Sa ika-76 kaarawan ni Ka Bel: Mga halimbawa niya ang kailangang ipaglaban sa gitna ng talamak na katiwalian sa pamahalaan - KMU
Error
Pinagpugayan ng Kilusang Mayo Uno ang yumaong lider-manggagawa, mamababatas para sa maralita, at “makabagong Andres Bonifacio” na si Crispin ‘Ka Bel’ Beltran sa kanyang ika-76 na kaarawan ngayon.
“Buhay na buhay pa rin ang mga alalaala, adhikain, at laban ni Ka Bel na walang ibang hangad kundi ang katarungan at kagalingan para sa mga mangagagawa at maralita,” ani Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.
Nagmarka ang pagkamatay ni Ka Bel noong Mayo 20 ng nakaraang taon matapos mahulog sa bubong ng kanilang bahay na siya mismo ang nagkukumpuni. Nagitla ang marami nang malamang may Kongresista pa palang gumagampan ng maruruming gawaing-bahay.
“Tunay na ehemplo ang katapatan ni Ka Bel – kinukutya ng alaala niya ang mga tiwaling upisyales na walang pakundangan sa pangungurakot at panunuhol, tulad ng nalalantad ngayon kina DOJ Sec. Gonzales, Gloria Arroyo at mga alipores nila.”
Tampok ding katangian ni Ka Bel ang pagiging mapagkumbaba na lalong nagpalapit sa kanya sa masa. “Kahihiya-hiya ang mga nalalantad na kahambugan at pagmamalupit ng mga tulad nina DAR Sec. Pangandaman kung aalalahanin si Ka Bel,” dagdag ni Labog.
“Kitang-kita natin kung gaano ka-walang hiya ang mga naglilingkod dapat sa atin sa pamahalaan. Kaya lalo tayong dapat lumaban at kumilos para ang mga kagawiang tulad ng kay Ka Bel ang manaig sa sistema ng ating lipunan.”
(Mababasa ang profile ni Ka Bel sa KMU website: http://www.kilusangmayouno.org/node/864, at http://www.kilusangmayouno.org/profile-rep-crispin-beltran)
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 35 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 5 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed