Skip to main content

Sa pagpaslang kay Bishop Ramento, Human rights watchdogs mula Europa dapat nang bumisita!

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileCtnXyB could not be copied.
2006/10/04 - 9:22pm
Bishop Alberto RamentoDapat nang ituloy ang European mission na magsisiyasat sa kalagayan ng paglabag sa karapatang tao sa bansa ayon sa militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos sa brutal na pagpaslang kay Bishop Alberto Ramento sa loob mismo ng kanyang kumbento sa Capas, Tarlac.

Kinondena ng KMU ang pagkapaslang sa obispo na kilala sa pagiging tagasuporta ng mga nagwelgang mga manggagawa at manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita noong 2004. Lantaran rin ang naging pagsasalita ng obispo laban sa mga extrajudicial killing.  Si Ramento ay tagapangulo ng Supreme Council of Bishops of the Philippine Independent Church. Ang pagkapaslang kay Ramento ay naganap isang araw matapos na matagpuan sa Caloocan ang labi ng anim na minasaker na manggagawa mula sa isang kumpanya sa Meycauyan, Bulacan.

"Ang biktima ng walang pakundangang pamamaslang sa ilalim ng rehimeng ito ay ang maliliit na tao, mga manggagawa, magsasaka at iba pang sector na nakikikipaglaban at sumusuporta para sa mga batayang karapatan," ani Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU.

Ani Labog, dapat na ituloy na ang European mission para magkaroon ng malakas na presyur mula sa internasyunal komunidad na maglalantad ng tunay na kalagayan ng karapatang tao sa bansa. Maaalalang nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang France at Finland sa mga pamamaslang bago pa man bumisita ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Europa.

Iba pang bansa hinikayat na magpahayag ng pagkondena

Hinikayat din ni Labog ang iba pang bansa na nagpapahalaga sa buhay at mga karapatan na maglabas ng pahayag ng pagkondena laban sa mga pampulitikang pamamaslang, "Ang lahat ng benyu para maiparinig ang pagkondena ng bawat mamamayan na nagpapahalaga sa buhay at mga karapatan."

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments