Skip to main content

Mensahe ng Pakikiisa para sa Kilusang Mayo Uno

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileG7H2qc could not be copied.
2007/04/16 - 2:57pm

Ang GABRIELA ay lubos na nakikiisa sa Kilusang Mayo Uno sa pagdaraos nito ng ikasiyam na Pambansang Kongreso para sa pagpapatuloy ng militante, progresibo at makabayang unyonismo sa hanay ng uring anakpawis. Mabuhay ang KMU sa pagtataguyod nito ng mga demokratikong karapatan ng pinakamalaking bilang ng mga manggagawa!

Kami mula sa hanay ng kababaihan – mga ina, magsasaka, estudyante, propesyunal at kapwa ninyo manggagawa – ay naniniwalang ang KMU ay ibayo pang susulong sa larangan ng pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga manggagawa, pagmumulat sa kanila at pagpapakilos hanggang sila ay maging tunay na hukbong magpapalaya ng sambayanan.

Ang temang “Palakasin ang hanay: Labanan at biguin ang bumabangis na atake sa mangagagawa at mamamayan! Itakwil ang korap, papet at pasistang rehimeng US-Arroyo!” ay akmang pagsasalarawan ng makasaysayang pag-iral ng KMU at mga haharapin pa nito sa pagpapatuloy ng pakikibaka para sa kagalingan ng mga obrero at iba pang pinagsasamantalahang grupo sa lipunan.

Binabati din namin ang KMU sa ambag nito sa kilusang kababaihan sa pamamagitan ng pag-oorganisa sa hanay ng kababaihang manggagawa. Bilang kalahati ng populasyon, may mapagpasyang papel ang kababaihang ito sa bawat pakikibaka na ating inilulunsad. Ang pagsulong ng pagpapakilos sa kababaihan sa hanay ng mga manggagawa ay pagsulong na din ng uring manggagawa sa kabuuan.

Kaugnay nito, aming ipinapaabot ang pasasalamat sa kahandaan ng KMU na makiisa sa hanay ng kababaihan at ng mas malawak na sambayanan para baguhin ang kasalukuyang mapagsamantalang lipunan.

Muli, isang taas-kamaong pagbati sa inyong Pambansang Kongreso. Aming ipinaaabot ang aming mainit na pakikiisa sa inyong pagtugon sa mga hamon ng pakikibaka para sa pambansang paglaya. Ang mga hamong ito ay tiyak na tutugunan ng bawat inaaping sektor para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

 

GABRIELA


Babae, OFWs, Bata at Bayan...
Tuloy ang Laban!

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments