Skip to main content

Lantay-militar na solusyon ni Gen. Esperon sa nagaganap na rebelyon sa bansa, mabibigo - KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileWAceVM could not be copied.
2008/01/28 - 3:20pm

Deklarasyong ”magiging madugo” ang apat na buwang extension sa kaniyang pwesto, kinondena

SINABI ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayon na lalong mabibigo ang gubyernong Macapagal-Arroyo sa counter-insurgency campaign nito sa deklarasyon ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon na magiging madugo ang 4 na buwang extension nito sa pwesto.

Ayon kay KMU Spokesperson Prestoline Suyat, na ilang beses nang napatunayan na hindi solusyong militar ang magpapawakas sa rebelyon na nagaganap sa bansa. “ Huwag na sanang gamitin ni AFP Chief of Staff Gen. Esperon ang extension sa kanyang pwesto upang dagdagan ang krimen nito sa mamamayang Pilipino lalo sa kanayunan. Sa gigil niyang lalong magpasikat kay PGMA, darami ang kaso ng extra-judicial killings, pagdukot, hamletting o pwersahang pagpapaalis sa mga barrio ng mga militar at iba pang pang-aabuso at paglabag sa mga karapatang pantao ng taumbayan. Dahil dito, mas darami ang mamamayan ang magsusulong ng armadong pakikibaka at sasapi sa New People’s Army (NPA). Tiyak ang kabiguan na lalasapin ni Gen. Esperon at pamahalaang Arroyo at ang kanilang mga sarili ang dapat lamang nilang sisihin,” sabi ni Suyat.

Inirehistro rin ni Suyat na dapat na lalong maging mapagbantay ngayon ang mga taong-simbahan lalo na ang mga grupong-relihiyoso na nanawagan na muling mabuksan ang usapang pangkapayaapan sa pagitan ng GRP (Goverrnment of the Republic of the Philippines at ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines).

Kamakailan, nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), National Council of Churches of the Philippines (NCCP) at iba pang malalaking grupo ng taong simbahan para sa muling pagbuhay ng peace talks.

“ Sa utak-pulburang mga pahayag ni Gen. Esperon, ipinapakita lamang na hindi seryoso ang gubyernong Macapagal-Arroyo na muling magpatuloy ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng GRP at NDFP. Sana’y ang mga taong-simbahan at lahat ng nagmamahal sa kapayapaan na nakabase sa katarungan ay magkondena sa deklarasyon ni Gen. Esperon at himukin ang mga sibilyang upisyal ng pamahalaan na pigilan ang lantay-militar na solusyong nais niya,” diin ni Suyat.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments