Skip to main content

Noynoy: Ilinaw ang Tindig, sa Magsasaka Pumanig

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileA6T1j6 could not be copied.

Kahit natutuwa kami na, sa wakas, nagsalita na si Sen. Noynoy sa isyu ng Hacienda Luisita, nababahala kaming kaiba, o malayo pa nga, ang hakbanging iniisip niya sa hihiniling naming gawin niya. Nababahala kaming hindi talaga ito papakinabangan ng mga magsasaka.

Sana, muling tingnang mabuti ni Sen. Noynoy ang hamon namin. Hinihiling naming pumanig siya sa mga magsasaka sa sigalot sa pag-aari ng lupa – sa kagyat, sa 500 pamilyang binabantaan ng HLI ng pagpapalayas sa darating na Okt. 30.

Sabi ni Sen. Noynoy, isusuko niya ang pag-aari niya sa hati niya sa lupa. Kanino? Sa mga magsasaka? O sa ibang miyembro ng pamilya Cojuangco? Hinahamon namin siya na itulak ang mga Cojuangco na bitawan ang paghahabol nila pag-aari sa lupa – nang pabor sa mga magsasaka.

Sana, makialam si Sen. Noynoy sa isyu para itaguyod ang interes ng mga magsasaka. Sana, hindi lang niya isuko ang pag-aari niya sa hati niya sa lupa, kundi udyukan ang ibang kaanak na tumulad sa kanya – at hindi ibigay sa ibang kaanak kundi sa mga magsasaka.

Kung hindi, titingnan lang ang aksyon niya sa isyu na gimik lang sa propaganda na hindi talaga papakinabangan mga magsasaka, na ginawa para maiwasan ang kritisismo ng mga magsasaka at mga grupong maka-magsasaka. Sana, harapin niya ang hamon.  ###

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments