Ulit ng KMU: Noynoy, dinggin ang daing ng magsasaka ng Luisita
Error
Related posts
- Noynoy: Ilinaw ang Tindig, sa Magsasaka Pumanig
- Tatlong araw bago ang deadline sa magsasaka; Obrero, hinamon uli si Noynoy: Aksyon sa Luisita, ngayon na!
- KMU kay Noynoy: Nasaan na ang pangako mo?
- KMU kay Noynoy: Karaingan ng mga magsasaka sa Luisita, aksyunan
- Lupa ng Hacienda Luisita, ipamahagi sa magsasaka – ngayon na!
Matapos tanggapin umano ang panawagan ng bayan na tumakbo siyang presidente, dapat ding dinggin ni Sen. Noynoy Aquino ang panawagan ng mga magsasaka na kilalanin ng Hacienda Luisita Incorporated ng mga Cojuangco, ang karapatan ng mga magsasakang pag-arian ang 2,000 ektaryang bahagi ng lupa ng hacienda, ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno.
Inulit ng KMU ang hamon kay Sen. Noynoy matapos niyang ianunsyong tatakbo siyang presidente. Ayon dito, dapat patunayan ng anak ni dating Pangulong Cory Aquino na maka-mamamayan siya sa pagresolba sa deka-dekada nang usapin.
“Sabi ni Noynoy, sinusunod niya ang panawagan ng mga mamamayan, na inuuna niya ang interes ng bayan sa personal niyang interes. Masusubukan siya sa isyung ito. Kikilos kaya siya para alisan ang pamilya niya ng isa sa pangunahing pinagkukunan nito ng yaman?” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
Inutos na ng Department of Agrarian Reform na ibigay ang buong pag-aari sa lupa sa mga magsasaka, pero naglabas ng memorandum ang manedsment ng HLI noong Disyembre 2008 na nags-uutos sa mga magsasaka na lisanin ang lupa bago ang Okt. 30, 2009.
“Ngayong deklaradong kandidato na siya sa pagkapangulo at sa paglapit ng deadline sa Okt. 30, inuulit namin ang panawagan namin kay Noynoy: Itigil ang pagpapalayas sa mga magsasaka ng Hacienda! Makialam sa usapin sa HLI pabor sa 500 pamilyang apektado! Ibigay ang lupa sa mga magsasaka!” dagdag ni Labog.
Mahigit 500 pamilya ng mga magsasaka ng HLI ang humaharap sa sigalot sa pag-aari ng lupa matapos ang ilang taong pakikibaka, na nagdulot na ng pagpatay sa 14 na manggagawa at magsasaka noong Nob. 2004 ng mga yunit ng militar na naka-deploy sa 6,000-ektaryang hacienda.
“Napagwagian na ng mga magsasaka ang karapatang pag-arian ang lupa. Sa loob ng ilang dekada, nagtrabaho sila sa hacienda at lumikha ng halagang higit pang pambayad sa lupang sinasaka nila. Nakibaka sila para sa tunay na reporma sa lupa, nagpresyur sa mga rehimen na tuparin ang mga pangako sa kanila,” sabi ni Labog.
Sinabi pa ng lider-manggagawa na hindi kailangang manalo munang presidente si Noynoy bago siya umaksyon sa kaso, dahil pwede na siyang magsampa ng resolusyon sa Senado na humihinging ipamahagi ang mga lupa sa mga magsasaka na siyang makatarungang may-ari nito.
“Bukod sa kailangang kumilos ni Noynoy para patunayang matapat siya sa kung anong demokratiko sa pamana ng mga magulang niya, kailangan din niyang ipakitang ang mga taong bumubuo sa umano’y ‘moving force’ niya ay hindi niya ‘handler’,” sabi ni Labog.
Sabi ng KMU, magandang pagkakataon ang pagsangkot sa isyu ng HLI pabor sa mga magsasaka para gawin iyun. “Tutal, ilan sa mga taong nasa ‘moving force’ niya ay nangungunang tagapagtaguyod at dating tagapagpatupad ng gobyerno ng pekeng programa para sa repormang agraryo sa bansa. ###
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 11 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 15 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 20 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 20 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 12 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 2 hours ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 12 hours ago
Most discussed