KMU binatikos ang pagkakahirang ni dating Labor Sec Art Brion bilang ika-15 Supreme Court justice
Error
Related posts
- Panahon na ang sermon naman ng mamamayan ang pakinggan ng mga bishops at kaparian - KMU
- ‘Diversionary tactic’ ng gubyernong Arroyo laban sa mga pasabog ni Jun Lozada, dapat bantayan ng taumbayan - KMU
- Ka Bel, ang Great Grand Old Man ng kilusang paggawa, pumanaw na
- 450 manggagawa at management ng Far East Garments nagkaisa at nagwalk-out sa trabaho kanina upang ipanawagang magresign si PGMA
- Mga manggagawa, nag-alsa laban sa mumo at nakapang-hahamak na umento sa sahod
“Yes-man” ng Malakanyang sa Korte Suprema; “ Tagapagtaguyod ng interes ng kapitalista”
BINATIKOS ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong araw ang pagkakahirang kay dating Labor Secretary Arturo Brion bilang bago o ika-15 Supreme Court justice kapalit ni retired justice Angelina Sandoval-Gutierrez. Nanumpa sa harap ni Chief Justice Reynato Puno si Brion ngayong araw o Lunes.
Ayon kay Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU, na ang pagkakahirang ni Brion bilang bagong Supreme Court justice ay pagtitiyak lamang ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na may “yes man” ito sa Supreme Court at susunod sa anumang naisin ng Malakanyang lalo na’t nahaharap ito sa pinakamatinding krisis pampulitikang kinakaharap nito sa ngayon.
“ Paniyak ni PGMA at Malakanyang si Arturo Brion sa Supreme Court upang bomoto lagi sa interes nito at maging isa sa mga mata at tenga nito sa pulso ng Korte Suprema sa mga kontrobersiyal na isyung isinasampa dito. Pinangangambahan din namin na ang SC justice Brion ay siya ring magtitiyak upang ang interes ng malalaking kapitalista lalo na ang mga dayuhang namumuhunan at negosyante na may paglabag sa paggawa o labor dispute na kinasasangkutan sa mga manggagawa ang mananaig o mangingibabaw, “ sabi ni Suyat.
Ayon din kay Suyat, ang pagkakapwesto kay Brion sa Korte Suprema ay magtitiyak din na ang mga pabor na desisyon ng Supreme Court sa mga manggagawa tulad ng mga kaso ng Nestle, Nissan at Toyota ay mababaligtad o hindi maitutulak ng kataas-taasang hukuman upang maipatupad.
“ Undersecretary pa lamang ng Labor Department si Brion ay madugo na ang rekord nito sa pagtutulak ng assumption of jurisdiction tulad ng nangyari sa Sulpicio Lines noong 2004. Sa kaniyang pamumuno rin bilang kalihim ng DOLE naganap ang mararahas na mga pagsalakay sa piketlayn ng mga manggagawa tulad ng sa Nestle, Toyota, Nissan, Hanjin at iba pa. Isang linggo pa lamang ang nakaraan nang maganap ang brutal na dispersal sa harap ng gusali ng DOLE kung saan 19 ang nasaktan, limang manggagawang ang hinuli nang hindi nila payagan ang mga manggagawa mula Southern Tagalog na mag-vigil upang sa gayo’y matiyak na magtakda ng dialogue si Brion sa mga manggagawa,” paliwanag ni Suyat.
Inirehistro rin ng lider-manggagawa na sa pamamalakad ni Brion din nakakuha ng mababang dagdag sahod ang mga manggagawa tulad noong nakaraang taon na makatanggap lamang ng P12.00 umento ang mga obrero sa NCR.
“ Kung hindi dagdag cost of living allowance (COLA) lamang na na hindi dumaragdag sa basic pay ng mga manggagawa, mumong pagtaas naman sa minimum ang natanggap lamang ng mga obrero sa ilalim ni Brion. Naging tagapagsalita pa ng malalaking negosyante si Brion nang siya mismo ay pomosisyon kontra at humarang sa panukalang batas na P125 across-the-board at across-the-country increase sa Kongreso. Nagkoro pa siya sa mga kasinungalingan na ipinalaganap ng mga ekonomistang dikit sa Malakanyang at tagapagsalita ng mga dambuhalang korporasyon na tataas ang implasyon, magaganap ang libo-libong tanggalan sa trabaho at pagsasara ng mga pagawaan kapag ibinigay ang P125 umento na nagyayari naman kahit na walang pagtataas ng sahod na nagaganap,” diin ni Suyat.
Idiniin din ni Suyat na mahigpit nilang babantayan ang magiging posisyon ni Brion sa mga deliberasyon ng Korte Suprema at pagboto niya sa mga maiinit na usapin, kabilang na ang tungkol sa isinampang petisyon para sa restraining order laban sa arrest order ng Senado ni CHED Secretary Romulo Neri sa Korte Suprema.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 9 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 14 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 19 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 19 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 11 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 hour ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 11 hours ago
Most discussed