Skip to main content

Dagdag sahod, patuloy na igigiit ng mga manggagawa sa kabila ng pag-urong sulong ng Kongreso

2007/01/26 - 9:47am
KMU EVP Lito Uztarez makes his speech.  Rep. Rafael Mariano and Rep. Magtubo listens.Hindi aatras ang mga manggagawa sa panawagan ng P125 across-the-board legislated na dagdag na sahod. Kapag naibalik sa deliberasyon ang panukalang dagdag sahod, tiyak na kakatayin na ito ng mga kinatawan na tutol sa makabuluhang umento, lalo na ng mga tauhan ng administrasyon.

Ayon pa sa Kilusang Mayo Uno (KMU), lalo pang magpupursige ang mga manggagawa at konsyumer na maisabatas ang umento sa sahod sa gitna ng ginagawang maniobra ng ilang Kongresista na harangin ang pagsasabatas ng wage increase.

"Iisa na ngayon ng tono ng Malakanyang, DoLE, mga kapitalista at pati Kongreso sa panukalang dagdag sahod."

Ayon sa KMU, magiging sentro ng pagbatikos ng mga manggagawa si Rep. Crispin Boying Remulla na nagmungkahi sa Kongreso na ibalik sa Committee level ang House Bill 345 o wage hike bill na nauna nang inaprubahan noon pang Disyembre. Di rin makakaligtas ang mga Kongresista na papabor sa pagharang sa panukalang dagdag sahod. Pati na rin si Rep. Prospero Nograles na gusto pang babaan ang halaga ng dagdag sahod o kaya'y ECOLA na lang ang ibigay sa mga obrero.

"Ilalaban naming hanggang sa huli ang dagdag sahod. Huwag magkakamali ang Kongreso na ibasurang muli ang P125 wage hike bill. Tiyak na maibabasura rin sila sa eleksyon kapag di nila ipinatupad ang matagal nang inilalaban ng mga manggagawa na dagdag kabuhayan."

Maglulunsad ng mga piket ang KMU sa Kongreso at Senado para kalampagin ang mga kinatawan nito para sa pagpapatupad ng dagdag sahod.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments