KMU handa sa bakbakan laban sa Con Ass
Error
2006/12/07 - 11:14am
Related posts
- "Lalong walang seguridad ang mga manggagawa sa batas-kontra terorismo"
- Pagbabago sa Batas Paggawa dapat pabor sa mga obrero at pambansang industriyalisasyon
- Con-ass, cha-cha express tigilan; Unahin ang mga biktima ng Superbagyong Reming
- Senado, babantayan ng mga obrero; desisyon sa P125 dagdag sahod, inaabangan
- Paparaming employers di pa rin nagbabayad ng minimum na sahod
Naghahanda na rin ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa sunod-sunod na protesta matapos na aprubahan ng Kamara de Representante ang resolusyon pabor sa constituent assembly (con-ass) para amyendahan ang Saligang Batas.
Ani Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU, "Kung akala nila ay basta-bastang lulunukin ng taumbayan ang niluluto nilang Cha-Cha ay nagkakamali sila. Sa gitna ng garapalang maniobra ng mayorya sa Konggreso na galamay ni Mrs. Arroyo para makatiyak sa pananatili at pagpapahaba pa nga ng termino ay makikita naman nila ang galit ng mayorya ng taumbayan na kontra sa Cha-cha sa gitna ng kagutuman, kahirapan at sunod-sunod na hagupit ng unos."
Sinabi pa ng lider-manggagawa, "Hahawanin din ng Cha-cha ang pagbabago sa Labor Code na nais ng Malakanyang na higit na magsilbi sa interes hindi ng mga masang obrero. Kapag nangyari ito, tuluyan nang matitibag ang itinakdang 8 oras lamang na paggawa sa isang araw, pagbabawal sa kontraktwalisasyon, pagtataguyod ng pagbubuo ng unyon at ng iba pang batayang karapatan ng mga manggagawa."
Nagpahayag din ng pasasalamat ang KMU sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at El Shaddai sa paninindigan ng mga ito kontra sa con-ass, "Sa katulad na panahon ng nagbabadyang pagkabaon sa mga natitirang karapatan ng manggagawa at taumbayang nakasaad sa konstitusyon ay kailangan ng pagkakaisa para ilantad ang makasariling mga interes ng mga nasa likod ng Cha-cha."
"Hinukay na ni Mrs. Arroyo, JDV at mga taga-suporta ng Cha-cha sa Konggreso ang kanilang libingan sa kangkungan ng kasaysayan," pagtatapos ni Labog.

Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 18 hours ago - The past employee who started
6 days 17 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 21 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom

1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 4 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 4 days ago
Most discussed