Skip to main content

Matapos ipagtanggol ang P1-M hapunan, Arroyo manhid sa pagtaas ng presyo ng langis

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileUpDzz2 could not be copied.

Di pa kuntento sa pagkain sa pangmayamang restawran sa New York, grabeng manhid pa rin si Gloria Arroyo sa milyun-milyong Pilipinong naghihirap sa kawalan niya ng kibo sa di-makatarungang serye ng taas-presyo sa langis ng Big Three, ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno.

Ngayong umaga, nagtaas ng presyo ang Caltex, Shell at Petron ng P2 kada litro ng gasolina, at P1.50 kada litro ng diesel at kerosene, kahit patuloy ang mga manggagawa at drayber ng dyipni sa paggiit na wakasan ang di-makatarungang iskema ng overpricing ng Big Three.

“Matagal nang insensitibo ang rehimeng Arroyo sa lagay ng mga manggagawa at mamamayan habang nakikipagsabwatan ito sa Big Three sa di-makatarungang pagtaas ng presyo ng langis,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.

“Talagang hindi na namin masikmura ang garapalang pagpapahirap sa mga mamamayan ng Big Three kasabwat ang rehimeng US-Arroyo,” dagdag niya.

Ihinalintulad ni Labog ang grabeng paglaki ng  yaman ni Arroyo sa supertubong kinikita araw-araw ng Big Three.
“Mga walang-hiya sila. Baka higit pa sa dumodoble ang yaman ng Big Three sa overpricing at madalas na dagdag-presyo nila. Sa pamamagitan ng transfer-pricing, naitatago pa nila ang tubo nila,” sabi niya.

Sabi ni Labog, hindi pwedeng ikatwiran ng malalaking kumpanya ng langis na ang lingguhang taas-presyo ay pagsunod lang sa presyo ng langis sa mundo.

“Hindi utu-uto ang mga Pinoy para maniwala sa baluktot nilang katwiran. Alam ng lahat na bumababa ang presyo ng langis sa mundo sa nakaraang mga buwan, kaya bakit kailangang itaas ang presyo ng langis?” sabi ni Labog.

Sinabi ng KMU na ang patuloy na pananahimik ni Arroyo sa pagsirit ng mga presyo ng langis ay pwedeng pumuno sa salop ng namumuong galit ng mga mamamayan dahil sa mga bagong kontrobersyang yumayanig sa rehimeng Arroyo. #

Reference Person: 
Elmer “Bong” Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Comments

#1 lumalabas na ang rehimeng

lumalabas na ang rehimeng GMA ang pinaka garapal,kaliwa't kanan ang pagtatanggol ng kanyang mga abugado sa kanyang pinakitang paggasta ng halos 1M sa pagkain ng kanyang mga delegado,sa kabila na ang bayan ang nagugutom,lumalabas din sa pagsusuri ng PCIJ ang mga tagong yaman ng mga arroyo, sa bawat,buwean,linggo,araw at segundong pananatili ni arroyo sa estado poder,lalong dadami ang magugutom,dadami ang madudukot,dadami ang mapapaslang..kung kaya't wag ng antayin pang bumaba sa pwesto ang huwae na pinuno...mabuhay ang KMU!!!! mabuhay ang mamamayang nakikibaka!!!

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments