Obrero kay Aquino: Dagdag-sahod, huwag kaligtaan
Error
Related posts
- KMU kay Noy: I-shock mo kami, kasuhan mo si Gloria
- Pagtaas ng matrikula, dagdag pasanin sa harap ng nagtataasang presyo, napakong sahod – KMU
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
- Giit ng obrero kay Aquino: P125 dagdag-sahod, unahing isabatas
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
“Sabihin mo ang katotohanan, ang buong katotohanan. Tapos sabihin mo kung ano ang plano mong gawin.”
Ito ang reaksyon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa mga pahayag ng Malakanyang na magiging “educational” ang unang SONA ni Pangulong Noynoy Aquino at isisiwalat nito ang lagay ng gobyerno.
“Dapat sabihin ni Presidente Aquino ang buong katotohanan at hindi lang ang isang bahagi nito. Dapat ilahad niya ang katotohanan tungkol sa lagay ng mga mamamayang Pilipino, lalo na ng maralita, ng mga magsasaka at manggagawa. Sana huwag niyang kaligtaan ang mga isyu namin,” ani Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“At sana ideklara niya sa unang SONA niya kung ano ang plano niya para tugunan ang kalagayan at mga panawagan namin. Gusto naming makarinig ng plano ng pagkilos na maka-mahirap sa SONA,” dagdag niya.
Simula sa termino ni dating Pangulong Joseph Estrada, nanawagan ang KMU na isabatas ang P125 dagdag-sahod across the board para ihabol ang tunay na halaga ng sahod. Matapos hindi pansinin ng dalawang pangulo ang panawagan, ayon sa KMU, kailangang ngayon na magkaroon ng pagtaas.
“Suporta sa pagsasabatas ng makabuluhang dagdag-sahod – ito sa minimum ang gustong marinig ng mga manggagawa kay Presidente Aquino sa una niyang SONA. Matapos ang mahigit siyam na taon ng bansot na sahod sa gitna ng nagtataasang presyo at tubo, ito ang gusto namin,” sabi ni Labog.
Ayon sa KMU, hindi binanggit ni Aquino ang dagdag-sahod sa kanyang inagurasyon. “Binibigyan ng mga manggagawa ng isa pang pagkakataon ang Pangulo sa kanyang SONA para tumugon sa lagay ng sahod. Pagkakataon din niyang patunayang hindi siya kontrolado ng mga kontra-dagdag-sahod na mga CEO na nakapaligid sa kanya.”
Bagong buwis? Pahayag ng Malakanyang, nakakabahala
Ayon sa lider-manggagawa, “nababahala” ang mga manggagawa at maralita sa mga pahayag ng mga opisyal sa gabineteng Aquino na ilalahad ng pangulo ang lagay ng pondo ng gobyerno. Aniya, posibleng pasakalye ito sa pagtaas ng buwis na sinisingil sa mga mamamayan.
“Nababahala kami ng mga pahayag na ito. Pasakalye ba ito sa paghingi ng ‘tulong’ sa mga manggagawa at mamamayan sa porma ng pagtataas ng buwis? Nakita na natin ito sa nakaraan, sa rehimeng Arroyo, kung saan ipinakita ng gobyerno ang kawalan ng pondo para bigyang-katwiran ang pagtataas ng buwis,” ani Labog.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 23 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed