Iligal na pagsasara at tanggalan, labanan!
Error
Related posts
- [Labanan ang Kontraktwalisasyon!] Mensahe ng pakikiisa ng Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawa sa ilalim ng ABS-CBN Internal Job Market
- Sahod, trabaho at karapatan – ipaglaban! Iboto ang tunay na unyon ng mga manggagawa!
- Pag-demolish ng anti-squatting unit sa piketlayn, kinondena ng kababaihang manggagawa
- Lalong naghirap ang Pinoy sa isang taon ni Noynoy
- P22 COLA – napakaliit, nakakagalit!
Pagbuwag sa unyon at kontraktwalisasyon
Tahasang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa ang nagbabantang iligal na pagsasara ng Mustad Terminal Tackle Philippines, multinasyunal na pagawaan sa Novaliches, Quezon City na pag-aari ng isang Norwegian. Wala itong pasabi 30 araw bago ang plano nitong pagsasara.
Hindi nalulugi ang Mustad. “Best-selling hook-brand in the planet” ang ipinagmamayabang nitong produkto. Gusto lang nitong palakihin ang higanteng tubo. Sa anong paraan? Sa pagtanggal sa halos 200 regular at unyonisadong manggagawa at palitan sila ng mga kontraktwal at walang unyon.
Dito, tipid na nang malaki ang kumpanya sa pagbibigay ng sahod at benepisyo, wala pang unyon na magiging sagabal para higit pang pigain at pagsamantalahan ang mga manggagawa.
Hindi tayo magpapaloko! Handa tayong lumaban para sa mga karapatan ng mga manggagawa. Hindi pwede ang bigla-biglang pagsasara ng kumpanya. Iligal iyan! Hindi pwede ang ganitong iskema para buwagin ang unyon at magpatupad ng kontraktwalisasyon. Iligal iyan! Lalaban tayo!
Hindi natin maaasahan ang Department of Labor and Employment at rehimeng Aquino. Sila mismo ang nagsusulong ng interes ng mga kapitalista at kasabwat sa pagbarat sa sahod at benepisyo, at pag-atake sa kaseguruhan at karapatan sa trabaho ng mga manggagawa.
Tiyak na tumapang ang Mustad na gawin ang kontra-manggagawang iskema nito dahil sa desisyon ng rehimeng Aquino sa Philippine Airlines: Pwedeng i-outsource kahit ang mahahalagang gawain at palitan ang mga regular na manggagawa ng mga kontraktwal.
Ang pagbarat sa sahod at pagpapalaganap sa kontraktwalisasyon ang ginagawang pang-akit ng gobyerno sa malalaking kapitalistang dayuhan at lokal. Na ang ibig sabihin ay higit na pagsasamantala, higit na kahirapan at pagkabusabos, sa mga mamamayan.
Sama-sama at militanteng pagkilos ang tanging paraan upang labanan ang sistematikong pagsasamantala ng mga kapitalista at rehimeng Aquino. Itatayo ng mga manggagawa sa Mustad ang kanilang barikada. Suportahan natin sila! Ipakita natin ang pagkakaisa nating mga manggagawa at mamamayan sa ganitong pambubusabos ng mga kapitalista!
Hindi lang ito laban ng mga manggagawa ng Mustad. Huwag natin hayaang patuloy tayong binubusabos ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal at ng rehimeng Aquino.
Mustad, ganid sa tubo!
Rehimeng Aquino, tuta ng kapitalista, kontra-manggagawa!
Iligal na pagsasara at tanggalan, labanan!
Pagbuwag sa unyon at kontraktwalisasyon, labanan!
Ipaglaban ang sahod, trabaho at karapatan!
Association of Democratic Labor Organizations – Kilusang Mayo Uno
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 11 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 16 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed