Skip to main content

Sa mabagal na ebakwasyon sa mga OFWs mula sa Lebanon, marami pang OFWs ang posibleng masawi!

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filenazTHS could not be copied.
2006/08/05 - 4:48pm

Nangangamba ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na masusundan pa ang mga Pilipinang magiging biktima ng gera sa Lebanon dahil sa kabagalan ng ebakwasyon sa mga OFWs.

"Kung talagang galit siya sa pagkasawi nina Mary Jane Pangilinan at Michelle Tomagan, dapat na hindi puro ito salita. Dapat na bilisan ang paglikas sa mga Pilipino doon at dapat din niyang proteksyunan ang mga OFWs hindi lamang sa Lebanon kundi sa iba pang panig ng mundo," birada ni Nitz Gonzaga, Kalihim sa Departamento ng Kabababaihang Manggagawa ng KMU.

Sa isang porum noong Biyernes, nagpahayag ng pagkadismaya ang pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkamatay ng dalawang Pilipina habang tumatakas sa kanilang amo sa Lebanon.

Binanggit ni Gonzaga ang datos na may 1,000 kaso ng pang-aabuso sa mga OFWs na naitala ng grupong Migrante International noong nakaraang taon pa lamang. Kasama sa mga kasong ito ay illegal recruitment, breach of contract, over-charging, hindi pagbabayad ng sahod, illegal dismissal, pambubugbog, rape at di naresolbang pagkamatay. Sa pag-aaral, tatlo hanggang lima sa 10 OFWs ang nakakaranas ng sekswal na pang-aabuso at aabot sa 90% sa mga biktima nito ay mga kababaihan.

"Habang ipinaparada ng gobyernong Arroyo na tagapagligtas ng ekonomiya ang mga 'bayaning' OFWs, inutil naman ito sa paglikas sa mga ito mula sa iba't ibang porma ng kapahamakan sa ibayong-dagat!" galit na pahayag ng batikang lider-kababaihan-manggagawa.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments