Mensahe mula kay KMU Chairperson Emeritus Crispin "Ka Bel" Beltran
Error
Related posts
- Cong. Manny Pacquiao's speech of support for the significant wage hike during the June 14 KMU-Anakpawis press conference
- Mensahe ng Pakikiisa para sa Kilusang Mayo Uno
- Muelmar Magallanes: Bayaning Manggagawa
- MENSAHE SA IKA-9 NA PAMBANSANG KONGRESO NG KILUSANG MAYO UNO
- Ka Bel: Mandirigma para sa Tunay na Pagbabago
Ang aking pinakamainit na pagbati at pakikiisa sa lahat ng opisyales, miyembro at taga-suporta ng Kilusang Mayo Uno!
Buong puso at diwa akong nagpapaabot ng 'congratulations' sa ating pinakamamahal na Sentrong Unyon, ang tagapamandila ng Tunay, Palaban at Makabayang Unyunismo sa Pilipinas.
Sa pagtataguyod ng ika-9 na konggreso ng KMU, hangad ko ang hindi matatawarang tagumpay nito sa lahat ng aspeto ng Gawain at pakikibaka.
Sariwa pa sa akin ang mga layuning nagtulak sa mga dakilang unyunista kagaya ni Ka Bert Olalia na nagtayo sa KMU.
Isang mahaba at maningning na kasaysayan ng paglaban ng uring manggagawang Pilipino ang dapat nating balik-tanawan upang mabakas ang mga layuning ito, ngunit sa pangunahin, ito ay ang itaguyod ang pang-ekonomiya at pampulitikang interes ng mga mangaggawa upang magawa nilang pamunuan ang pakikibaka ng sambayanan para sa tunay na demokrasya at kalayaan ng mamamayang Pilipino.
Mga kasama, mga ka-unyunista! Kailangang palakasin natin ang ating suporta sa KMU at sa kanyang mga nilulunsad na gawain at kampanya!
Palakasin at patibayin natin ang ating mga unyon at pederasyon, at hikayatin ang pinakamalaking bilang ng mga manggagawa na mag-unyon at sumapi sa ating samahan. Balikan natin ang mga saligang aralin sa pag-abot, pag-himok, pag-organisa at pagpakakakilos sa ating mga kamanggagawa.
Kailangang makita muli ang pagdaluyong ng daan-daan, libo-libo hanggang daan-daang libong manggagawa na naggigiit para sa kanilang kagalingan, at handing magtanggol sa kanilang sahod, trabaho at karapatan. Kailangang angkinin ng uring manggawang Pilipino ang kanyang makasaysayang tungkulin na pamunuan ang laban ng mamamayan laban sa mga nang-aapi at nagsasamantala.
Hwag tayong maging kampante sa ating mga bilang, dapat ay maging mayoryang pwersa ang KMU sa hanay ng mga organisado at hindi organisadong manggagawang Pilipino. Itaguyod natin ang bandila ng KMU sa mga paggawan, empresa, engklabo at linyang pang-industriya. Itatak natin ang KMU sa isip at damdamin ng sinumang manggagawa na nais palayain ang sarili mula sa tanikala ng kahirapan at pagwawalang-bahala.
Akin ding patuloy na nilalapit sa inyo ang aking kalagayan. Isang taong mahigit na akong nakapiit, at alam ninyong tanging kayo at ang kilusang masa ang aking maasahan upang makalaya. Sana'y hindi kayo magsawa na suportahan ang kampanya para sa aking pagpapalaya, at ang pagsuporta sa ating partidong Lakas ng Masa, ang Anakpawis Party-List.
Tayong lahat ay magtulungan at magpakilos ng pinakamalaking bilang ng manggagawa at maralita upang maiigit ang aking kalayaan, at upang muling dalhin ang Anakpawis sa tagumpay sa halalan sa Mayo. Kailangang mapalakas natin ang tinig ng manggagawa at anakpawis sa konggreso, at ilantad ang katiwaliang ginagawa laban sa mamamayan, at ang pagbalewala sa kanilang kagalingan ng mga korap at halang ang kaluluwang pulitiko.
Ito lamang mga Kasama at mabuhay kayo! Mabuhay ang Kilusang Mayo Uno! Mabuhay ang uring manggagawang Pilipino!Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 10 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 14 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 19 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 19 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 11 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 hour ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 11 hours ago
Most discussed