Lider-unyon na pinaslang sa Cavite, ika-74 sa ilalim ng gobyernong Arroyo
2006/12/11 - 12:59pm
Related posts
- Murdered union leader in Cavite, 74th unionists killed under Arroyo regime
- Pagtambang sa lider ng Partido Manggagawa kinondena ng KMU
- Kaanak ng mga manggagawang napatay: Gobyernong Arroyo ang maysala
- Sa harap ng foul play sa pagkamatay ng organisador,Giit ng KMU sa ILO:Pangalanan si Arroyo bilang maysala sa panunupil sa obrero
- KMU VP for Southern Mindanao, tinangkang paslangin ngayong umaga
Mariing kinondena ng militanteng unyong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagkapaslang ngayong araw kay Jesus Beth Servida, lider-unyon ng Emi Yazaki factory, isang araw matapos ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.
Ayon sa ulat, binaril at napaslang si Servida sa harap mismo ng gate 2 ng Emi Yazaki factory banding 6:30 ng umaga. Nagtamo naman ng tama ang isa nitong kasama. Patungo sa trabaho ang biktima nang maganap ang insidente.
Ayon kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang-Kalihim ng KMU, “Si Servida ay ika-74 na biktima ng pamamaslang sa hanay ng kilusang paggawa sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Matatandan natin na nuong Abril 28, 2006, inambus at pinagbabaril nila SPO1 Romeo Lara at Larry Reyes si Gerardo “Jerry” Cristobal, dating presidente ng unyon ng EMI-Yazaki, kung saan ito malubhang nasugatan. Bilang pagtatangol sa sarili, nanlaban si Jerry at napatay niya si SPO1 Lara at nasugatan naman si Larry Reyes.”
Nuong nakaraang buwan lamang ay isang lider-manggagawa din ang pinaslang sa Timog-Katagalugan. Napatay nuong Nobyembre 21, 2006 si Andrew Iñoza, presidente ng unyong ng Alaska Corporation. Papasok din sa trabaho si Iñoza tulad ni Servida.
“Malinaw na tuloy-tuloy pa rin ang patakaran ng rehimen ni Arroyo na paslangin ang mga lider-manggagawa at mga aktibista kahit kaliwa’t kanan ang batikos ng iba’t ibang sektor dito sa ating bayan at maging sa ibayong dagat,” dagdag ni Maglunsod. Ayon kay Maglunsod, maging si Japanese Foreign Minister Taro Aso ay nagpaabot kay Arroyo ng babala na hindi makakakuha dagdag na ayuda kung hindi gaganda ang sitwasyon ng karapatang-pantao sa Pilipinas.
Binanggit ni Maglunsod na isa ito sa mga isyu na nagtutulak sa mga obrero na ubos-kayang labanan ang Charter Change ni Arroyo. “Sa planong Charter Change ni Arroyo nais niyang manatili sa poder ng kapangyarihan hanggang magpakailanman sa pamamagitan ng paglilipat ng sistema ng gobyerno patungong parliyamentaryo at aalisin nila ang term limits. Hangga’t nasa poder ang pasistang si Arroyo, magpapatuloy ang pagpaslang sa mga aktibista at lider-manggagawa,”
Ipinaabot din ng lider-obrero ang pakikiramay sa naulila ni Servida.

Add comment
Recent comments
- Oil overpricing seems to be
9 min 24 sec ago - Contractualization is a thing
9 min 42 sec ago - The corruption is really
37 min 3 sec ago - That is great news for them.
37 min 20 sec ago - The ex president has found a
1 hour 8 min ago - Let us face it, she is
1 hour 8 min ago - Yep, completely false prepper
18 hours 58 min ago - Are there updated stats?
19 hours 14 sec ago - Nurses should have been
19 hours 19 min ago - The janitors should not be
19 hours 19 min ago
Most discussed