Imbestigasyon sa masaker sa 6 na manggagawa, madaliin
Error
Related posts
- Tigil-pasada, aktibong lalahukan ng mga manggagawa
- US is more than guilty of participating in combat; US and Phil army connive to exploit Mindanao – KMU
- Workers to actively partake in transport strike
- Gunigundo promises hearing on P125 bill in August in response to workers’ picket at his house
- Pacquiao urged to donate portion of prize money to typhoon victims
Most discussed
Dapat na madaliin ang imbestigasyon sa pagkapaslang sa anim na manggagawa ng Ken Dragon Corp. sa Meycauyan, Bulacan ayon sa militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).
Natagpuan sa isang bakanteng lote ng isang subdibisyon sa Deparo, Caloocan City alas 7:05 ng umaga noong Linggo ang labi ng mga biktimang tadtad ng bala ng M-16 at 9mm. Nakilala ang mga biktimang sina Ramon Villanueva, Arthur Cardena, Jefferson Agapina at Jun Asuero habang ang dalawa pa ay di pa rin nakikilala hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pamamaslang bandang ala-una at alas-dos y medya ng madaling-araw ng Linggo.
"Palala nang palala ang kalagayan ng peace and order sa bansa lalo't ang mga salarin sa mga di matigil-tigil na pamamaslang sa mga aktibista at mamamahayag ay ang mga dapat na nagpapatupad ng batas," pahayag ni Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU.
Binigyang-pansin ng lider-manggagawa ang walang pakundangang paraan sa pagkapaslang sa anim na biktima, "Parang mga manok kung paslangin, wala na ba talagang halaga ang buhay ngayon lalo na ng mga mahihirap at ordinaryong tao?"
Nanawagan din ang KMU sa iba pang mga posibleng nakasaksi sa pangyayari na lumantad para mabigyan ng hustisya ang mga biktima at pamilya nito. Dapat din umanong bigyan ng sapat na proteksyon ang mga saksi.
Sinabi pa ni Labog na nagpapalakas ng loob sa mga salarin ang paggawa ng krimen gayong inutil ang kinauukulan sa pagresolba sa mga pampulitikang pamamaslang.
"Ang pagkabalam ng hustisya ay katulad ng pagkakait nito. Ganito ang nangyayari sa mga inaagiw na kaso ng mga pampulitikang pamamaslang katulad ng pagkapaslang noong isang taon sa aming National Council member na si Diosdado Fortuna, tagapangulo ng unyon sa Nestle, "pagtatapos pa ni Labog.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 11 hours ago - The past employee who started
6 days 10 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 14 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 4 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 4 days ago
#1 Sana Buhayin ninyo ang kaso
Sana Buhayin ninyo ang kaso na ito sino sa tinggin ninyo ang may gawa nito? sino ba ang mayari ng M-16 at 9mm sa tingin ninyo ba mga ordinaryo tao lang ang may ari ng ganitong mga baril,hindi, kundi mga pulis caloocan, na siya ang grupo pumatay sa mga 3 kabataan age 17 20 21 kung hindi tayo magtutulungan kawawa naman ang bayan natin, pinapatay ang mga tao walang kasalanan