Galit na mga manggagawa, piniketan ang opisina ng NCR wage board sa Maynila
Error
Related posts
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
- Political will ang kailangang ipakita ng gubyernong ARROYO upang matigil and sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis - KMU
- Hindi pagbibigay ng dagdag sahod ngayong Mayo Uno ni PGMA, kinundena
- KMU sa P22 dagdag-sahod sa NCR: masyadong kaunti, huli
- P22 COLA – napakaliit, nakakagalit!
NAGPIKET ngayong umaga ang mga manggagawa sa ilalim ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng gusali kung saan nag-oopisina ang NCR Regional Tripartite Wage and Productivity Board ( RTWPB) sa pagiging inutil nitong itaas ang sahod ng mga obrero sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Nenita ‘Ka Nitz’ Gonzaga, Pangalawang-tagapangulo para sa Usaping Kababaihan ng KMU, na gayong hindi naniniwala ang mga manggagawa na nagbibigay ng makabuluhang dagdag sahod ang mga regional wage boards sa bansa, ni hindi nito sinusunod ang mandato nito na maaaring itaas ng dalawang beses ang sahod ng mga obrero kapag kinakailangan.
“ Minsan pang pinapatunayan ng NCR wage board at iba pang mga regional wage boards sa bansa na inutil ang mga ito na magkaroon man lamang ng inisyatiba o konsensiya na isulong ang interes ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy na sumisirit na presyo ng mga bilihin at mga produktong petrolyo. Maaaring gumawa ng hakbang ang NCR wage boards na itaas ng pangalawang beses ang sahod ng mga manggagawa lalo na’t binarat kami sa nakaraan nang magbigay lang ito ng ga-mumong P12.00 na pagtaas sa basic pay ng mga obrero. Ngunit kahit na pabalat-bunga ay hindi kaya ng NCR wage board dahil sunud-sunuran ito sa kapritso at pagiging ganid ng mga kapitalista at ng gubyernong Arroyo, “ sabi ni Gonzaga.
Inirehistro rin ng lider-manggagawa na lalong tumitingkad ang kawawang kalagayan ng mga obrero, partikular ang maliit na inuuwing kita nito sa kanilang pamilya sa walang kahihiyang suhulan sa Malakanyang na milyong-milyong piso ang pinag-uusapan.
“ Daan-daang libong piso ang tinatawag na Christmas gifts ang ipinamigay sa mga oportunistang mga congressmen at mga lokal na upisyal ng Malakanyang habang hindi pa sigurado na makakatanggap kami ng mga bonus o mabubuhay pa kami bago mag-Pasko dahil sa nararanasan naming ibayong kahirapan. Kami na pinagmulan ng perang kanilang ibinubulsa at gumawa ng mga bagay na pagpipiyestahan nila ngayon at ng kanilang mga gastador at maluluhong mga asawa at anak. Nasaan ang katarungan dito?,” himutok ni Gonzaga.
Idiniin din ni Gonzaga na dahil wala naman talaga silang aasahan sa mga regional wage boards kung kaya’t pagbubutihin pa nila ang kampanyang maipasa ang batas sa Kongreso para sa P125 umento sa sahod, across-the-board at across-the-country.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
3 days 9 hours ago - The most Filipino workers,
6 days 14 hours ago - maam / sir
2 weeks 4 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 18 hours ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 19 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 4 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 5 days ago - really?...but on the other
4 weeks 10 hours ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 hour ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 11 hours ago
Most discussed