Skip to main content

Dagdag sahod at huwag eleksyon ang atupagin ng mga mamababatas ngayong bakasyon – KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filez3UnAI could not be copied.

Mga manggagawa nagpiket sa bahay ng Congress Labor Committee Chair

Nagpiket ang mga manggagawa sa bahay ni House Committee on Labor Chair Magtanggol Gunigundo ngayong umaga upang igiit sa kanya ang kagyat na pagpapatawag ng sesyon para talakayin ang P125 wage hike bill.

Ibinunga ng mga nakaraang pagra-rali sa bahay ni Gunigundo ang kauna-unahang pagpapatawag niya ng hearing ng House Committee on Labor na nagsalang sa P125 bill noong Setyembre ng nakaraang taon. Subalit ang hearing na iyon sa P125 bill ay hindi na nasundan pa.

Mahigit isang buwang naka-break ang sesyon ng Kongreso mula noong Marso 7 hanggang sa darating na Abril 12.

“Sana’y huwag ang mga politikal na ambisyon nila ang asikasuhin ng mga mababatas ngayong bakasyon ng Kongreso. Mag-special session sila para P125 bill na siyang nararapat na tugon sa interes ng kanilang mga kinakatawan,” ani Leandro Gerodias, Presidente ng Alliance of Democratic Labor Organization-KMU, isang pederasyon sa ilalim ng KMU.

“Lubos na karapat-dapat tamasahin ng mga manggagawa ngayon ang makabuluhang dagdag na sahod sa harap ng tumitinding krisis pang-ekonomiya. Huwag nila kaming isubsob sa dalawang opsyon lang: ang matanggal sa trabaho o ang mabawasan ng sahod at iba pang karapatan. Sa gitna ng krisis na silang mga kapitalista rin ang may gawa, manggagawa na naman ba ang magpapasan ng hirap?”

Binanggit ni Gerodias na sa gitna ng krisis, kumikita pa nga ang mga malalaking kumpanyang laging nag-iingay para sa pagbabawas ng sahod para maiwasan umano ang tanggalan. Halimbawa, sa mga dambuhalang kumpanya kung saan may unyon ang KMU: ang San Miguel Corporation ay kumita ng P20.9 bilyon para unang three quarters ng nakaraang taon, na mas mataas ng 200% kaysa parehong period sa nakaraang taon nito; ang PLDT ay nag-ulat ng netong kita noong nakaraang taon ng P27.8 bilyon, na 5% mas mataas kaysa kitya nito noong 2007; at ang SM Prime Holdings ay nagtala rin ng kitang P4.93 bilyon.

“Aantayin pa ba ng mga mambabatas na piketan naming ang bawat bahay nila araw-araw para gumawa sila ng aksyon pabor sa pagsusulong ng makabuluhang dagdag sahod?” hamon ni Gerodias.

Pinangunahan din ang piket sa bahay ni Gunigundo ng mga manggagawa ng Valenzuela, kung saan siya nahalal, sa ilalim ng LAWIN-Valenzuela (Labor Alliance for Wage Increase Now – Valenzuela). ###

Reference Person: 
Leandro Gerodias, President, Alliance of Democratic Labor Organization-KMU
Contact information: 
0905-746-8876

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments