Malawakang kagutuman at kaguluhan patungong riots, pinangangambahan ng KMU
Error
Related posts
- PGMA hinamong gawing priority bill ang P125 dagdag-sahod at pagtatanggal sa VAT sa mga produktong petrolyo sa gitna ng krisis sa
- Political will ang kailangang ipakita ng gubyernong ARROYO upang matigil and sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis - KMU
- Gubyernong Macapagal-Arroyo ang dapat sisihin sa lalong pagdami ng tanggalan ng trabaho - KMU
- Juan, nasa ‘hungerland’ dahil sa kawalang-trabaho, bagsak na agrikultura – KMU
- Kakayahang bumili ng Pinoy, nabawasan ng sangkatlo sa ilalim ni Gloria
Fatal combinations ng kakulangan sa suplay ng bigas at pagtaas ng presyo nito, pagisirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin, pagtaas ng kawalang trabaho at mababang sahod, lilikha ng malawakang kaguluhan patungong riots
“ FATAL combinations o napakadelikadong mga kombinasyon ang pagtaas ng presyo ng bigas, tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng pangunahing mga bilihin pati na ang mga delatang pagkain, paglaki ng unemployment o kawalang trabaho ayon sa National Statitistics Office at ang kakulangan sa suplay na bigas na pilit na itinatanggi ng gubyernong Arroyo ang lilikha ng malawakang kaguluhan na maaaring tumungo sa riots sa iba’t ibang panig ng bansa kung hindi ito mahaharap at masosolusyunan sa kagyat ng pamahalaang Arroyo.”
Ito ang ipinahayag ni Prestoline Suyat, Spokesman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong araw sa anawsment ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon na “medyo tataas ang presyo ng bigas” at ang paglabas ng pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) nitong nakaraang mga araw na aabot na sa 9 na milyon Pilipino ang unemployed at underemployed sa bansa o pagtaas sa 7.4 % na uemployment rate nitong Enero 2008 kumpara sa 6.3% noong Oktubre ng nakaraang taon. Samantala, kahit itinatanggi ng gubyernong Arroyo na may kakulangan sa suplay ng bigas, ipinahayag ng NFA nitong Martes na bumili ito ng 335,500 tonelada ng bigas na nagkakahalaga ng $237.5 million upang sagutin ang kakapusan sa produksyon nito sa loob ng bansa. Manggagaling ito sa mga bansang Vietnam, Thailand at Pakistan.
“ Nalaman namin maging sa balita ng media na sa Albay, nakahaba ng pila ang tinitiis ng ating mga kababayan upang makabili lamang ng NFA rice dahil iyon ang mura. Pero dahil sa kakulangan ng bigas sa bansa, tatlong kilo lamang ang pwedeng mabili ng bawat tao doon at nilalagyan pa sila ng indelible ink para hindi na sila makaulit. Maaaring nangyayari ito sa iba pang panig ng bansa o mas malubha pa. Nakakatakot lamang na dahil wala ring pera ang mga Pilipino dahil sa mababang sahod o kawalan ng trabaho, lilikha ito ng kaguluhan na maaaring tumungo sa mga riots sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa kagutuman at kahirapan,” sabi ni Suyat.
Inirehistro ni Suyat na hindi lamang hamon kay Department of Agriculture Secretary Arthur Yap ang pagsasabi ng totoo sa tunay na kalagayan ng suplay ng bigas kundi maging kay Labor acting secretary Marianito Roque upang asikasuhin ang kagyat na pagtataas ng sahod ng mga manggagawa. Iginiit ng lider-manggagawa na suportahan at itulak na maipasa sa kagyat ni Roque ang P125 dagdag na sahod across-the-board at across-the-country na panukalang batas sa Kongreso upang maibsan ang kahirapan ng mga obrero sa bansa.
“ Hindi lamang dapat magkasya si Sec. Yap sa pagsasabing kailangang magtipid sa konsumo ng bigas ang mga Pilipino at magtipid dahil noon pa man nagtitipid ang mga manggagawang Pilipino, katulad ng iba pa nating kababayan. Noodles na nga ang naging pangunahing staple food ngayon ng mga Pinoy. Nagkakamali din siya sa pagsasabing sa kanilang monitor ay hindi naman tumataas ang presyo ng mga bilihin sa mga palengke. Isang malaking hamon din kay acting Labor Secretary Marianito Roque na dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng bigas at mga pangunahing bilihin, kailangan na niyang itulak ang kagyat na pagtataas ng sahod ng mga obrero,” paliwanag ni Suyat.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 10 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 14 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 19 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 19 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 11 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 hour ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 11 hours ago
Most discussed