Skip to main content

KMU kinondena ang tangkang pag-aresto sa Malacañang beat reporter

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file71ZC59 could not be copied.
2006/11/14 - 11:48am
Mia GonzalezNagpahayag ng pagkondena ang sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa tangkang pag-aresto sa reporter ng Business Mirror na si Mia Gonzalez sa mismong compound ng Malakanyang noong Lunes. Isa si Gonzales sa 43 mamamahayag na nahaharap sa kasong libelo na inihain ni
First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Ayon sa Tagapangulo ng KMU na si Elmer Labog, "Pinapatunayan lamang ng tangkang pag-aresto ng PNP sa reporter sa loob mismo ng Press Working Area ng Malacañang Press Corp ang garapalang panunupil sa kalayaan sa pamamahayag sa pamamagitan ng walang pakundangang pagkakaso ng libelo ng Unang Ginoo sa kanilang mga kritiko."

Nagpahayag din si Labog ng pakikiisa sa laban ng mga mamamahayag, "Katulad ng mga kapatid nating mamamahayag, dalawang uri ng atake ang nararanasan ng mga manggagawa at mamamayan – brutal at walang pakundangangn pamamaslang ng mga death squads at pagsasampa ng mga gawa-gawang asunto at kaso para paralisahin ang paglaban sa rehimen ni
Gloria Arroyo."

Isang araw bago ang tangkang pag-aresto kay Gonzales, isa sa mga kinasuhan ng libelo ng Unang Ginoo na si Ellen Tordesillas, kolumnista ng Malaya na kritiko ng Pangulo ang nakatanggap naman ng death threat sa pamamagitan ng email.

Sinuportahan din ng KMU ang panawagan ng mga mamamahayag sa dekriminilisasyon ng libelo, "Ginagamit lamang ito ng mga nasa kapangyarihan para busalan ang mga nagsasabi ng katotohanan."

Lokal na negosyo, dapat nang sumunod sa JFCC

Ayon pa kay Labog, kailangan pumusisyon ang mga lokal na negosyante laban sa mga pampulitikang pamamaslang matapos ng pagkondena rito ng Joint Foreign Chambers of Commerce (JFC). Ayon sa isang sulat ng JFC, dapat nang pigilan ng administrasyon ang pampulitikang pamamaslang kung ayaw nitong mawalan ng foreign aid at investments.

"Kung natatakot lumantad ang mga lokal na negosyante, huwag na lang nilang pondohan si Arroyo at mga kasapakat nito sa darating na eleksyon,"
pagtatapos ni Labog.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments