KMU kay Noynoy: Term extension ng diplomats ni Arroyo, ibasura
Error
Nanawagan ngayong araw ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno kay Presidente Noynoy Aquino na ibasura ang tatlong buwang term extension ng mga diplomat na itinalaga ni dating Pangulong Arroyo na siyang ipinag-utos ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo. Ayon sa grupo, marami sa mga diplomat na ito ang matapat kay dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon sa KMU, tila sinasabi ng utos ni Romulo, na inirekomenda rin ni Executive Secretary Paquito Ochoa, na handa ang administrasyong Aquino na makipagmabutihan sa mga kinasusuklamang alter-ego ni Arroyo sa ibang bansa.
Tagapagtanggol ni Arroyo si Ambassador to Greece Rigoberto Tiglao at siya rin ang utak ng programang “Matatag na Republika” ng dating administrasyon. Ipinagtanggol naman ni Ambassador to Indonesia Vidal Querol, dating direktor ng National Capital Region Police Office o NCRPO, ang pag-aresto nang walang warrant sa mga aktibista nang nagdeklara ng state of emergency noong 2006.
Samantala, hepe ng AFP si Ambassador to Iran Generoso Senga noong kasagsagan ng mga pampulitikang pagpaslang noong 2005 hanggang 2006.
“Bakit bibigyan ni Aquino ng dagdag na panahon sa serbisyo publiko ang mga tauhang ito ni Arroyo? Matagal nang gusto ng mga manggagawa at mamamayan na sipain sila sa gobyerno at idawit sila sa pagpapanagot kay Arroyo,” sabi ni Lito Ustarez, executive vice-chairperson ng KMU.
“Una sa lahat, bakit papayagan ni Presidente Aquino si Romulo, na itinalaga rin ni Arroyo, na masunod sa pagpapahaba ng termino ng matatapat na tauhan ni Arroyo? Dapat mabilis na baligtarin ni Aquino ang hakbanging ito ni Romulo sa pamamagitan ng pagbasura sa memo ng Department of Foreign Affairs,” dagdag niya.
“Dapat kasama ng sinasabing bagong pananaw ng gobyerno ang pagbabago ng susing mga opisyal nito. Ano ang mensaheng ihinahatid ng administrasyong Aquino sa mga mamamayan ng Pilipinas at mundo? Na wala talagang pagbabago sa pananaw ng gobyerno? Halimbawa, ano ang paliwanag sa mundo ng bagong gobyerno pagdating sa ekstrahudisyal na mga pagpaslang? Katulad din ng sa gobyernong Arroyo?” tanong ni Ustarez.
Panatilihin ang mga empleyado
Ayon sa KMU, sa halip na panatilihin ang mga “bulok na itlog” ni dating Pangulong Arroyo, dapat panatalihin ng administrasyong Aquino ang mahigit 100,000 empleyado ng gobyerno na matatanggal sa trabaho pagdating ng Hulyo 31.
Sa nirebisang Memorandum Circular No. 1, magpapatuloy lang hanggang Hulyo 31 ang mga kontraktwal o kaswal na empleyadong magtatapos ang kontrata sa Hunyo 30. May 98,086 kaswal na at 21,319 kontraktwal na empleyado ang gobyerno.
“Hindi makatarungan na makakatanggap ng sweldo ang mga itinalaga ni Arroyo lampas sa katapusan ng termino nila habang mahigit 100,000 empleyado ng gobyerno ang nahaharap sa tanggalan sa katapusan ng buwan,” sabi ni Ustarez.
“Panawagan namin kay Presidente Aquino: hadlangan ang malawakang tanggalan sa pamamagitan ng pag-uutos na muling tanggapin ang lahat ng kaswal at kontraktwal. Ito ang patunay na talagang priyoridad niya ang trabaho.”
“Nagtataka kami kung bakit masyadong mabilis ang administrasyong Aquino sa pag-uutos ng term extension ng mga diplomat ni Arroyo pero napakabagal kung papanatilihin ang mga kaswal at kontraktwal,” dagdag ng lider-manggagawa.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
6 days 23 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed