Bayani si Teacher Nellie Banaag
Error
Mga guro at election volunteers, dapat bigyang pagkilala sa kanilang ambag sa pagtataguyod ng malinis at tapat na halalan
Sinabi ngayon ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na dapat bigyang pagkilala ang lahat ng mga guro na nagsilbi at tumupad sa kanilang election duties sa nakalipas na halalan noong Mayo 14.
"Sa dami ng kanilang hirap at sakripisyo para sa pagtitiyak na magiging malinis at tapat ang halalan, dapat lang na bigyan ng pagkilala ang mga kababayan nating guro. Itinuturing na bayani ang mga kagaya nila itinataya kahit ang sariling buhay para lang mabigyang proteksyon ang boto ng mamamayang Pilipino," ayon kay KMU Spokesperson Presto Suyat.
Nagpaabot ng pakikiramay ang KMU sa pamilya ni Gng. Nellie Banaag, isang highschool teacher na namatay sa sunog sa Pinagbayanan Elementary School, Taysan, Batangas noong Lunes matapos na sunugin ng mga di pa nakikilang salarin ang mga balota sa nasabing polling precint. "Dapat mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni teacher Nellie at ng poll watcher na si Leticia Ramos at iba pang biktima ng karahasan sa eleksyon. Dapat na managot sa batas at maparusahan ang may sala sa kanilang pagkamatay at ang mga gumagawa ng kaguluhan sa eleksyon," ayon sa lider manggagawa.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang grupo sa kabiguan ng pulisya, militar at gobyerno na pangalagaan ang kapakanan ng publiko sa panahon ng eleksyon at bilangan.
Samantala, nagbabantay pa rin ang KMU sa tinatakbo ng bilangan. Sinabi rin ang grupo na kailangang bigyang pansin rin ang pagbibilang sa boto ng mga Party List. Hangga't maari, kailangang maiwasan ang dagdag-bawas sa bilangan ng mga boto ng Party List para makaupo ang tunay na kinatawan ng mga marginalized sectors at hindi ang mga pinatakbong partido ng gobyernong Arroyo," pagtatapos ni Suyat.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 18 hours ago - The past employee who started
6 days 17 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 21 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 4 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 4 days ago
Most discussed