Skip to main content

Dagdag-sahod sa NCR, kakainin ng dagdag-pasahe sa MRT – KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileNsGLah could not be copied.

Tiyak na kakainin lang ng nagbabantang dagdag-pasahe sa MRT ang “nakakainsulto sa liit” na P22 dagdag-sahod na inaprubahan ng wage board ng NCR noong Hunyo, ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno. Ayon sa grupo, mga manggagawa ang karamihan sa mga regular na pasahero ng MRT.
Matapos ianunsyo noong Hulyo ni Department of Transportation and Communications Undersecretary Dante Velasco na ang aktwal na gastos sa paghahatid ng bawat pasahero ng MRT ay P60, sinabi niya kamakailan na magiging “maliit” na lang ang dagdag-pasahe, tnatayang sampung piso.
“Matapos aprubahan ang nakakainsulto sa liit na P22 dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila, babawiin din pala ito agad ng gobyernong Aquino sa pamamagitan ng nakakapanggalit sa laking dagdag-pasahe sa MRT,” sabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.
“Mangangahulugan ang panukalang dagdag-pasahe ng di bababa sa P20 dagdag sa araw-araw na gastusin ng mga manggagawa. Ibig sabihin, sa P22 dagdag-sahod, ano pa ang mararamdaman naming dagdag?

“Isa pa, marami pa nga sa amin ang hindi pa natatamasa ang karampot na dagdag-sahod na iyon. Inaamin mismo ng Department of Labor na 52% ng lahat ng kumpanya sa bansa ang nagpapa-sweldo nang mas mababa minimum wage. Lalong apektado ang mga manggagawang ito ng pagtaas ng pamasahe sa MRT” ani Soluta.

Ayon din sa DOLE, may tinatayang 4.2 milyong manggagawa sa Metro Manila, kung saan 2.18 milyon ang tumatanggap lang ng minimum na sahod.
“Isa lang ang sinasabi sa amin ng sitwasyong ito: kailangan talaga ng makabuluhang dagdag-sahod,” sabi ni Soluta.
Ipinapaglaban ng KMU ang pag-pasa sa House Bill 375, na isinampa ni Rep. Rafael “Ka Paeng” Mariano ng Anakpawis Partylist, na magsasabatas ng P125 dagdag-sahod na across the board sa buong bansa.
“Kaya naman patuloy naming lalabanan ang panukalang dagdag-pasahe sa MRT at LRT, kasabay ng paglaban namin para sa pagsasabatas ng makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa. Hindi kami pwedeng magpatangay na lang sa bilis ng pagbaba ng halaga ng aming mga sahod,” ani Soluta. #

Reference Person: 
Rogelio "Roger" Soluta, KMU general secretary
Contact information: 
0928-721-5313

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments