ang kakayahang bumili ng mga manggagawa at
mamamayan na tunay na kahulugan ng "Implasyon". At sa patuloy na paghina ng lokal na pamilihan, magbabagsakan o tuluyang magsasara
ang maliliit na negosyo, iiral ang monopolyo, at lalong lolobo ang bilang ng walang hanap-buhay. At lalong sa pinakadulo pa, dahil babagsak
ang lokal na produksyon, lalo tayong aasa sa importasyon at mananatiling atrasado ang ating ekonomya.
Alam at pinakamahalagang disenyo ito ng mga Imperyalista sa ekonomya ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig (Third World Countries) tulad ng
Pilipinas. Ang pagiging atrasado ng ekonomya ng mga bansang ito ang magtitiyak na magiging mahusay at reserbang palengke ng kanilang
sobrang produkto at sobrang pinansyang Kapital.
Ito ang katotohanan at batas ng Kapitalismo na gustong pagtakpan ng mga Kapitalista. Inililihis lamang nila ang katotohanang ang pagkaganid
nila sa tubo at ang pagpako at pagpapababa ng sahod ang pinakaugat ng Implasyon at kawalan ng hanap-buhay.