Skip to main content

Sa ika-74 Kaarawan ni Cong. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileqxITdy could not be copied.
2007/01/07 - 2:47pm

MARAMI PANG TAON NA PAGLILINGKOD SA MASANG ANAKPAWIS AT SAMBAYANG PILIPINO, HILING NG MGA MANGGAGAWA

NAGHANDOG ng malaking birthday card ang Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong umaga sa Philippine Heart Center kay Anakpawis Partylist Rep. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran na humihiling ng dagdag pang mga taon ng paglilingkod sa masang anakpawis.

Ayon kay Elmer ‘Bong’ Labog, Tagapangulo ng KMU, na dapat pagpugayan ang KMU Chairman Emeritus na kahit na sa dami nang narasanan niyang panunupil at panggigipit sa mga nakaraang gobyerno at sa ilalim ng gubyernong Macapagal-Arroyo ngayon, patuloy ang pagiging matatag at maprinsipyo ito ngayong 74 taon na siya.

“ Nagpupugay kami kay Ka Bel sa kaniyang walang pag-iimbot na paglilingkod at pagsasakripisyo para sa mga manggagawa at sa buong uring anakpawis. Sana’y madagdagan pa ng maraming taon ang kaniyang paglilingkod sa masang anakpawis at sa sambayanang Pilipino,” sabi ni Labog.

Inirehistro rin ni Labog na dapat lamang na kaagad na palayain si Ka Bel dahil kailangang-kailangan siya ng mga manggagawa lalo na’t naipasa na sa Kongreso ang P125 bill na kaniyang pinagpaguran magmula nang maupo siya roon bilang progresibong congressman.

“ Liban pa na siya’y ilegal na idinitine ng gubyernong Arroyo kaya’t dapat na siyang lumaya, kailangan namin si Ka Bel para itulak sa Senado ang pagpasa ng P125 dagdag na sahod across-the-board. Tiyak din naming kaisa namin siya laban sa triple whammies na nagpapahirap sa taumbayan dulot ng pagtataas ng singil sa kuryente, singil sa tubig at sa presyo ng LPG na regalo ng gubyernong Arroyo ngayong unang linggo ng Enero,” diin ni Labog.

Ipinanawagan din ng lider-manggagawa na liban pa sa panawagan na magkaisa ang lahat ng manggagawa sa P125 dagdag na sahod, kailangan na ring magkaisa ang lahat ng obrero para sa kagyat na pagpapalaya kay Ka Bel.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments