Sa pagbubukas ng Kongreso: KMU, nanawagan ng Senate bill para sa dagdag-sahod
Related posts
Nanawagan ang mga manggagawa sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong araw na magkaroon ng panukalang batas sa Senado para sa makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa. Hinikayat din nila ang mga kongresista sa mababang kapulungan na suportahan ang P125 bill na ni-refile ng Anakpawis Partylist.
Sa pamumuno ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno, ipinarinig ng mga manggagawa ang kanilang panawagan para sa “lubos na nararapat at matagal nang ipinagkakait na makabuluhang dagdag-sahod para sa bayan.”
“Bigyan sana kami ng pag-asa ng mga bagong halal na mambabatas, dahil hindi nagpapakita ng senyales ng ‘pagbabago’ sa isyung ito ang Malakanyang. Hindi namin maramdaman ni kaunti ang katarungang panlipunan dahil pinananatiling napakababa ang sahod,” ayon kay KMU executive vice-chairperson Lito Ustarez.
“Wage freeze ang malinaw na naging patakaran ng mahigit siyam na taon ng rehimeng Arroyo. Kaya nga, ayon sa Ibon Foundation, ang minimum wage sa NCR na P404 ay katumbas lang ng P242 kapag inihambing sa mga presyo ng bilihin noong 2000 – mas mababa pa sa tunay na halaga minimum na sahod noon na P250.
“Sa halip na tugunan ang isa sa pinaka-mayor na kahilingan ng mamamayan sa bagong administrasyon, iniiwasan pa ni Pangulong Aquino ang makabuluhang dagdag-sahod sa pamamagitan ng pag-uutos sa regional wage boards na magbigay ng barya-baryang di lalampas sa P20 sa marami nang rehiyon.
“Kung magkakaroon ng Senate bill at kagyat na maisasabatas ito kasama ng P125 bill ng Anakpawis sa Kongreso, mas mabibigo ang mga maniobra ng gobyerno at ng malalaking kumpanya para iwasan ang makabuluhang dagdag-sahod,” paliwanag ni Ustarez.
“Pahirap nang pahirap ang pagkayod natin sa bawat araw, habang palaki naman nang palaki ang tubo ng mga korporasyon. Hindi pwedeng habang-panahon tayong i-blackmail ng mga korporasyon na magtiiis sa mababang sahod o matanggal sa trabaho. Pawis natin ang nagbibigay tubo sa mga negosyo at nagpapatakbo sa ekonomiya – dapat lang na lumaki ang parte natin dito sa pamamagitan ng dagdag-sahod.” #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 18 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 18 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed