Manggagawa at mga negosyante, nagkakaisang hindi nila nararamdaman ang pag-unlad ng ekonomiya na ipinagyayabang ng gobyerno
Error
Related posts
- Moratoryum sa dagdag sahod, mas magpapahirap pa sa manggagawang binibiktima na ng krisis - KMU
- KMU binatikos ang pagkakahirang ni dating Labor Sec Art Brion bilang ika-15 Supreme Court justice
- KMU, nanawagan kay Don Fernando Zobel de Ayala at iba pang malalaking negosyante na talikuran na si PGMA
- Malawakang kagutuman at kaguluhan patungong riots, pinangangambahan ng KMU
- ECOP, AmCham: sinungaling, ganid sa tubo –KMU
ECOP vice president umangal
SINEGUNDAHAN ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagtingin ng isang mataas na upisyal ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na hindi nararamdaman ng mga negosyante ang pag-unlad ng ekonomiya sa bansa.
Sa isang panayam sa radyo kaninang umaga, inihayag ni ECOP vice president Aniano Bagabaldo na ” “Ang aming nararamdaman ay nahihirapan ang mga negosyante to survive," nang tanungin siya kung nararamdaman ang 7.3 percent na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2007.
Ipinaliwanag ni Bagabaldo na ang mataas na gastos para magnegosyo, limitadong access sa pautang at mahal na singil sa enerhiya sa bansa ang dahilan kung bakit sila nahihirapang magnegosyo sa bansa.
Ayon kay Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU, na kung ang mga negosyante ay hindi nakakaramdan ng pag-unlad ng ekonomiya mas lalo na ang mga manggagawang Pilipino na nahihirapang makabili ng sapat na bigas at pagkain para sa hapag-kainan ng kani-kanilang pamilya.
“ Kung ang mga negosyante ay umaangal na dumaranas sila ng kahirapan at hindi nila nararamdaman ang ipinagyayabang na pag-unlad ng ekonomiya sa bansa ng gubyernong Macapagal-Arroyo, kami pa kayang mga manggagawa na hindi na sumasapat ang sweldo, nakakaranas ng maraming tanggalan ng trabaho at sumasakit ang ulo kung paano pa bibilhin ang mataas na presyo ng bigas at pangunahing bilihin? Isama pa dito ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, kuryente, tubig at iba pang serbisyo,” sabi ni Suyat.
Idinagdag din ni Suyat na maging ang bagong survey ng Pulse Asia na nagsasabing 66% ng mga respondents o 2 sa 3 Pilipino ang nagpapahayag na mas mahirap ang kanilang buhay kumpara noong 2005.
Inirehistro rin ni Suyat na nakikisimpatya sila sa mga negosyante na nagrereklamo sa mataas na gasto sa pagnenegosyo sa bansa.
“Noon pa man ay naniniwala na kami na natatalo ang mga negosyo ng mga Pilipino kumpara sa mga negosyanteng dayuhan lalo na ang mga multinational corporations. Patakaran na kasi ng gubyernong Arroyo na mas magbigay ng pribileheyo sa mga dayuhang kapitalista tulad ng pagbawas o halos walang buwis o taripa sa kanilang mga negosyo, mas malaking oportunidad upang makautang ng malaking halaga ng pera sa mga bangko na may maliit lamang na interes, tax holiday at iba pa. Sa kabilang banda, walang ganitong pribileheyo para sa mga maliliit at katamtamang laki na mga negosyong halos karamihan ay pagmamay-ari ng mga Pilipino,” paliwanag ni Suyat.
Sinabi rin ni Suyat na mismong sa bibig ni Bagabaldo malalaman na ang talagang inirereklamo ng mga negosyante o kapitalista ay ang mataas na gastos na pagnenegosyo sa Pilipinas at hindi ang mataas na labor cost o gastos sa paggawa, kabilang na ang sweldo sa mga obrero.
“ Halos wala pang 10% ng kabuuang gastos ng mga kapitalista ang nagagamit nila sa sweldo ng mga manggagawa. Ang lagi at lagi nilang inirereklamo ay ang mataas na singil sa kuryente at tubig, korupsyon at redtape sa mga ahensiya ng gubyerno at hindi ligtas na pagnenegosyo dahil sa maraming bilang ng patayan, kidnapping at iba pa. Kaya’t tama lamang na sa panahong may krisis ay humingi kami ng dagdad sahod at panawagang maibaba ang mga presyo ng mga bilihin. Tama lamang din na mabawasan ang gastos ng mga kapitalista sa pagnenegosyo at mawakasan na ang korupsyon at red tape sa pamahalaan at matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad,” pagwawakas ni Suyat.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 10 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 14 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 19 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 19 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 11 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 hour ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 11 hours ago
Most discussed