Skip to main content

ECOP, AmCham: sinungaling, ganid sa tubo –KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileb0JUmG could not be copied.

“Hinahamon namin ang malalaking kapitalista ng Employers Confederation of the Philippines at American Chamber of Commerce: pasinungalingan ninyo ang datos na 15% kabawasan lang sa tubo ang pagbibigay ng P125 across-the-board na dagdag-sahod!”

Ito ang hamon ng Kilusang Mayo Uno sa ECOP at AmCham sa gitna ng paulit-ulit na mga pahayag ng dalawa na magdudulot ng malawakang pagsasara ng negosyo at tanggalan sa trabaho, gayundin ng pagtaas ng implasyon, ang pagbibigay ng makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa.

“Panay ang satsat ng dalawang organisasyon ng malalaking kapitalista na magsasarahan ang negosyo at magtatanggalan sa trabaho kapag itinaas ang sahod nang makabuluhan. Pero hindi nila tinutugunan ang sabi ng saliksik ng Ibon Foundation: 15% porsyento lang ang mababawas sa tubo ng mga kapitalista sa pagpapatupad ng P125 across-the-board na dagdag-sahod,” pahayag ni Roger Soluta, secretary-general ng KMU.

“Napakaliit ng P22 COLA upang makaagapay ang mga manggagawa sa nagtataasang presyo ng bilihin at langis, at agad rin itong mawawala sa mga manggagawa sa pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT. Pero ang malalaking kapitalista, kung makaangal, parang totoong malulugi sila,” ani Soluta.

Naghain pa si Soluta ng mga patunay na kakayanin ng mga kapitalista ang ibigay ang makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa.

“Sa mga negosasyon para sa collective bargaining agreements ng aming mga unyon, nalalaman namin ang laki ng tubo ng mga kapitalista. Alam naming para sa pinakamalalaking kapitalista, iyung nasa Top 1,000 sa pinakamalaking tubo, madali lang ang magbigay ng P125 dagdag-sahod,” dagdag ni Soluta.

“Ayon sa mga nakakausap naming maliliit na negosyante, 10 hanggang 15% lang ng kabuuang gastos sa produksyon ang gastos sa pasahod sa mga manggagawa. Sa isang interbyu sa telebisyon na dinaluhan ko, inamin mismo ng tagapangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na hindi talaga pasahod ang pinakamalaking pinagkakagastahan ng mga kapitalista,” ani Soluta.

“Ayon sa kanya, gastusin sa langis at kuryente ang pinakamalaking gastusin ng mga kapitalista ngayon, hindi ang pasahod. Pero, ang mga manggagawa at mamamayan ang higit na nakakaranas ng bigat ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin,” ani Soluta.

“Kung tutuusin, lumang taktika na ng mga kapitalista ang takutin ang mga manggagawa na matatanggal sa trabaho kapag itinaas ang sahod. Hindi talaga kusang ibibigay ng mga kapitalista ang makabuluhang dagdag-sahod kaya kailangan silang obligahin ng gobyerno sa pagsasabatas ng makabuluhang dagdag-sahod,” pagtatapos ni Soluta.

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU secretary-general
Contact information: 
0928-7215313

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments