Skip to main content

Garapalang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan nina PGMA at Unang Pamilya ang lumilikha ng alarma at eskandalo sa bansa

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filexe4yKJ could not be copied.
2008/03/04 - 3:14pm

 Pagkakaso sa mga tinaguriang “hecklers” ni PGMA ng “alarm and scandal” 

Binatikos ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pulisya, Presidential Security Group (PSG) at Malakanyang sa pagdedeklarang kakasuhan nila ang 9 na miyermbro ng KMU, Anakbayan at Bayan Muna ng “alarm and scandal’ ang mga “nagheckle” o “nangantiyaw” kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Calamba, Laguna kahapon. 

Sinabi ni Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU, ang ginagawang garapalang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ni PGMA at ng Unang Pamilya ang mas lumilikha ng “alarm and scandal” sa sambayanang Pilipino at sa buong mundo. 

“ Walang moral na awtoridad ang PNP, PSG at Malakanyang na kasuhan ng alarm and scandal ang nangheckle kay PGMA kahapon sa Calamba, Laguna dahil higit na nagdudulot ng alarma at eskandalo ang ginagawa ng kanilang mga amo sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, pambabastos sa katotohanan, pamamaslang ng mga inosente at iba pang krimeng hindi dapat palagpasin ng mga naninindigan sa katuwiran at katarungan. Ang totoo, dapat pa ngang kasuhan ng mga sinasabing nangheckle o nangantiyaw kay PGMA ang mga miyembro ng PSG at pulis na nambugbog at nanakit sa kanila nang arestuhin sila kahapon. 

Inirehistro ni Suyat na sa lala ng pampulitikang krisis na kinasasadlakan ng gubyernong Arroyo, mas dapat pang lawakan ang pasensiya at ayusin ang pakikitungo ng pwersa ng pamahalaan sa mga demonstrador. 

“ Ang armas lamang ng mga demonstrador maliban pasa mga istrimer, plackards at iba pang porma ng propapaganda at pagpapaliwanag ay ang kanilang tinig o boses. Hindi dapat sagkaan ng gubyernong Arroyo ang karapatan ng mamamayang Pilipino sa malayang pamamahayag o free expression. Hindi maaaring manahimik ang sambayanang Pilipino na habang nagtitiyaga sa noodles bilang pagkain ay nagpipiyesta naman ang mga nasa kapangyarihan, kabilang na si PGMA`at Unang Pamilya sa bilyon-bilyong pera ng bansa,” paliwanag ni Suyat. 

Hinikayat ng lider-manggagawa ang mga manggagawa at iba pang sektor na mas maging matapang at malikhain sa pagpaabot ng mga paninindigan ng mga ito kahit na may banta pa ng pananakot at pang-aaresto ang mga nasa awtoridad.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments