Skip to main content

KMU backs flight attendants’ plight, warns PNoy against open skies

“Protect PAL workers’ rights, don’t implement open skies policy.”

This was labor center Kilusang Mayo Uno’s reaction to President Benigno “Noynoy” Aquino III’s warning that his government will implement an “open-skies” policy should the Philippine Airlines’ management and workers fail to resolve their dispute. 

The Flight Attendants and Stewards Association (Fasap) filed a notice of strike last September 9 at the Department of Labor and Employment, citing “age discrimination” in PAL’s policy of imposing mandatory retirement to attendants reaching the age of 40.

In response, President Aquino called on the PAL management and Fasap to resolve the dispute, citing “public interest” and threatening to implement an open skies policy to overcome the inconvenience that will be caused by a strike. 

“The workers have a reasonable and just basis for launching a strike. Noynoy should push the PAL management to accede to the workers’ demands and not push his liberalization agenda,” said Elmer “Bong” Labog, KMU chairperson.

“We agree with Fasap that PAL’s policy of mandatory requirement springs from a sexist view of women as sex objects. They do not treat flight attendants and stewards as safety professionals, lucio Tan just wants them young and sexy. Noynoy should uphold Fasap’s demand that PAL’s policy of mandatory retirement be junked,” Labog added. 

An open-skies policy will deregulate air traffic and allow more airlines to service the Manila route. Implementing it will mean that the government, through its air traffic regulators, will grant service and landing rights to airlines whose governments do not allow Philippine flag carriers to service their countries. Aquino has been mouthing the option for an open-skies policy since the labor disputes in PAL were brought to public attention. 

“In case a strike is launched, the workforces of these foreign airlines will be used like scabs who will weaken the strike and the PAL workers’ capacity to assert their demands. With an open-skies policy, Noynoy in effect is taking the side of the PAL management and PAL owner Lucio Tan,” Labog said.

“Instead of heeding PAL workers’ just demands, Noynoy is pushing for the interests of foreign aviation companies. Instead of prioritizing workers who contribute wealth to the economy, he is prioritizing foreign capitalists and the government’s drive to raise funds through so-called ‘partnerships’ with them,” he added. #

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0908-163-6597

Comments

#1 TULUYANG ILANTAD AT HUBARIN

TULUYANG ILANTAD AT HUBARIN ANG BALATKAYO NI P'NOY !!!

Wala pang isang daang araw, nalalantad na ang tunay na daan at karakter ng isang rehimeng iniluklok ng Estados Unidos sa pamamagitan ng pre-programmed Automated Election. Ang tinuntungan n'yang slogan noong nakaraang halalan ay mistulang kumunoy na unti-unti o biglaang lumalamon sa kanya sa kasalukuyan.

Bagama't naging epektibo ang kanyang slogan na "matuwid na daan" at "kung walang corrupt, walang mahirap", at ang pagbatikos nito sa katiwalian at kabulukan ng nakaraang rehimeng Arroyo para hulihin ang boto ng mamamayan, ang doble-karang mukha ni P'Noy ay mabilis na nalalantad.

Ang pamahalaan ni P'Noy ay walang pinag-iba, bagong mukha, at ekstensyon ng Pasistang Rehimeng US-Arroyo. Sa pagsambulat ng palpak na pagtangan sa hostage crisis, lalong nalantad ang kabila ng mukha nitong pagiging bayolente at militarista. Dahil para sa kanya, ang naging kakulangan at kamalian ay ang kasanayan ng PNP at hindi ang tamang pagresolba sa krisis sa mapayapang paraan na may pagpapahalaga sa buhay ng mga hostage. Nasa panig pa rin siya ng ibayong pagsasanay at pagbuhos pa ng pondo sa PNP-AFP, at hindi sa pagbabago ng utak pulburang oryentasyon ng mga ito.

Bago pa ito, ipinatupad n'ya rin ang ekstensyon ng Oplan Bantay Laya II, na ugat ng libo-libong biktima ng extra-judicial killings. Ngayon ay ginagamit n'ya pa ang kalunos-lunos na pangyayari para lalong buhusan ng pondo ang PNP-AFP. Ngunit ang mahirap sikmurain, binawasan ng kalahati ang pondong laan para sa mga OFW at planong itaas ang pamasahe sa MRT-LRT na pang-masang transportasyon.

Bukod sa hindi nito pag-posisyon sa isyu ng Hacienda Luisita at Tunay na Reporma sa Lupa, wala pa rin itong paramdam sa isyu ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa. Ngunit, mabilis na pumosisyon itong nagbanta ng imbitasyon sa mga lokal at dayuhang eskirol kapag natuloy ang welga sa PAL.

Asahan na sa hinaharap, ang pagpapatuloy ng Neo-Liberal na patakarang dikta ng Imperyalistang US, tulad ng liberalisasyo, deregulasyon, pribatisasyon at denasyunalisyon sa bagong mukha nitong Public-Private Partnership. Asahan din ang patuloy na pagyukod nito sa pambabastos at panghihimasok sa soberanya ng Imperyalistang US, patunay dito ang masayang pagsalubong nito sa pagdaong ng USS George Washington, kahit nilalabag nito ang Saligang Batas ng Pilipinas.

Ang pamahalaan ni P'NOY ay ekstensyon ng Pasistang Rehimeng US-Arroyo.

Ang mga isyung pang-manggagawa, pang-magsasaka at pambayan ay dapat maiugnay sa paglalantad at paghuhubad sa doble-karang mukha ng bayolente at militaristang rehimeng iniluklok ng Imperyalistang US.

Huwag na hayaang makaahon pa sa kumunoy na kanyang tinuntungan, at tuluyang ilantad at hubarin ang doble-karang maskara ni P'NOY.

ILANTAD AT LABANAN ANG SINISIMULANG KONTRA-MANGGAGAWA, KONTRA-MAMAMAYAN PATAKARAN NG REHIMENG US-AQUINO !!!

SUPORTAHAN, PALAKASIN ANG WELGA SA PAL!!!

UMASA SA SARILING LAKAS, ISULONG ANG KILUSANG UNYON AT KILUSANG WELGA !!!

#2 NAPIPINTONG WELGA SA PAL,

NAPIPINTONG WELGA SA PAL, MAPAGPASYA AT NAPAPANAHONG HAMON SA TUNGUHIN AT HINAHARAP NG KILUSANG UNYONISMO AT KILUSANG WELGA SA ILALIM NI P'NOY ?

Ikinasa muli ni P'Noy ang dati nang banta kung matutuloy ang welga sa Philippine Airlines. Ito ang banta ng pagpapatupad ng "Open Skies Policy", at ang kautusan nito sa DOLE na makialam o parang sinabi n'ya na gamitin nito ang kapangyarihang "Assumption of Jurisdiction".

Karagdagang banta ito, sa dati nang banta ng early retirement, spin-off, contractualization, job-contracting at outsourcing, para sa mga Flight Attendant at mga manggagawa ng PAL. Layunin ng mga bantang ito ang pahinain at tuluyang wasakin ang pagkakaisa at Unyon ng mga empleyado at manggagawa ng Philippine Airlines, nguni't, sinuhayan pa ito ng pamahalaan ni P'Noy sa pamamagitan ng panibagong banta.

Ang dahilan at sinangkalan ni P'Noy, mas mahalaga sa kanya ang interes ng publiko(Public Interest), kaya kailangang ipatupad ang "Open Skies Policy" at pakikialam ng DOLE sa pamamagitan ng "Assumption of Jurisdiction".

Sa punto de bistang legal, ang "Open Skies Policy" ay lantarang paglabag sa probisyon ng Saligang Batas(Article XII-National Economy and Patrimony).

Una, kung totoong pangunahin at mahalaga kay P'Noy ang interes ng publiko, bakit hindi ang Section 17 ng Article XII ang kanyang ipinatupad, ang pag-takeover ng PAL para sa interes ng publiko at para proteksyon na rin sa job security at security of tenure ng mga empleyado at manggagawa ng PAL.

Ikalawa, ang "Open Skies Policy" ay lantarang pagsuko ng ating himpapawid sa mga Foreign Airlines na nangangahulugan ng pagsuko rin ng ating Patrimonya at National Interest sa mga dayuhang korporasyon.Walang probisyon sa Saligang Batas na nagpapahintulot sa mga dayuhan sa pagnenegosyo sa transportasyon sa ating himpapawid.

Ikatlo, lantarang paglabag din ito sa Investment Act ng bansa, na nagtatakda ng 60% Filipino Capital at 40% Foreign Capital, dahil papapasukin nito ang 100% Foreign Capital.

Ikaapat, lalabagin nito ang karapatan ng mga manggagawa sa pagwe-welga na itinatadhana ng Saligang Batas, dahil magsisilbing mga dayuhang eskirol ang mga Foreign Airlines para pahinain at isabotahe ang welga ng mga manggagawa sa PAL.

At sa punto de bistang legal hinggil sa kontra-manggagawang "Assumption of Jurisdiction". Lantarang paglabag din ito sa Constitutional Rights ng mga manggagawa. Dahil hindi dapat sapawan o mangibabaw ang kapangyarihan ng Kalihim ng DOLE o ng mismong Labor Code sa probisyon o itinatadhana ng Saligang Bansa, na karapatang mag-unyon at mag-welga ng mga manggagawa.

Kung National Interest ang sangkalan nila para gamitin at ipatupad ang "Assumption of Jurisdiction" laban sa welga ng mga manggagawa, bakit kailangang ipatupad nila ang "Open Skies Policy" na magsusuko sa mga Foreign Airlines ng ating himpapawid na National Interest ng ating bansa?

Ang Open Skies Policy at Assumption of Jurisdiction ay isang mapanlinlang at marahas na dahilan at katuwiran, para lapatan ng mapanlinlang at marahas na solusyon ang suliranin at kahilingan ng mga manggagawa ng Philippine Airlines. Ang A.J. ang ginamit para legal na atakihin ang Piket sa Hacienda Luisita ni P'Noy, na nag-resulta ng madugong massacre sa mga magsasaka.

Isang Pambansa at Napapanahong Laban ng Buong Uri?

Anuman ang naabot ng antas ng ating pamumuno at impluwensya sa mga manggagawa ng PAL, isang laban ito na kailangang ipagtagumpay. Mapagpasya at magtatakda ito ng inpirasyon, impluwensya at hinaharap ng Kilusang Unyonismo at Kilusang Welga ng mga manggagawa sa ilalim ng anim na taong panunungkulan ng pamahalaang iniluklok ng Imperyalistang US.

Kakaiba ito sa pangkaraniwang laban at welga ng mga manggagawa, hindi lang dahil kaharap natin ang pangalawa sa pinakamayaman at pinaka-despotikong Kapitalistang Komprador. Kung di, kaharap natin ang mismong reaksyunaryong pamahalaan na lantarang kumakandili at pumapanig sa mismong kaaway ng uri.

Dahil dapat ituring itong laban ng buong uri, nararapat ding tapatan ito ng mas malawak at militanteng kampanya at pagkilos.

Ang Open Skies Policy at Assumption of Jurisdiction na ugat ng karahasan sa piket at welga ng mga manggagawa, ay napapanahong tapatan ng malawak, militante at pambansang kampanya at pagkilos. Hindi lang sa Kongreso at Korte Suprema, maging sa mga pahayagan at mass media at hanggang sa lansangan.

Ang tagumpay ng welga sa PAL ay magsisilbing inpirasyon sa pagputok na mas malalaking welga at sama-samang pagkilos ng mga manggagawa. At magsisilbing inspirasyon din ito para sumulong ang Kilusang Unyonismo ng mga manggagawa na maglalantad at maghuhubad sa balatkayo at doble-karang mukha ni P'NOY.

Ito ang dapat maging tunguhin at hinaharap ng Kilusang Manggagawa sa ilalim ng anim na taon ng US-installed na Rehimeng Aquino.

ILANTAD ANG KONTRA-MANGGAGAWA, KONTRA-MAMAMAYANG "OPEN SKIES POLICY" !!!

MULING ISULONG AT PALAKASIN ANG PAKIKIBAKA LABAN SA "ASSUMPTION OF JURISDICTION" !!!

SUPORTAHAN AT IPAGWAGI ANG PAKIKIBAKA NG MGA MANGGAGAWA SA PAL !!!

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments