Photo Exhibit hinggil sa buhay at pakikibaka ni Ka Bel, matutunghayan na
Error
Related posts
- Dagdag sahod, tigil tanggalan, panlipunang pagbabago- panawagan ng kababaihang manggagawa ngayong Araw ng Kababaihan
- "Isang Araw para kay Nicole, Isang Araw para sa Katarungan at Soberanya ng Bansa", iginiit ng KMU
- Sa paggunita sa ika-22taon ng Mendiola Massacre: Wala pa ring tigil ang pag-massacre sa mga magsasaka’t manggagawa – KMU
- Dagdag sahod, patuloy na igigiit ng mga manggagawa sa kabila ng pag-urong sulong ng Kongreso
- Sa ika-74 Kaarawan ni Cong. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran
Tanggalan, ChaCha, CARP extension, pambabastos sa kababaihan, tiyak na lalabanan ni Ka Bel kung nabubuhay pa – KMU
Sa patuloy na paggunita sa ika-isang taong anibersaryo ng pagpanaw ni Crispin “Ka Bel” Beltran, matutunghayan ang mga natatanging larawan ng kanyang buhay at pakikibaka sa isang Photo Exhibit na pormal na binuksan kahapon sa Mehan Garden, Manila.
Nagkaroon ng maikling programa at ribbon-cutting kaninang umaga para sa Photo Exhibit na mabibisita mula Lunes hanggang Huwebes sa Mehan Garden, alas-10n.u. hanggang alas-5n.h. Sa pangunguna ito ng KMU women’s department at Kilusang Manggagawa ng Kababaihan (KMK).
“Kahit hindi na natin pisikal na kasama si Ka Bel, buhay na buhay ang kanyang mga dakilang halimbawa ng pinakatapat na paglilingkod sa bayan at pinakamasigasig na pakikipaglaban para sa karapatan ng maralita,” ani Nenita Gonzaga, KMU Vice President for Women.
“Tiyak na hinding-hindi pahihintulutan ni Ka Bel ang ginagawa ngayong higit na pambubusabos sa manggagawa sa pamamagitan ng di-makatarungang tanggalan at panggigipit sa sahod at benepisyo.
“Noong nabubuhay pa si Ka Bel, hindi pa umaamin ang US noon sa krisis pampinansiyang kinalulugmukan nito, ngunit malubha na ang panggigipit sa mga manggagawa. At ngayong ginagamit ng gubyerno at mga kapitalista ang krisis para lalo pang pagsamantalahan ang mga manggagawa, higit na dapat buhayin ang mga labang pinangunahan rin ni Ka Bel para sa dagdag-sahod, pagbasura sa kontraktwalisasyon at flexible labor, at seguridad sa trabaho,” ani Gonzaga.
“Kung buhay si Ka bel ngayon, isa rin siya sa mangunguna sa Kongreso para sa pagbabasura sa planong ChaCha na bukod sa magpapahaba ng termino ni Arroyo ay lalo pang magpapahintulot sa mga dayuhang kapitalitsa na manghimasok at makapagsamantala sa mga manggagawa at likas-yaman ng bansa.
“Tiyak ding hindi niya palalampasin ang marahas na pagbuwag sa piket ng mga magsasakang nanawagan para sa GARB sa compound mismo ng Kongreso noong nakaraang linggo. Panig sa interes ng gubyerno at panginoong maylupa ang CARP extension, kaya hinding-hindi nila binibigyang puwang sa diskusyon ang GARB, na siyang mariin ding inilaban ni Ka Bel noon,” dagdag ni Gonzaga.
“Pati pang-aabuso sa kababaihan, panloloko at pambababoy sa kapwa, mga usaping tumingkad ngayon dahil ikinalat na sex videos, ay tiyak na lalabanan din ni Ka Bel. Kilala siyang mabait at marespeto sa kapwa kahit kanino mo pa itanong, at naging takbuhan din siya ng maraming inaabuso” ayon pa kay Gonzaga. ###
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 6 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed