Buhay na halimbawa at inspirasyon si Ka Bel sa manggagawa at taumbayan
Error
2006/08/25 - 2:03pm
Related posts
- Manggagawang Kababaihan magpapahayag ng suporta kay Nicole sa isang pagkilos ngayong araw
- "Isang Araw para kay Nicole, Isang Araw para sa Katarungan at Soberanya ng Bansa", iginiit ng KMU
- Pananagutan ng gubyernong Macapagal-Arroyo ang pagbagsak ng pangangatawan ni Ka Bel na naging dahilan ng kanyang pagka-aksidente
- Women workers to join support-protest for Nicole today
- Panawagan ng mga obrero sa Pambansang Kamao - "Manny, sana dalawin mo si Ka Bel"
" Buhay na halimbawa at inspirasyong nagpapalakas at nagpapasiglang
magpatuloy na lumaban."
Ito ang binitawang mga salita ni Elmer "Ka Bong' Labog, Tagapangulo ng
Kilusang Mayon (KMU) sa ipinapakitang lakas at katatagan ni Anakpawis
Rep. Crispin 'Ka Bel' Beltran habang patuloy siyang ilegal na
idiniditine at ginigipit ng gubyernong Macapagal-Arroyo.
" Si Ka Bel ang buhay na patunay kung gaano kalupit ang gubyernong
Arroyo sa kanyang mga kalaban. Siya rin ang buhay na halimbawa na
hindi umaatras kundi patunay pa ngang lumalaban at sumusulong ang
taumbayan laban sa malawakang kahirapan at inhustisyang naghahari sa
ating bayan," diin ni Labog.
Sinabi rin ni Labog na nagkamali ang gubyernong Arroyo sa pag-aakalang
tulad siya ng iba pang mga kongresistang madaling takutin o bilhin
kagaya ng nangyari sa nabigong kasong impeachment laban kay Gloria
Macapagal-Arroyo sa Kongreso.
" Napanday ng matagal at mahihirap na laban si Ka Bel. Pinangibabawan
niya ang diktadurya ni Marcos at lalong hindi niya uurungan ang
diktadurya ni Gloria Macapagal-Arroyo ngayon. Kung kinatakutan siya ni
Marcos noon higit ngayon ang pangingilag ni Gloria sa kanya dahil
kahit siya'y nakaditene at maysakit walang lubay ang pagbatikos niya
sa mga anti-manggagawa at anti-mamamayang mga patakaran at programa nalalong nagpapagising at nagtutulak sa mga Pilipinong patalsikin siya Malakanyang," paliwanag ng lider-manggagawa.
Kabilang ang mga manggagawa sa ilalim ng KMU ang magmamartsa ngayong umaga sa kahabaan ng Quezon Memorial Circle at magsasagawa ng demonstrasyon sa harap ng National Intelligence Coordinating Agency
(NICA) at sa Philippine Heart Center upang iprotesta ang ika-6 na
buwang ilegal na pagkakaditine at panggigipit ng gubyernong Arroyo kay
Ka Bel.

Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 10 hours ago - The past employee who started
6 days 9 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 14 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom

1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 4 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 4 days ago
Most discussed