Kilos-protesta sa NCR at sa buong bansa sisipa
Error
Related posts
- Sa ika-74 Kaarawan ni Cong. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran
- Puksain ang “Gloria Manananggal” ng “Buhay, Karapatan at Kabuhayan” ng Manggagawa at Mamamayan - KMU
- Pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon, tagumpay bago pa man ito naisagawa ngayong araw - KMU
- Umulan at umaraw, tuluy-tuloy ang protesta ng mga manggagawa at maralita sa pagpapatalsik kay GMA sa Malakanyang - KMU
- Sa pag-alingawngaw ng protesta sa Mayo Uno: Aksyunan ang panawagan ng obrero sa Day 1, hamon ng KMU sa susunod na pangulo
SINABI ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong umaga na maramihan at malawakang mga kilos protesta sa huling linggo ng Marso hanggang Mayo Uno ang isasagawa ng mga manggagawa hangga’t hindi pinapalaya si Rep. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran.
Ayon kay Elmer ‘Ka Bong’ Labog, Tagapangulo ng KMU, katatampukan ang mga protesta ng lunchbreak protests, noise barrages, walkouts at transport strike.
“ Ang patuloy na arbitraryong pagdedetine kay Ka Bel ay sagabal sa mabilis na pagpasa ng batas para sa P125 dagdag na sahod kada araw sa mga manggagawa sa pribadong sektor at P3,000 kada buwan naman sa mga kawani sa pamahalaan. Gutom na nga kami, dinadahas at pinapatay pa ang aming mga lider-manggagawa at ngayon ilegal na inaresto si Ka Bel at patuloy na walang katwirang idinitine. Masasaksihan nila ang galit ng mga obrero a ba pang maralita sa susunod na mga araw at linggo,” sabi ni Labog.
Inirehistro rin ni Labog na hindi dapat si Ka Bel ang nakakulong kundi ang walang konsensiyang si COMELEC Commissioner Virgirlio Garcillano na nanloloko sa taumbayan.
“ Isang malaking trahedya kung gayon na sa Mayo Uno, sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa ay nakakulong pa ang tinatawag na Grand Old Man ng Philippine Labor at KMU Chairman Emeritus na si Ka Bel. Maliban pasa kahilingan naming makabuluhang dagdag na sahod, iginigiit din naming ang pagpapalaya kay Ka Bel at pagtatanggol sa lahat ng ating mga kalayaang sibil,” diin ni Labog.
Biglaang pagpapatigil sa programang pang-manggagawa, kinondena
Kinondena naman ni Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU, ang biglaang pagpapatigil ng DZRJ management sa programang Buhay Manggagawa na naririnig sa nabanggit na istasyon sa ganap na 10:00-11:00 ng umaga tuwing Linggo.
Ayon kay Suyat, nakakalungkot at nakakabahala na isa na namang programang panradyo na kritikal sa gubyernong Macapagal-Arroyo ang pinatahimik habang nagpapatuloy din ang pagpatay at supresyon sa mga mamamahayag tulad ng sa Tribune, Newsbreak, Abante at iba pa.
” Nakapagngangalit na habang busabos ang mga manggagawa at pinapatay ang aming mga lider ay inalisan pa kami ng tinig sa radyo sa pamamagitan ng Buhay Manggagawa. Ano pang pang-aapi ang gagawin sa amin ng gubyernong ito? Sinasagad niya kami at hinahamon na itaas pang lalo ang antas ng aming paglaban. Kung gayon, tinatanggap namin ang hamon, dadagundong ang mga protesta sa susunod na mga linggo at buwan,” diin ni Suyat.
Noong 1999, nag-number 2 ang Buhay Manggagawa sa lahat ng weekly AM at FM programs sa Metro Manila. Noong 2005, kabilang ang Buhay Manggagawa sa pagiging number 2 ng dzRJ sa 6am to 12nn program slot sa Metro Manila.Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 9 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 14 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 19 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 19 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 11 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 hour ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 11 hours ago
Most discussed