Skip to main content

KMU, nanawagan kay Don Fernando Zobel de Ayala at iba pang malalaking negosyante na talikuran na si PGMA

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileP7d30S could not be copied.
2007/10/21 - 2:39pm
NANAWAGAN ang militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) kay Don Fernando Zobel de Ayala at iba pang mga malalaking negosyante na sumama sa panawagan nang pagbibitiw kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na handang wasakin ang mga negosyo sa bansa mailigtas lamang ang sarili nito sa pampulitikang krisis na kinasasadlakan niya.


Ayon kay Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU, naniniwala ang militanteng sentrong unyon na ang gubyernong Arroyo sa pamamagitan ng mga mersenaryong mga sundalo nito ang nasa likod ng madugong pagbobomba sa Glorietta 2 sa Makati.


" Tumitining sa imbestigasyon ng pulis na ang ginamit sa pambobomba sa Glorietta 2 ay C-4 na klase ng bomba na ini-issue na lang sa mga militar. Malinaw din na si GMA at ang kanyang lumulubog na gobyerno ang makikinabang kung maidedeklara ang state of emergency o martial law dahil sa pambobomba. Nakapagngingitngit kung gayon na handang pumatay nang pumatay ang gobyernong ito maging ng napakaraming sibilyan para magsilbi sa mga baluktot na political agenda nito," sabi ni Suyat.


Sinabi din ni Suyat na dapat nang pag-isipang mabuti ni Don Fernando Zobel de Ayala at iba pang malalaking negosyante ang suporta nito kay PGMA, hindi lamang sa garapalang korapsyon na kinasasangkutan nito kundi ang kakayahan nitong isakripisyo ang mga negosyo upang manatiling lutang sa pulitika.


" Sana'y mabilis na mamulat sa katotohanan sila Don Fernando Zobel de Ayala at iba pang mga dambuhalang mga negosyante na nakahanda ang gobyerno na lalong matigmak ng inosenteng mga dugo ang kanilang kamay at mangwasak ng imprastraktura ng mga negosyo basta't maglingkod lang ito sa makitid na interes nila PGMA at kanyang mga kampon. Panahon na upang ihayag nila ang pag-aatras ng kanilang suporta at pagkilala sa gubyernong Arroyo. Mas maganda, kung makakasama rin sila ng sambayanan upang papanagutin ang gubyernong ito sa malalalang krimen nito sa bayan,' paghihimok ni Suyat.


Inirehistro rin ni Suyat na hindi dapat matakot kundi dapat pa ngang higit na kumilos at magkaisa ang iba't ibang sektor ng ating lipunan upang ihayag ang kolektibong galit nito sa gubyernong Arroyo at kaniyang mga berdugong alipores at singilin ito nang tuluyan.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments