Pambansang Bigwas Laban sa Con-Ass

Hindi na lamang simpleng pagtutol ang aanihin ng sukdulan at garapal na pagpuslit ng House Resolution 1019 para sa  Con-Ass sa mababang kongreso ng Pilipinas.
 
Simula ngayong Hulyo at laluna sa SONA, nagkakaisa ang iba’t ibang sektoral na kilusang masa na pakawalan ang isang pambansang bigwas para pigilin ang Con-Ass at tuluyan na itong ilibing sa hukay.  

Kasabay na hahadlang ang bigwas na ito sa patuloy na pananatili ni Arroyo sa kapangyarihan, may eleksyon man o wala, at sa cha-cha na naghahain ng buong patrimonya ng Pilipinas sa dayuhang interes, laluna sa U.S. 

Katatangian ang bigwas na ito ng malaganap,  masaklaw at magkakasabay na protesta ng mamamayang Pilipino sa loob at labas ng bansa. Isang malakas na kilusang masa sa pangunguna ng mga organisasyon sa ilalim ng BAYAN ang inaasahang iluluwal sa Hulyo 27, sa huling SONA ni Gloria.  Koordinado ito sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at sa iba’t ibang lugar sa mundo na may konsentrasyon ng mga Pilipino.

Samantala ang pagkaligalig ng masa sa loob at labas ng bansa kaugnay ng Con-Ass ay nagkakahugis ng iba’t ibang kilos protesta sa mga pabrika, eskwelahan, komunidad, opisina, tindahan, pondohan, atbp.
Nagkakamali si Gloria at ang mga kapanalig niya sa pagsasabing tapos na ang pag-aalsang masa na nakaumang sa kanya.
Magpapatuloy ang pambansang bigwas hanggat hindi iniaatras ng rehimen ang Con-Ass. At magpapatuloy ang labang ito hanggat hindi tuluyang bumababa ang rehimen sa puwesto.### 

Para sa mga kaganapan at updates tingnan ang www.pambansangbigwas.wordpress.com.  Naka-link ang web na ito sa higit 200 organisasyon, media outfits, regional at international networks.

Campaign Updates