KMU kay Noy: Imbestigahan ang mga anti-manggagawang patakaran ni Lucio Tan
Error
Related posts
- KMU kay Lucio Tan: hiling ng PAL workers, sundin
- KMU kay Noynoy: Pumanig sa PAL employees, hindi kay Lucio Tan
- [Labanan ang Kontraktwalisasyon!] Mensahe ng pakikiisa ng Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawa sa ilalim ng ABS-CBN Internal Job Market
- Iligal na pagsasara at tanggalan, labanan!
- Banta ng tanggalan, nakaamba sa pagbili ng Pfizer sa Wyeth; Hakbangin ng dalawang kumpanya, babantayan ng KMU
Habang patuloy ang kontrobersya hinggil sa maramihang pagbibitiw ng mga piloto sa Philippine Airlines simula noong Sabado, nanawagan ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno kay Presidente Aquino na imbestigahan ang tubo at mga iskemang kontra-manggagawa ng may-ari ng PAL na si Lucio Tan.
Inihayag ng KMU ang panawagan sa isang piket sa harap ng opisina ng PAL sa Ayala Avenue ngayong umaga, kung saan kinondena ng sentrong unyon ang mga iskema ni Lucio Tan para palakihin ang tubo at patindihin ang pagsasamantala sa mga manggagawa nito.
Dumalo sa piket ang mga miyembro ng PAL Employees’ Union o Palea, unyon ng mga ground employees ng PAL, ang Laban ng Bagong Palea, mga manggagawa mula sa KMU at Anakpawis partylist.
“Patuloy na isinasalaksak ng PAL Management sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino ang kasinungalingan ni Lucio Tan na nagbitiw ang mga piloto dahil lang sa personal na interes. Kung may sangkot sa isyung ito na tuluy-tuloy na nagsulong ng makasariling interes lang, iyan ay walang iba kundi si Lucio Tan,” sabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.
“Kaya nananawagan kami sa rehimeng Aquino: imbestigahan ang mga iskema sa pagpapalaki ng tubo at panggigipit sa mga manggagawa ni Tan, at ilantad ito sa publiko. Hindi lang nito ipapaliwanag ang ugat sa pagbibitiw ng mga piloto; mas mahalaga, unang hakbang ito sa pagpapabuti sa sumasahol na lagay ng mga manggagawa ng PAL,” dagdag ni Soluta.
Ayon sa sentrong unyon, bubuksan ng imbestigasyong ipinapanawagan nito ang isang “baul ng mga kabulukan” na magpapakitang ang mga pahayag ng PAL Management ay pawang “mga kasinungalingan lang para pagtakpan ang pagkamal nito ng tubo.”
“Sa iba’t ibang pagkakataon, lalo na tuwing negosasyon sa mga collective bargaining agreement, laging maririnig ang PAL Management na dumadaing na lumiliit ang tubo nito at posible nang magsara. Paanong mangyayari iyun, eh pangalawang pinakamayamang Pilipino pa rin si Lucio Tan na may kabuuang kita na P90 bilyon? Numero unong kumpanya din ng airline sa bansa ang PAL, na kumokopo ng 35% ng international flights” sabi ni Soluta.
“Makikita nating hindi puro sariling interes ang inisip ng mga piloto noong nagbitiw sila, dahil laganap talaga sa PAL ang mga iskemang kontra-manggagawa: pagpapabigat sa trabaho at pagpapaliit ng sahod, iligal na pagtanggal sa trabaho, moratoryo sa negosasyon sa CBA, pagpapalaganap ng kontraktwalisasyon, paggamit ng mga dummy corporations, at iba pa,” dagdag niya.
Ayon kay Soluta, magluluwal ang pag-imbestiga sa tubo at mga patakaran sa paggawa ni Tan ng “makabuluhang pagtingin” sa mga batas at patakaran sa paggawa sa bansa.
”Magigimbal tayo sa kung gaano karami ang iligal na ginagawa ni Tan sa PAL at iba pa niyang kumpanya. Pero magigimbal rin tayo kung gaano karami sa mga hakbangin niya para palakihin ang tubo at gipitin ang mga manggagawa ang ligal na ligal, dahil binasbasan ng mga kontra-manggagawang mga batas at patakaran ng bansa,” pagtatapos ni Soluta. #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 20 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed