Kondenahin ang Marahas na Pagbuwag sa mga Drayber at May-ari ng Kuliglig!
Mariing kinokondena ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang brutal at marahas na pagbuwag sa hanay ng mga nagpoprotestang drayber at may-ari ng kuliglig sa tapat ng Manila City Hall ngayong hapon.
Ginamitan ng bumbero, batuta at teargas ang mga drayber at may-ari ng kuliglig nang iprotesta nila ang kautusan ng Manila City Hall na ipagbawal ang kuliglig sa mga mayor na kalsada sa Maynila. Marami ang nasaktan sa naganap na pagbuwag at laksa-laksa ang inaresto ng pulisya.
Ang mga drayber at may-ari ng kuliglig ay walang iba kundi ang mga maralitang kababayan nating hindi mabigyan ng trabaho at kabuhayan ng gobyerno at ng kasalukuyang sistema. Pinasok nila ang hanapbuhay sa kuliglig para makaraos sa kahirapang dinaranas nila.
Hindi kailanman karahasan ang dapat itugon ng gobyerno sa ganitong mga kababayan nating dumaranas ng kahirapan at nagtatrabaho nang disente para mabuhay. Ang dapat ay bigyan sila ng pagkakataong magtrabaho at magkaroon ng kabuhayan – at ng mga serbisyong panlipunan.
Dapat ay hinanapan ng mapayapang resolusyon ang protesta ng mga drayber at may-ari ng kuliglig. Makatarungan ang kanilang protesta dahil kabuhayan nila ang nakataya. Hindi dapat umastang parang hari ang gobyerno na todong dahas ang pantapat sa protesta ng mga maralita.
Maidudugtong ang nangyaring ito sa marahas na pagtatangkang i-demolish ang tahanan ng mga maralitang lungsod sa Old Manila at Sitio San Roque sa nakaraang mga buwan. Ipinapakita nito ang pagiging marahas at walang-awa ng rehimeng Aquino sa mga kababayan nating maralitang lungsod.
Mabilis na inaani ng rehimeng Aquino ang suklam ng sambayanan dulot ng marahas na pag-atake nito sa kabuhayan at kabahayan ng mga maralitang lungsod at iba pang hakbanging kontra-maralita at kontra-mamamayan. Sa mga susunod na buwan, makikita nito ang papalaking protesta ng mga maralita.
Hindi maiiwasang masuklam ng mga maralita at mamamayan sa rehimen dahil ang “matuwid na daan” na ibinibida ni Noynoy ay walang kuliglig, walang sidewalk vendors, at walang squatter – hindi dahil binigyan sila ng trabaho at kabuhayan, kundi dahil dinahas at itinaboy sila ng pamahalaan. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 18 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 18 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed