KMU, nanawagan sa mga personalidad na magsalita laban sa 'Luisita Scam'
Error
Related posts
- Lupa ng Hacienda Luisita, ipamahagi sa magsasaka – ngayon na!
- Kontra-magsasaka ang desisyon ng Korte Suprema! Sumama sa protesta sa Hulyo 22!
- Ipinagbubunyi ng mga manggagawa ang maka-magsasakang desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita
- Anakpawis, nangakong igiit ang katarungan sa Luisita, ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- KMU: Nasaan ang katarungang panlipunan sa pagbebenta ng Luisita?
Nangako ngayong araw ang Kilusang Mayo Uno na kikilos ito para sa “pambansang araw ng pagkondena” sa pekeng kasunduan at naganap na referendum sa Luisita sa darating na Agosto 18, kasabay ng pagpanawagan sa mas marami pang personalidad na magsalita laban sa nasabing scam.
Tatapat ang pambansang araw ng pagkondena sa pagdinig ng Korte Suprema sa apela ng mga magsasaka ng Luisita na ibasura ang naunang desisyon ng korte na nagpapatigil sa pamamahagi ng lupa sa 6,453-hektaryang plantasyon.
“Natutuwa kami sa huling mga pahayag nina CBCP Social Action head Bishop Broderick Pabillo at dating Comelec chair Christian Monsod na kumukwestyon sa pekeng kasunduang niluto ng mga Aquino at Cojuangco sa Luisita. Panawagan namin sa iba pang personalidad: magsalita at tumindig sa panig ng mga magsasaka ng Luisita sa isyung ito,” sabi ni Lito Ustarez, executive vice-chairperson ng KMU.
“Mahalagang magsalita ang mga personalidad – pulitiko man o iba pang komentarista – na nagmamalasakit sa mga magsasaka at katarungang panlipunan pabor sa tunay na reporma sa lupa. Nakita ng lahat ang palabas sa Luisita. Kung umasta ang mga Aquino at Cojuangco, parang walang makakapigil sa kanilang pagkakait ng lupa sa mga magsasaka, parang walang makakapagpahiya sa kanila sa panloloko sa publiko,” sabi ni Ustarez.
“Ang nangyari sa Luisita ay isang planong pinaghandaan nang husto bagamat hindi magandang naipatupad, isang iskemang gustong ilarawan ang pekeng kasunduan at referendum bilang ‘tunay na istorya’ habang pinapasama ang imahe ng mga tumututol bilang mga ‘paksyon’ o ‘ilang tumututol.’
“Historikal ito. Nakikita natin ang isang matinding pagtataksil at pang-aagaw ng lupa. Huhusgahan ng kasaysayan kung sino talaga ang pumanig para sa mga magsasaka ng Luisita at kung sino ang nagtanggol sa iskema ng mga Aquino at Cojuangco. Hindi dapat matakot magsalita ang mga taong gustong maging positibo ang paghusga sa kanila ng kasaysayan,” dagdag ni Ustarez.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 12 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed