Skip to main content

Con-ass, cha-cha express tigilan; Unahin ang mga biktima ng Superbagyong Reming

2006/12/04 - 12:48pm
Nanawagan ngayong araw ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na tigilan na ang pagsusulong ng administrasyong Arroyo sa charter change at unahin ang libo-libong mga biktima ng Superbagyong Reming.
Lalampas na sa 1,000 ang naitalang namatay dulot ng bagyong "Reming"lalo na sa Albay kung saan daan-daan ang naging biktima ng mudslide mula sa Mt. Mayon.

Nakatakadang itulak ngayong araw ng mga alyado ng administrasyon sa Kamara de Representante ang pag-amyenda sa Section 105 ng House Rule 15 kung saan nakatakda ang hiwalay na pagboto ng Kongreso at Senado hinggil sa Cha-cha. Inaasahan naman ang pagpupulong ng Kongreso bilang constituent assembly (con-ass) sa Miyerkoles.

Ani Joselito Ustarez, Pangalawang Tagapangulo ng KMU, "Sa pagdedeklara ng pangulo ng state of national calamity, walang kahihiyan naman nitong itinutulak ang sariling interes sa Cha-cha. Ang kailangan ng taumbayan ay makabangon mula sa hagupit ng unos."

Tama na ang maluhong paggastos sa ASEAN, gamitin sa relief operations

Nagpahayag din ang Alyansa sa Mamumuo sa Sugbo-Kilusang Mayo Uno (AMA-Sugbo-KMU), tsapter ng KMU sa Cebu, na tigilan ang maluhong paggastos sa ASEAN at gamitin na lamang ito sa relief operations. Ani AMA-Sugbo-KMU, P1 milyon na ang bayad pa lamang sa isang events organizer para sa pananghalian at fashion show ng mga asawa ng mga
delegado sa ASEAN.

"Isang libong kaban na ng bigas ang maaaring mabili sa ibabayad sa events organizer ng ASEAN. Malaking bagay na ito sa mga biktima ng bagyo na nagtitiyaga sa kakaunting kilong bigas na binibigay sa relief," dagdag pa ni Ustarez.

Makikilahok naman ang KMU sa relief operation ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na nakatakda sa Disyembre 9-11, "Nanawagan na kami sa aming mga pederasyon at lokal na unyon para makatulong sa relief operation."

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments