CJ Corona, ‘koronang tinik’ kay Noynoy
Error
Related posts
Nagpapasa si Gloria Arroyo ng “koronang tinik” kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagtalaga kay Associate Justice Renato Corona bilang punong hukom, sabi ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ngayong araw.
Itinalaga si Corona, na dating Presidential Chief of Staff at acting Executive Secretary ni Arroyo, sa pinakamataas na posisyon sa hudikatura dalawang araw matapos ang halalan at limang araw bago magretiro si Chief Justice Reynato Puno.
“Sa pagtatalaga ng hukom na pinakamatapat sa kanya sa pamunuan ng Korte Suprema, nagpapasa si Arroyo ng koronang tinik kay Sen. Aquino. Nag-iiwan na naman siya ng pangit na pamana sa susunod na administrasyon at sa sambayanang Pilipino,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“Malinaw na inilalagay sa alanganin ng pagkakatalaga kay Corona ang ‘mapayapang transisyon’ sa susunod na administrasyon. Pagsubok ito sa kapasyahan ni Aquino na baligtarin ang mga ipinuslit ni Arroyo na mga kasunduan at appointment, at parusahan si Arroyo,” dagdag niya.
Sabi ng lider-obrero, magiging mas mahirap makamit ang panawagan ng sambayanan na papanagutin si Arroyo dahil sa pagtalaga kay Corona sa pamunuan ng kataas-taasang hukuman.
“Ibabasura lang ng isang Chief Justice Corona ang lahat ng kaso kontra kay Arroyo para iiwas ang amo niya sa kaparusahan. Tungkulin ni Sen. Aquino na huwag itong pahintulutan. Dapat gumawa siya agad ng mapagpasyang mga hakbangin laban sa dito,” sabi ni Labog.
Sabi ng KMU, hindi magdadalawang-isip ang mga manggagawa na maglunsad ng mga pagkilos para iprotesta ang pagkakatalaga kay Corona, at hinahamon nito si Sen. Aquino na gawin ang nararapat.
“Magiging mapagmatyag ang mga manggagawa kahit umuulan ngayon ng papuri sa eleksyong automated. Alam naming buhay ang plano ni Arroyo na takasan ang galit ng sambayanan,” pagtatapos ni Labog.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 11 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 16 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 21 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 21 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 13 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 3 hours ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 13 hours ago
Most discussed