Skip to main content

Bangko, kumpanya, makikinabang sa taas-pasahe sa MRT, LRT – KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filepB8P5r could not be copied.

Ipinarinig ngayon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno at progresibong partylist na Anakpawis ang mariing pagtutol sa nagbabantang dagdag-pasahe sa MRT at LRT sa isang maikling programa sa estasyong North Avenue ng MRT. Anila, tanging malalaking dayuhang bangko at kumpanyang lokal ang makikinabang sa dagdag-singil.

Namigay rin ang KMU at Anakpawis Partylist ng polyetong kumokondena sa inanunsyong pagtaas kasabay ng paghikayat sa mga mananakay ng MRT at mga dumadaan na ilagda ang “No” sa malaking balatenggang naglalaman ng kanilang panawagan. 

Kinondena rin ng grupo ang tinawag nilang “mapanlinlang” na propaganda ng gobyernong Aquino para sa dagdag-pasahe, gamit ang konsepto ng “users pay” para hatiin ang mga Pilipino sa isyu.

“Pumasok ang gobyerno sa makaisang-panig na kasunduan sa mga bangko at pribadong kumpanya para gawin at patakbuhin ang MRT at LRT, sa kapinsalaan ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Iyan ang pangunahing dahilan kung bakit inililipat sa mga mamamayan ngayon ang pasanin ng pagpapatakbo sa mga tren sa pamamagitan ng dagdag-pasahe,” sabi ni Lito Ustarez, executive vice-chairperson ng KMU.

“Ang isyu ay hindi lang nawawalan ang gobyerno ng buwis ng mga mamamayan dahil tumaas ang gastos sa pagpapatakbo sa dalawang linya. Masyado talagang mabigat ang pananagutang inako ng gobyerno para sa mga manggagawa at mamamayan sa kasunduang pinasok nito sa mga bangko at pribadong kumpanya.

“Sa sobrang bigat, kailangan pa ring magtaas ng singil kahit pa nagkaroon na ng reputasyon ng MRT at LRT na parang sardinas – siksik, liglig at umaapaw sa mga pasahero,” dagdag niya.

Nanawagan ang KMU at Anakpawis Partylist na repasuhin ang mga kontrata sa pagitan ng gobyerno at ng Metro Rail Transit Corporation, na siyang gumawa sa MRT. Anila, kailangang muling makipag-negosasyon ang gobyerno tungkol sa pagbabayad sa paglikha ng linya ng tren.

“Sa kanyang SONA, nangako si Presidente Aquino ng ‘bago at malikhaing mga porma’ ng paglikom ng pondo ng gobyerno. Pero hindi na bago ang pagbayarin nang husto ang mga anakpawis. Hindi rin ito mapanlikha. Kailangang pangunahan niya ang pakikipagnegosasyong muli tungkol sa pagbabayad sa kontrata ng MRT at LRT,” sabi ni Cherry Clemente, secretary-general ng Anakpawis.

“Hindi lang naman ang gobyerno ang gipit ngayon sa pera. Matagal nang nagdurusa ang mga anakpawis sa mababang kita at nagtataasang presyo ng mga bilihin sa loob ng ilang taon. Dapat tigilan na ng gobyernong Aquino ang pag-iisip na pwede nitong basta-basta na lang ipasa ang bigat ng krisis sa kanila,” dagdag ni Clemente.

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU chairperson
Contact information: 
0908-163-6597 / 0919-416-3451

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments