Skip to main content

DAAN-DAANG MANGGAGAWA MAGMAMARTSA PATUNGONG MENDIOLA PARA SA LEGISLATED WAGE INCREASE

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filepA9xOH could not be copied.
2008/04/22 - 1:30pm

Manipesto na nananawagan na gawing priority o urgent bill ang P125 dagdag sahod sa mga manggagawa, direktang nais maibigay kay PGMA sa Malakanyang

MAGMAMARTSA ngayong hapon ang daan-daang manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Malakanyang upang ihapag ang isang manipesto na pinirmahan ng sentrong unyon, pederasyon at mga kapanalig nitong masang organisasyon upang gawing urgent o priority bill ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa sa buong bansa across-the-board.

Tinawag na “ Manipesto ng Pagkakaisa ng Manggagawa at Maralita upang Gawing Urgent o Priority Bill ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Kagyat na Maipasa ang House Bill 1722 o ang Panukalang Batas para sa P125 Pagtataas ng Sahod, Across-the-Board at Across-the-Country”, ang dokumento ay tatangkaing diretsong maisusumite ng mga lider manggagawa kay PGMA.

Ayon kay Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU, nais ng mga lider-manggagawa na mairehistro kay PGMA na ang makabuluhang dagdag na sahod ay makukuha nila sa kasalukuyan sa pamamagitang ng batas o legislated wage increase at hindi sa pamamagitan ng mga regional wage boards.

Ayon sa Manipesto, inirehistro nito na “Naninindigan kaming batay sa aming karanasan mula 1989 nang maipasa ang Wage Rationalization Act of 1989 o RA 6727 ay lalong binarat, pinaghati-hati at nilinlang kaming mga manggagawa sa aming panawagang madagdagan ng sahod at naisagawa ito sa pamamagitan ng mga regional tripartite wage boards (RTWBs).

Ipinaliwanag pa nito na “batay din sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), 2.8 milyong Pilipino na tumatanggap ng eksaktong minimum na sahod sa bansa ang direktang nakikinabang at 3 milyong Pilipino ang nakikinabang sa pamamagitan ng wage distortions kapag naglalabas ng mga desisyon ng umento sa sahod ang mga regional wage boards. Malinaw kung gayon na maliit na bilang lamang ng mga manggagawa ang nakatatanggap ng pakinabang kapag nagdesisyon ang mga regional wage boards. “

“Dagdag pa dito, kulang na nga lamang sa 6 milyong Pilipinong minimum wage earners ang nakikinabang sa mga desisyon sa mga regional wage boards, mas masaklap ang katotohanang hindi pa sabay-sabay na nakatatanggap ng dagdag sahod ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang rehiyon. Batay na rin sa aming karanasan, ang NCR na sentro ng pulitika ng bansa at pinakabulnerable sa opinyong publiko ang nakakatanggap lamang ng tuluy-tuloy at relatibong mabilis na mga desisyon mula sa regional wage boards. Ngunit karanasan din ng mga obrero sa NCR na mas maraming beses na dagdag-COLA lamang ang natanggap namin lalo na sa panahon ng gubyernong Macapagal-Arroyo.

Inihalimbawa ng mga lider-manggagawa ang karanasan sa ARMM, “ sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na lamang na nakakatanggap ng P200.00 na minimum na sahod (isa sa pinakamababa sa buong bansa) kumpara P1,096 na daily cost of living (DCOL) o sahod na makakabuhay ng disente sa pamilyang may anim na miyembro, P10.00 dagdag COLA lamang ang huling natanggap nila noong Agosto 4, 2006 sa pamamagitan ng Wage Order No. 9. Nitong Enero 2008, ang P10.00 dagdag COLA noong 2006 ay naconvert o itrinanspormang dagdag basic pay o dagdag minimum na sahod sa pamamagitan ng Wage Order No.10 na nagpanatili sa P200.00 na minimum na sahod sa rehiyon gayong diumano’y nagdagdag sahod ang ARMM wage board.

Sinabi rin ni Suyat na maliban pa na inuunsyami ng mga regional wage boards ang ipinaglalabang makabuluhang dagdag-sahod ng mga manggagawa, instrumento rin ito upang makaligtas ang maraming mga kapitalista upang magbigay ng mumong umentong mismong nadidisyunan nito sa pamamagitan ng mga exemptions sa mga inilalabas nitong mga wage orders.

“Inutil din ito kasama na ang Department of Labor and Employment (DOLE) na parusahan ang maraming korporasyong hindi nagpapatupad ng mga wage orders. Sa NCR na lamang, maraming manggagawa pa rin ang hindi nakakatanggap ng mga mumong dagdag-sahod at COLA mula sa Wage Orders 8, 9, 10, 11, 12 at 13. At dahil hindi man lamang mailantad ng mga regional wage boards at DOLE ang mga sumusuway sa ganitong mga kautusan, napakadali sa mga kapitalista at mga negosyanteng magpahayag na pabor sila sa anumang pagtataas ng sahod basta’t idadaan sa mga regional wage boards, “ sabi ni Suyat.

Inirehistro ng lider-manggagawa na iginigiit nila kung gayon kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sertipikahang urgent bill o priority bill ang HB 1722 at itulak na maipasa ito kaagad ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso at maipasa ang katulad na batas saSenado.

” Matibay pa rin ang aming paniniwalang ang makabuluhang dagdag na sahod sa kasalukuyan ay madadaan sa pagpapasa ng batas sa Kongreso at Senado. Kinakatawan ito sa ngayon ng House Bil (HB)l 1722 o panukalang batas ni Anakpawis Cong. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran na magbibigay ng P125.00 dagdag na sahod sa lahat ng mga manggagawa, mula rank-and-file hanggang managerial positions, across-the-board at across-the-country,” giit ni Suyat.

Matapos ang demonstrasyon sa Mendiola, magtutungo ang mga manggagawa at mga tagasuporta nila sa Espana Boulevard, Maynila upang magsagawa ng noise barrage na tinawag nilang “ Kalampagin ang Espana para sa P125 Dagdag Sahod”.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments